Chapter*3/ Her Butler : Haunted

15.9K 319 16
                                    

                                                    Chapter*3

                                            Her Butler : Haunted

Nang matapos ang hapunan , hinatid muli ni Sebastian si Charlotte at Mr. Malik sa living room kung saan pag-uusapan ng mga ito ang tungkol sa negosyo na gusto nitong hawakan pa . Nagtungo si Sebastian pagkatapos sa mga kasama para pagpahingahin na ang mga ito tutal ay sa Mansion magpapalipas ng gabi si Mr.Malik .

" Mabuti naman makakapag pahinga na  " Nag-iinat na sabi ni Robert . Naroon silang lahat sa kusina maliban sa Mayordoma na maaga talagang natutulog . Itinuturing ni Charlotte na parte ng pamilya nito ang mayordoma at talaga naman na dumaranas din ito ng sobrang kalungkutan sa pamilya na pinag silbihn nito simula pa noong labing limang taong gulang  ito kaya hindi masisisi na ganoon ito .

" Kaya moba ? okay naman hindi pa ko inaantok " Nakangiting sabi ni Mariz kay Sebastian habang minamasdan nito ang bawat parte ng mukha ng huli  at di mapigilang mag blush ng husto sa mga naiisip na kalandian .

" Oo nga Sebastian kaya pa namin ! " Si Jariz na nangislap pa ang malaking salamin .

Natapik na lamang ni Sebastian ang noo niya .

Napaka careless ng kambal na to at mas madalas na imbis na makatulong ay mas nakakadagdag pa ng kalat sa Mansion .

" Hindi na magpahinga na kayo ,"Nginitian nya ang mga ito at naglakad palabas ng kusina .

"Napaka bait talaga ni Sebastian " Nangangarap na sabi ni Mariz na nakalakip pa rin sa isip ang gwapong mukha ni Sebastian .

" Kesa tumutunganga kayong kambal at nagpapantasya tapusin na natin to ng hindi na tayo makadagdag sa mga gawain ni Sebastian okay ba ! " Masiglang sabi ni Kyo na mabilis na nagligpit ng mga natirang kalat .

" Tama ! " sabay na wika ng kambal at nagkatitigan tyaka natawa sa isa't-isa .

________________

"Kaylangan mo ng malaking halaga para mas mapalago pa ang negosyo at kung gusto ko pwede ko pang ipahawak sayo ang ilan na magbubukas sa susunod na buwan ? " Si Charlotte na kampanteng nakaupo sa kulay ginto nitong upuan . 

Ang buong kwarto ay kulay ginto . Iyon ang pinaka kulay na ginamit sa buong Mansion , kaya iisipin talaga ninuman na isang napakayamang tao ang naninirahan sa Mansion na iyon . Ang karamihan sa mga gamit na naroon ay totoong yari sa ginto . Ang Pamilya Earl ay mayaman na noon pa man mula sa mga magulang ng Lolo nya na parehong mayaman hanggang sa nagkaroon ang mga ito ng negosyo at pinalad na mas lumago pa hanggang sa mga magulang nya na napalago pang lalo ang yaman ng mga Earl , kaya sa dami ng nakangiti sa paligid nila at mukhang mga totong kaybigan ay marami rin mga balakyot na nagbabalatkayo na tunay na kaybigan ngunit ang totoo gusto lamang ng mga ito ang yaman nila .Kaya para sakanya lahat ay kasali sa sarili nyang paglilitis na ang hatol ay magmumula sakanya at ang kanyang Black butler na bahala sa kaparusahan sa mga mapagbalatkayo .

MY DEMON BUTLER (BlackButler)Where stories live. Discover now