Chapter*8 / UNDERTAKER

10.5K 244 8
                                    

                                        Chapter 8

                                  UNDERTAKER

Matapos ang buong araw na paghahanap ng may sala ni Sebastian nabigo padin syang kilalanin iyon , isa lamang ang maaring makatulong sakanya ang Soul reaper na si Grell Sutcliffe na malaki ang pagkakagusto sakanya ang problema lang hindi nya alam saan at paano ito magpapakita sakanya .

Isang tawag din ang natanggap nya ng umagang iyon mula kay Alice iniimbita nito si Charlotte sa isang  Dinner at Overnight , inaasahan nya na hindi ito papayag pero mabilis itong nakasagot na magtutungo sila sa Mandion ng mga Baskerville kung saan naroon ang maaring may kinalaman sa Pagkamatay ng naninilbihan at ng mga magulang ni Charlotte .

Ala singko ng hapon ng umalis sila sa Mansion ng mga Earl , hindi sya nito kinakausap kaya naman nanahimik na lamang sya . Ganito yata talaga ang mga babae may pagka moody.

"Maari bang daanan muna natin si Undertaker ? " Tinignan nya to sa salamin nagkatitigan sila pero agad itong nag-iwas kaya naman napabuntong hininga sila .

"Sige " matipid nitong sagot .

Iniba nya ang daan patungo muna sila ngayon kay Undertaker isang medyo weird at nakakatakot na manggagawa ng coffin . Alam nito na nasa isang kontrata sila dahil tulad ni Sebastian hindi naman ito pangkaraniwang tao hindi nga lang nila alam kung saan ito nabibilang .

Sumama sya sa pagbaba tulad ng inaasahan tila isang horror house ang lugar nito .

"Naisipan mo na bang bumili ng kabaong mo ngayon Charlotte Earl ? " Bungad agad ni Undertaker sa pintuan . Nagula si Charlotte dito dahil bigla bigla itong lumilitaw at alam agad na sila ang bubungad .

"Wala akong balak " Malamig na wika nya tyaka sila pumasok ni Sebastian sa loob . Inikot nya ang mata nya at kung titignan nakakatakot talaga ang lugar nito .

" Wala akong maibibigay na inumin sainyo , kung hindi ang paninda ko ang bibilin nyo ano ? " Nakatawang sabi nito .

"Gusto ko lang malaman kung paano ko matatagpuan si Grell ? -- Sebastian 

Nagtaka naman si Charlotte sa pangalang sinabi nito pero hindi na sya kumibo .

MY DEMON BUTLER (BlackButler)Where stories live. Discover now