Chapter 32:The Master

6.9K 231 64
                                    

 edicated sayo ! yiee salamat kase halos lahat ng story ko talagang sinusubaybayan mo super thankful akoo ^___^

                                                  Chapter 32

                                              THE MASTER

Totoo bang nakikita ni Ciel si Sebastian?Nakatitig ito sakanya,katulad ng titig ng una niya tong masilayan ng magising siya noon, ang Demon na nagsilbing tagapagligtas niya at ang lalaking pinag-alayan niya ng lahat-lahat?

" Gusto mong maligtas at makilala ang nasa likod ng pangyayaring nagaganap?" si Sebastian,ang boses nito na napakatagal na simula ng huli n'yang marinig.Inilahad nito ang kamay sa kanya kaya naman napatingin siya doon, nanaginip ba siya?

"Makipagkontrata ka sakin " sumilay ang ngiti nito sa labi na nagpabilis ng tibok ng puso ni Ciel,panaginip lang ba ang lahat?

"Kung hindi ka sasagot wala na'kong magagawa para sayo " si Sebastian ng titigan niya ay nakatitig din sakanya, hindi ba siya nito nakikilala?oo nga pala malaki ang ipinagbago niya, minasdan niya ang kamay nito aabutin ba niya iyong muli?at nakahanda ba siyang muling iwanan nito kung saka-sakali?

"Kung ganon iiwan na kita-- " si Sebastian na tumalikod na at naglakad patungo sa pintuan,kaya tumayo siya kahit pa nanghihina ang tuhod niya.Hanggang sa panaginip o halusinasyon ba ay iiwanan siya nito?isa pa ang mga laman ng Mansion-- 

"Mamamatay narin silang lahat kaya naman magsama-sama kayo dito,wala kang nagawa para iligtas sila" Palabas na ito ng pintuan , nakuyom niya ang dalawang kamay kahit kelan hindi na niya to pagtitiwalaan!Iiwanan din siya nitong nag-iisa tulad noon pero hinding-hindi siya susuko ngayon dahil may pinahahalagahan siya na hindi niya na gugustuhing maulit pa.

"Makikipagkontrata ako sayo!Kahit anong kapalit ibalik mo lang sa ayos ang lahat" maawtoridad na wika niya, mas matigas ,mas malamig at mas lalong walang plano siyang ibigay lahat dito ang tiwala at ipaubaya muli ang sarili.Siya na si Ciel Phantomhive, hindi na siya si Charlotte na minsan nitong pinaikot sa mga palad at iniwan na wala halos mahawakan.

**

"Umalis na tayo" si Mask Lady na sumakay na ng sasakyan , sinundan naman ito ni Kyo na sumakay sa tabi nito at humarurot na ang sasakyan nila.

"Walang silbi ang selyo na to kung buhay pa sila " si Mask Lady na siyang nagmamaniobra ng sasakyan na tumatakbo na sa kahabaan ng kalsada na sakop parin ng Marineth.

"Hindi na sila mabubuhay,loob at labas ang pinagmulan ng sunog himala na lang ang makakapagligtas ng kahit isa sakanila " wika ng isa pang lalaking nasa backseat na nakasuot ng isang Chinese outfit, kalapit nito ang isang babaeng naka chinese outfit din at base sa mga singkit nitong mata ay tunay na Tsino ang mga ito.

MY DEMON BUTLER (BlackButler)Where stories live. Discover now