Chapter 31: Sebastian?

6.9K 214 38
                                    

  *Salamat sa pag support ng mga stories ko ! yiieee nasight din kita sa RBW ihh haha this chapter is for ya ! ^__^** 

                            Chapter 31

                           Sebastian?

"Sebaschaaan!Sebaschaan ko!" malanding tawag ni Grell, sa kagubatan habang bitbit ang Schyte, alam niya na ang kagubatan at gitna niyon ang paraan para tawagin ang isang tulad ni Sebastian na Demon.

"Ay ! hindi sumasagot?Sebaschaan ko ! bahala ka may balita ako tungkol kay Charlotte may nalaman ako tungkol sakanya at magugulat ka! " si Grell na ngiting-ngiti , nakasabit ang camera niya sa leeg niya at siyempre pa popause in niya si Sebastian para naman madagdagan ang pagnanasaan niya.

"Hmp , sa susunod na nga lang mukhang wala siya " aalis na  sana siya ng may humablot sa balikat niya.

"Sebaschaan ! " halos magkapilipilipit siya sa sobrang kilig sa gwapong-gwapong si Sebastian.

"Anong sasabihin mo? " si Sebastian,

"Uh, huh ! Picture muna bago ko sabihin  "si Grell na kinuha ang camera, di pa man ay sunod-sunod na ang ginawa niyang shot dito ng larawan at kilig na kilig pa kahit nakakunot ang noo nito sakanya.

"Ngiti naman Sebby !  " nagpapadyak pa ito.

"Sabihin mo na , kung niloloko mo'ko magdasal kana " si Sebastian kay Grell na lalong nangiti.

"Kapag ganyan ka, ang Hot hot mo talaga ! " pinamumulahan pa'to sa kilig.

"Nalaman ko na walang isa man sa Shinigami ang sumundo kay Charlotte Earl " si Grell na ikinabigla ni Sebastian.

"Ibig sabihin lang isang kauri mo ang kumuha sakanya , o baka naman buhay parin siya hanggang ngayon " si Grell na sumeryoso ang tingin.

"Niloloko mo ba'ko? " si Sebastian.

"Ofcourse not Sebby ! " si Grell na paikot-ikot kay Sebastian para lang kuhanan ito ng litrato na tila di siya nasasawa dito.

"Tigilan mo'ko " si Sebastian na hindi naniniwala dito, balak na niyang iwan ito ng magsalita pa si Grell " Gusto mo ipakita ko sayo ang listahan , ngunit kapag nalaman nila na nawawala ito babawiin nila sakin pansamantala ang Schyte ko kaya naman dapat worth it diba Sebby " si Grell na ngiting-ngiti , halos magnose bleed si Grell ng ngumiti si Sebastian kaya kahit nanginginig siya sinimulan niya tong kunan ng litrato kaya naman ibinigay na niya dito ang listahan ng may kasamang padyak at tila nasilihan kung makapilipit sa kilig.

MY DEMON BUTLER (BlackButler)Where stories live. Discover now