Chapter 16 / Is it LOVE ?

10.3K 248 70
                                    

                                CHAPTER 16

                                IS IT LOVE ?

                    _____________________

 CHARLOTTE POV "  

Habang nakaupo ako sa swivel chair ko sa loob ng opisina ko sa loob ng ikalawang palapag ng Mansion hindi ko mapigilang alalahanin ang White butler na si " CS " pareho silang nakikipagkontrata ni Sebastian , ngunit may magkaiba silang layunin pagdating sa pakikipag kontrata , hindi ko inaasahan na ganito kadaming nilalang na inaakala ng maraming pangkaraniwang tao lamang .

White butler siya dahil puti ng suot niya, hindi katulad ng pangkaraniwan na kulay itim , kapag iniisip ko silang dalawa para silang mga chess piece , sino kaya ang mananalo ?

Hanggang ngayon pinag-iisipan ko kung dadalo ako sa pagtitipon na hindi ko naman kilala kung sino at ano ang dahilan , isa pa may alam siya sa kaso ni Alice kaya lalo ko gustong alamin kung sino ang butler na iyon . Alam ko na hindi ako mapapahamak dahil kay Sebastian , hanggang huli poprotektahan niya ko dahil iyon ang pangakong sinumpaan namin dalawa. 

Lumapit ako sa bintana at hinawi ang kurtina sa baba niyon tila di na naman magkanda tuto ang ibang naninilbihan sa mansion dahil tila mainit naman ang ulo ni Sebastian , nakakatawa silang tignan , araw-araw nalang nilang pinapasama ang araw ni Sebastian sa mga kapalpakan nila .

Ngiting ngiti pa naman ako ng biglang lumingon si Sebastian na ikinabigla ko kaya agad kong sinara ang kurtina at napasandal nalang basta , iyan na naman ang kabog ng puso ko , hinawakan ko ang kaliwang dibdib ko grabe pakiramdam ko lalabas anumang oras ang puso ko , baka kung ano ang isipin niya !

Naupo nalang ulit ako sa swivel chair ko , isang oras nalang hapunan na .Halos apat-napung minuto ako na nakatunganga ng makarinig ako ng mga katok sa pintuan ko.

"Lady Charlotte , si Young Master Alfred ay nasa baba " ang aming mayordoma , ang tanging natitira sa orihinal na naninilbihan sa Mansion .

"Si Alfred ? " ulit ko ng maibukas ko ang pintuan .

"Opo  , naghihintay napo siya sa baba at ihahain narin ang hapunan " sagot nito .

Ano kayang ginagawa niya dito ? nakakapagtaka na hindi siya nagpasabi .

"Sige pakitawag nalang si Sebastian  " wika ko .

MY DEMON BUTLER (BlackButler)Where stories live. Discover now