Chapter 50: Dead and Gone( Pt.1 )

6.4K 228 72
                                    

May isa pang chapter , after this.. ;) 

Thankyouuu ! thankyouu talaga sa pagbabasa ninyo ng mga stories ko super appreciate ko, sana sa mga di pa nagbabasa ng RASED BY WOLVES ko basahin nyo na, then sa mga nakabasa na kitakits sa Book 2 ! Abangan nyo ang pagmamahal ni Crescent ng iba charoott ! ;) 

Nalulungkot ako , mamimiss kita Sebbyko ! <'/3

                               CHAPTER 50

                          DEAD AND GONE

****

"Nasaan ka ba Sebastian ? " si Charlotte , napadako ang tingin nya sa dalawang magkapatid na lalaki na nasa lima at pitong taon na nilalapitan ng isang mabangis na hayop at takot na takot ang mga ito at umiiyak.

Hindi nya kayang panoorin na patayin ang mga ito sa harap nya, kumuha sya ng bato at binato nya ang halimaw na hawig ng mga asong lobo ngunit kulay itim ang mga ito at may malilisik na mata.Tinignan sya nito, kaya napaatras sya.

Mabilis ang pagtakbo nito sakanya kaya iniharang nya ang kamay, bakit pa sya tatakbo kung aabutan din naman sya nito.Ngunit ilang segundo na ang lumipas di padin ito nakakalapit kaya tinanggal nya ang iniharang na braso at nakita nya na nasa harapan nya ang isang puting asong lobo.

"Leo? " paniniguro nya, nilingon naman sya nito kaya ngumiti sya.

"Salamat " nakita nyang patay na ang pasugod sakanya.

Nakarinig sya ng sipol ,nakita nya si Crescent na nakatayo sa likuran ng isang puno.

"White Butler .. " piping usal nya,  nakatitig ito sakanya at nakangiti.

Si Leo naman umalulong ito ng malakas at mabilis na naging malaki ng ilang beses na ulit sa anyo nito,sa laki nito tiningala ito ni Charlotte ng may pagtataka at pagkagulat.

Sa pagbalik ng tingin nya sa kinaroroonan ni Crescent nawawala na ito, kinuha sya ng buntot ni Leo at inilagay sa likuran nito itinakbo sya nito ng mabilis at bawat kalaban na madadaanan ay binubugahan nito ng apoy .Nakakapit lang sya sa likuran nito, hindi sya nito hinahayaang masaktan.

"Sya kaya ang may ari kay Leo? hindi sya pangkaraniwan , lumalaki sya ng ganito. " si Charlotte sa isipan , 

"Leo , hanapin mo si Sebastian .. " si Charlotte,  hindi nya hahayaang mamatay sya ng di ito nakikita ..

Sa sinabi nya lalo itong bumilis tumakbo na parang naintindihan sya nito, kaya lalo nyang hinigpitan ang kapit dito.Halos di nya narin maimulat ang mata sa sobrang lakas ng hangin na sumasalubong sakanila sa bilis nitong tumakbo.

Tinutulungan ba sya ni Crescent o ilalagay lang s'ya nito sa mas mapanganib na sitwasyon?

***

"Tinakasan na naman tayo ni Crescent ! " si Emerald habang nasa tuktok ng isang malaking building, kausap nya si Gerald na hindi naman sya kinikibo kanina pa.

MY DEMON BUTLER (BlackButler)Where stories live. Discover now