Chapter 4 / Her butler : Dresser ?!

13.3K 292 10
                                    

                                                         CHAPTER 4

                                            HER BUTLER : DRESSER ?!

" linis  ,linis , linis , napakasayang maglinis ! " pakanta kanta si Mariz habang pinapagpagan ng umagang iyon ang mga libro at sa mesa naman na madalas inuupuan ni Lady Charlotte kapag naroon ang guro nito para magturo, ay maayos namang pinupunasan at pinakikintab ni Jariz .

Si Robert ay pangkaraniwan nasa kusina at si Kyo naman pag ganoon ay nasa Hardin at nagdidilig at namimitas ng mga rosas para sa Vase na nasa gitna ng dining table .

Ang Mayordoma naman nila ay tumutulong sa kusina kay Robert para sa almusal ni Charlotte lalo pa at hindi pa gaanong sanay si Robert sa mga sangkap na bago sa paningin nito .

"Mariz , sino ang nagbibihis kay Lady Charlotte ? Imposible naman na mag-isa nyang isinusuot ang mga ganoong damit nya napaka hirap kayang isuot non . " takang tanong ni Jariz na nilingon pa ang kapatid na nagpapagpag isa isa ng mga libro .

"Ha ?"  

"Kasi ang Mayordoma naman natin , hayun! nasa kusina madalas at kung iispin mo si Sebastian ang gumigising kay Lady Charlotte hindi ba ? " Si Jariz na tila may gustong palabasin .

" Wag mong sabihin na si Sebastian , binibihisan nya ang Lady Charlotte at nakita na nya ang -- " Naibagsak nito ang libro sa naisip .

Nagkatitigan ang dalawa at sa paraang iyon  ,nakabuo sila ng plano kahit hindi nag-uusap  .

_______________

Magaan ang bawat kilos ni Sebastian para bihisan siya at sa ganitong paraan nya to tinititigan dahil sa naglalagay ito ng takip sa mata at sadya naman napaka galing nito na nabibihisan sya kahit hindi nito tinitignan .

Isa sa dahilan kung bakit ito ang nagbibihis sakanya at hindi sa iba ay dahil naroon sa kaliwang dibdib nya ang pentagram/tetragama na simbolo ng pinagkasunduan nila at walang sinuman ang dapat makaalam non .

Inilaso na nito ang neck tie niya kasunod nitong tinanggal ang takip sa mata pero bago pa nito matanggal iyo ay hinila niya  ang laso para mawala sa pagkakalaso at mahayag dito ang maputing parte ng ibabaw ng dibdib niya .

Bahagyang napakunot si Sebastian pero agad din nawala at nangiti  . Inilaso nalang nitong muli iyon ng hindi naglalagay ng anumang pantakip sa mata.

MY DEMON BUTLER (BlackButler)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon