Chapter*2 /HER BUTLER : So Good !

16.2K 350 13
                                    

                                                 CHAPTER 2

                                    HER BUTLER : SO GOOD !

Pagkadating ng sasakyan ni Mr. Malik ay agad itong sinalubong ni Sebastian ng makahinto sa loob ng gate ng mansion , marahan niyang ipinagbukas ito ng sasakyan lakip ang isang ngiti , nakangiti nanman itong lumabas at pagdaka'y namangha sa tumambad na Mansion ng Earl . 

"Kamukhang-kamukha nga ito ng orihinal , hindi ko masabi kung ano ang pagkakaiba " wika nito habang ginagala ang tingin sa buong paligid .

" Magandang Hapon " Sabay sabay na wika ng iba pang mga taga silbi ng Mansion na sila Mariz at Jariz ang kambal na maid na parehong-pareho ng itsura maliban sa magkaibang ayos  buhok .

 Si Mariz ay mahaba samantalang si Jariz ay maiksi pero pareho din silang naka salamin sa mata na akala mo ay mga Nerd . 

Si Robert ang nag-iisang cook , si Kyo na syang nag-aalalaga ng Garden at mga paboritong rosas ni Charlotte  , ang Mayordoma na si Eloisa na isa sa tanging nakalightas na tagapag silbi sa ng Phantomhive's , si  Charlotte ang nag-iisang anak ng mag asawang Harold at Elizabeth Phantomhive , at ang huli si Sebastian Michaelis na kasama ni Charlotte sa pagbabalik nito ang personal na butler nito at lubos na pinagkakatiwalaan sa pagkaka unawa ng iba pang naninilbihan na lingid sa kaalaman ang kontratang kinapapalooban nila .

"Sebastian "  -- Mariz

Nagulat si Mariz sa biglang pagbanggit niya sa pangalan ni Sebastian ng wala naman dahilan , sadya lang na tila naaakit siyang pagkatitigan ito ay lumilipad ang utak niya sa kaka-imagined ng iba't-ibang scenes kasama ito . Nagtama ang mga mata nila ni Sebastian na ikinapula ng magkabilang pisngi ni Mariz , nagtatanong ang mata nito ngunit tumungo na lamang siya .

 " dalhin mo muna ang ating bisita kung saan naroon si Lady Charlotte " - si Sebastian na ang tingin ay kay Mariz na pulang-pula parin sa pagkapahiya.

O- oo ! " mabilsi na sagot ni Mariz na tumalima naman agad sa utos nito .

Nakangiti namang sumunod dito si Mr. Malik habang minamasdan ang bawat madaanan nito mula sa labas hanggang sa loob ng Mansion . Dalawang taon syang namalagi sa Espanya para  patakbuhin ang isa sa negosyo ng mga Earl at bigla lamang s'yang napauwi dahil sa balitang namatay ang buong pamilya nito 

__

" Ihanda nyo na ang hapag kainan , hindi kayo dapat mahuli sa oras ! " may awtoridad na sigaw ng Mayordoma na si Eloisa na nasa edad limampu na .

Mabilis namang sumunod ang lahat para ipag handa ang bisita . Sa loob ng dalawang buwan simula ng bumalik si Charlotte ay ngayon lamang ito pumayag na magkaroon ng bisita  , may ilang dumadalaw pero hindi nito hinaharap . Madalas ay si Sebastian at ang Mayordoma ang humihingi ng paumanhin sa mga ito . 

MY DEMON BUTLER (BlackButler)Where stories live. Discover now