CHAPTER 10 -- Cosa Nostra

9.6K 223 11
                                    

                                 CHAPTER 10

                               COSA NOSTRA 

 

"Isang grupo ng mga Mapia ang nakabase sa Golgotta at halos lahat ng naninirahan doon ay miyembro ng Mapia , sa palagay ko malaki ang tsansa na may kaugnayan sila sa pagkamatay ng babae at maging ng mga magulang mo " Wika ni Sebastian habang inaayos nito ang gamit nya sa maleta ng umagang iyon , tatapusin lang nila ang tanghalian at uuwi na sila sa Mansion . "

Sa narinig pasumandaling natahimik si Charlotte . 

"Mapanganib ang lugar ng Golgotta kaya pagkahatid ko sainyo sa Mansion ay ako na lamang mag-isa ang tutungo " Nakangiting sabi ni Sebastian ng makatayo sa pagsasara ng maleta.

"Gusto kong sumama " Walang emosyon na turan ni Charlotte .

Hindi na kumibo si Sebastian .

"Hindi ko alam na Mafia ang mga naninirahan sa Golgotta noon ang alam ko ay isang maliit na bayan lang iyon na may payak na pamumuhay . " dagdag pa ni Charlotte .

"Sa nalaman ko tatlong taon na silang naka base sa Golgotta  , at halos ang kalahati ng naninirahan doon ay pinatay  , pinaalis at ang ilan ay kusang sumama sa grupo hanggang sa lumaki na ang populasyon nila at kayamanan dahil sa pagtutulak ng droga at ang pagiging konektado sa pamahalaan maging sa pagpaslang sa sariling interes kapag hindi nakuha ang mga hinihingi sa mayayamang tao ."  -- Sebastian 

Sa sinabi nito lumakas ang hinala ni Charlotte na kusa ng lumalapit sakanila ang kasagutan sa pagkamatay ng mahahalagang tao sa buhay nya , sa wakas maaabot na nya ang hustisya mara tuluyan na syang magpahinga .

_______________________

" Salamat  " matipid na ngumiti si Charlotte kay Alice na naghatid sakanila sa labas ng Mansion nito .

"Mag-iingat kayo , bumalik kayo ulit  . .. " Masayang wika ni Alice , ngumiti naman ng totoo si Charlotte , kung mapapatunayan nya na walang kinalaman ang mga Baskerville hihingi sya ng tawad dito bago nya isuko ang kaluluwa kay Sebastian .

" Mag-iingat kayo Lady Charlotte " si Angela na nakangiti at natigilan ng makitang mataman nakatitig sakanya si Sebastian .

"Mag-iingat kayo " wika pa ni Angela na ang tingin ay nakay Sebastian , hindi na nagkomento si Charlotte kinanya nalang nya ang pakiramdam na kakaiba sa mga titig nito .

MY DEMON BUTLER (BlackButler)Where stories live. Discover now