Chapter 44:My Sin (Sebastian)

7.3K 206 54
                                    

Sa loob ng Mansion nila Alfred naging awkward para kay Ciel ang naganap , dahil sa isang hapag kasama nya ang buong pamilya ni ALfred, si Alfred at Elizabeth para syang nasa hotseat.

Isama pa na wala si Sebastian , dahil mga bisita lang ang nandoon at naiinis sya pag naiisip na baka lapitan ito ni Angela.

"Kapag tinitignan kita pakiramdam ko ikaw si Charlotte " nakangiting wika ng Ina ni Alfred sakanya.

Hindi sya makangiti , ang sama ng tingin sakanya ni Alfred.

"Cielly ! Isayaw mo ko dalian mo, nandun yung mga friends ko ! " si Elizabeth na hinila na sya patayo , nakahinga sya ng maluwag minsan pala mabuti talagang kasama nya to.

**

"Wala akong balak makialam sa susunduin mo " si Sebastian na itinaas ang dalawang kamay at ngiting-ngiti ng makita ang masamang tingin sakanya ng Shinigami na si William Spear, nag ayos ito ng salamin bago masamang tinignan si Sebastian.

"Kapag ako ang narito hindi ko hahayaan na gawin mong hapunan ang kaluluwa na nakatakda ngayong araw " si William na walang tiwala sa ngisi ni Sebastian.

"Okay " ngiting sagot ni Sebastian, sabay lahad ng kamay.

"Wag mo kong hawakan ! ''

"Ang sama mo naman " lalong nangiti si Sebastian pero nawala ang ngiti nya ng may narinig syang tumawag sa pangalan nya at lalo lang nawala ang ngiti nya ng makita pa ang kasama nito.

Si Alfred kasunod si Angela, nasa labas na nga sya dinadalaw pa sya.

"Sebastian " tawag ni William sakanya.

"Oo hindi ako papatay,  nandito ang Young Lady ko kaya lang ako nandito " si Sebastian , kaya naglaho na ito sa dilim.

"Young Master " nginitian pa to ni Sebastian pero sinuntok sya nito kaya naman masama ang ipinukol nyang tingin dito.

"Hindi ako pumapayag na saktan ng iba , maliban saking Lady " si Sebastian na ngumiti.

"Anong kaylangan mo kay Charlotte ! " hinawakan nito sa kwelyo si Sebastian,

"Yung yaman ba nya?! ninakaw mo na yung pagiging Inosente nya ano pang gusto mong kunin sakanya ! pati si Angela niloloko mo ! " Sa sinabi ni Alfred tinignan ni Sebastian ni Angela.

MY DEMON BUTLER (BlackButler)Where stories live. Discover now