Chapter 40:DOLL

7.8K 206 55
                                    

" Bago ko simulan ang aking unang POV kay Sebastian basahin nyo muna to , wag kayong skip ng skip haha! pektusan ko kayo ee.

Maraming maraming salamat kay "YAYAMI07" for the cool cover ! ayiee haha nakakatuwa ang galing galing nyang gumawa, ang astig ! hindi na mukhang ewan ang cover ko ayiee nakakasipag..Super thankyou sa pagpansin sa request ko , ang ganda tuloy ng mood ko mag update kahit maaga pa hihihi.. SALAMAT sa uulitin ! ^_^ ang COOL.wala talaga kong talent gumawa nyan haha ! uulitin ko ang pasasalamat sa first page pag edit ko haha para dalawa ^^

To all my readers : next week magsisimula na ang BOOK 2 ng RAISED BY WOLVES nakakahiya naman sainyo e hahaha ! thanks sa 700K views, 11K votes ,5K comments sa BOOK 1.

                                                            CHAPTER 40

                                                                 "DOLL"

SEBASTIAN'S POV 

Kasing lamig ng gabi ang naging pakitungo nya sakin ng dumating ako, ginawa ko yung gusto nya kumitil ako ng mga buhay para iligtas si Kyo na kasama ni Dama Eloisa.Ngayon nasa dating Mansion na sila at naghihintay sakanya, oo nga pala may kasama pa silang isa hindi ko lang nalaman kung anong pangalan, hindi naman mahalaga.

Kung sana kasama sa kakayahan ko bilang isang Demon ang makabasa ng isipan, nagamit ko sana ngayon.Dalawang araw na simula ng bumalik ako at dalawang araw narin na ganito sya kalamig sakin, hindi nya ko kinikibo mas maganda na nga sigurong lagi syang galit hindi tulad ngayon.

Bigla bigla syang nagbabago, bakit napakahirap pakisamahan ng mga babae.Pagpasok ko sa kwarto nya para gisingin sana sya na gising na pala kaya hinawi ko nalang ang kurtina.Nanatili syang walang imik tulad ng gisingin ko sya kahapon,gusto kong ibuka ang bibig ko ngunit tuwing gagawin ko yun magsasalita sya ng mga bagay na magiging dahilan para hindi na rin ako kumibo.

"Aalis ako , si Angelica ang isasama ko dito ka lang wag kang aalis ng hindi ko iuutos " iniiwasan nya ang tingin ko at kumilos n mag-isa, bakit hindi nya sabihin ang bumabagabag sakanya?malapit na kong mapatidan ng pasensya.tsss

"Saan ka pupunta? " 

"Kay Alfred , sige na lumabas ka na  .. " Pumasok na sya sa loob ng bathroom , ano bang nangyayari sakanya?bakit ba ayaw nya kong isinasama? anong sinabi sakanya ni Angelica?katangian ng ilang babaeng nakakainis , pakialamera at makitid ang pag iisip , kung ano man ang dahilan nya bahala sya pumunta sya sa gusto nyang puntahan ihatid ko pa sya at mapakasaya sila.

Naglakad na ko palabas hahanapin ko si Angelica, masakit na nga sa mata ang makita syang madalas pati ba naman sa ulo magiging pasakit pa sya?

MY DEMON BUTLER (BlackButler)Where stories live. Discover now