Chapter 47:Defragments

5.2K 178 80
                                    

-Dedicated sayo ! yieee..  hahahaha  ang isa sa pinaka hyper kong naka chit-chat hahaha para kang nasa outer space hahaha choss.. Okay anime-marathon pa tayo ! ;) hahaha ... 

                                             CHAPTER 47

                                          DEFRAGMENTS

She finally decided to end her relationship  with Sebastian.Pero hindi nya to paalisin, mas gusto nyang mangibabaw yung galit na nararamdaman nya dito. Maybe it's true na mahal sya ni Sebastian and she's willing to do everything para saktan ito.

Bumalik sya sa pagiging cold and bad dito, hindi nya to pinapansin at lagi nalang nyang ipinapakitang galit sya dito pero kahit anong pakita nya ng masama dito at pagsasalita ng masasakit na salita willing itong maghintay na mapatawad nya, ngunit sinara na nya lahat ng posibilidad na maari silang maging maayos.

Para kay Angela nagsimula na syang makapaghiganti , sa physical pain wala syang mapapalang pagkamit ng tagumpay kung sasaktan nya ang isa kay Charlotte at Sebastian mas mabuti at mas masayang makita na nagkakasakitan ang mga ito.

Alfred owe everything to Angela, dahil kay Angela parang may chance na sya kay Chalotte.Pinuntahan nya to three days after nyang ibigay dito ang mga nalaman nya, hindi na sya nasurprised na tinanggap sya nito bilang bisita maybe ginagamit lang sya nito para saktan si Sebastian , wala syang pakialam sa bagay na yon gusto nya rin namang masaktan ito and eventually mapasakanya muli si Charlotte.

Si Angelica appointed sya bilang personal maid ni Charlotte ,alam nya na hindi gusto ni Sebastian na naroon s'ya lalo na ang maagaw nya ang posisyon nito pero wala syang magagawa.Kailangan nya iyong gawin at pinapangako nya sa sariling hindi nya hahayaang tuluyang masira ang relasyon ng mga ito.

Siguro nga isang malaking pagkakamali ang umibig si Charlotte sa isang Demon, sya bilang isang anghel mas gustong manatili ito kay Sebastian na malaking pagkakamali sa parte nya, pero nakita nya kung paano magmahalan ang mga ito.Nasasaktan syang makitang nasasaktan si Sebastian kapag naroon si Alfred , magpasahanggang ngayon gusto nyang maging isang Ina dito.

Halos dalawang linggo ng ganoon ang nangyayari , maging ang mga servants ay apektado sa nangyayari .Ang masayang Mansion nila ay nagsisimulang maging malungkot , isama pa na ilang araw nalang at pasko na pero maliban sa mga Christmas decoration napakalungkot ng buong lugar.

"Hindi mo na ba ko mapapatawad talaga? " si Sebastian kay Charlotte, habang nakayakap sya sa likuran nito naroon sya sa kwarto nito at kauuwi lang ni Alfred.

"Bitiwan mo ko, hindi ko na nararamdamang mahal kita finally nakawala narin ako sa pagmamahal na di ko rin maintindihan bakit ko naramdaman sayo " pilit tinatanggal ni Charlotte ang braso nito sa katawan nya pero hindi nya matanggal.

"Mahal kita, hanggang kaylan mo gustong nasasaktan ako? " nasa boses ni Sebastian ang sakit , pero ayaw na nyang paniwalaan ito.

"Mahal mo ko? pero hindi na kita kayang mahalin , Sebastian ikaw ang pumatay sa mga magulang ko.Pinilit kong unawain yon dahil alam ko na ginagawa mo yun ng dahil sa kontrata mo, pero hindi ko kayang manatili sayong masaya dahil sa tuwing nakikita kita nakakaramdam ako ng galit kung bakit kita minahal samantalang ikaw ang pumatay sakanila! " matigas ang bitaw nya ng mga salita.

MY DEMON BUTLER (BlackButler)Where stories live. Discover now