Chapter II: One step

43.6K 303 7
                                    

Dumating si Rosh kena Jas ng medyo tulala parin. Di siya makapaniwala na kakilala niya yung crush niya. Tumuloy siya sa loob ng apartment ni Jas at dumeretyo sa sala. Salita ng salita si Jas habang sinisimulan at ginagawa na nila ang assignment ni Rosh pero siya parin tong nag-iisip sa mga pwedeng mangyari pagkatapos nun.

Tumatakbo sa isip niya kung ano ang pwede niyang gawin. Habang gumagawa sila ni Jas ng asignment niya; lumilipad naman ang isip niya. Ano kaya; ligawan niya agad tong si Elise? Mukha naman siyang mabait at matino, ang balita niya nga lang kay Haley eh medyo rebellious type tong si Elise pero sa isip naman niya eh, mukang kakayanin naman niya. Malakas talaga ang tama nitong si Rosh kay Elise. Isa sa mga problema niya sa sarili niya. Kaya siguro isa lang naging girlfriend niya eh. Si Rosh kasi yung tipo nang lalaki na sinasabi ng mga kababaihan na; "Gentleman na medyo bastos". May itsura naman siya. Yun nga lang, di lang talaga siya nag-aayos.

Tumakbo sa isip niya kung ano nga ba gagawin niya kaya tinext niya agad ang kaibigan niyang si Haley.

Haley, si Elise ba single?

Text niya agad. Di pa nag-rreply nun si Haley kaya busy sila ni Jas sa assignment niya. Habang ginagawa nila yun at naghihintay ng reply ng kababata niya nung elementary. Nabanggit niya agad ito kay Jas.

"Jas, naaalala mo pa yung sinabi ko sayo na crush ko sa facebook?" sambit niya habang ginagawa niya yung isang part ng assignment niya.

"Oh, Elisa ba yun? Bakit ano meron?" sagot naman nitong si Jas na busy sa paghahanap at pag ttype ng kailangan niya.

"Ayun, na contact ko na." sabi niya na halatang may ngiti sa mukha niya. Lumingon ng mabagal si Jas sa nakita niyang masaya na Rosh at tumutok uli siya sa monitor ng computer niya.

"Oh? Kalain mo yun. Kinuha mo number?" tanong niya.

"Hinde. Tinawagan ako, classmate ko pala siya nung elementary. Nalimutan ko lang at di ko namukhaan..." sagot niya; "Jas, may tanong ako. Since ikaw lang naman tong pinagtatanungan ko lagi..." dinagdag niya bago pa makasagot itong si Jas at uminom siya ng tubig sa baso na nakapatong sa coaster niya.

"Ligawan ko na kaya?" sambit ni Rosh na nagresulta sa pagkagulat at pagbuga niya ng tubig sa monitor habang nabubulunan siya ng konti. Tumayo agad itong si Rosh para alalayan itong si Jas pero tumayo siya at dumertyo sa may sink ng kusina niya.

Nakatayo lang doon malapit sa computer si Rosh ng matapos maghilamos at punasan ni Jas ang monitor bago siya bumalik sa dati. Si Rosh naman bumalik din sa dati at pinagpatuloy ang pag-aasikaso sa part niya.

"So ok ka lang Jas? Bat ka napaganun?" tanong niya habang nag-hihintay ng sagot kay Jas. Pero mistula hindi nalang pinansin iyon ni Jas at nagsalita nalang.

"Gusto mo ba talaga siya Rosh ha? Baka naman matulad yan sa dati mo ah. Matuto kana..." sabi nalang niya. Nakangiti lang naman si Rosh habang si Jas naman eh halatang nangangamba sa isasagot ni Rosh, pero hindi naman niya ito kita.

"Oo. alam ko naman yan Jas. Natuto nako, naaalala ko pa nga sinabi mo noon eh. Magtira ng pagmamahal at pagpapahalaga sa sarili. Yan yun diba? So don't worry about me too much. Tutal na diyan ka lang naman para alalayan ako diba?" sabi niyang ganun habang nakatingin kay Jas na may ngiti.

Lumingon si Jas at tumingin kay Rosh. Nakikita niya rito na mukang seryoso nga siya dito. Ngumisi nalang muna siya at hinawakan si Rosh sa ulo at ngumiti. "Oo naman. Sige kung saan ka masaya Rosh..." sabi niya at bumalik sa paggawa niya ng assignment. Sa paglingon niyang iyon eh napawi ang ngiti at napalitan ito ng lungkot.

"Thanks talaga Jas! You're the best! Hehe!" sinabi ng malakas ni Rosh at nagpatuloy lang sila sa pinagkakaabalahan nila. Pagkatapos noon ay tahimik nalang silang gumagawa at naisipan pa ni Rosh na buksan ang tv at makinig ng balita.

Napalingon siya sa may cellphone niya at nakita niya na may message siya. Galing kay Haley, excited siyang binuksan iyon at binasa.

Oo. Bakit liligawan mo?

Nakangiti naman itong si Rosh na nag-reply, Oo bawal ba?

Hindi naman. Binalaan na kita ah. Pero sige may blessing ka sakin since alam ko naman na matino ka. Baka makaganda kapa sa kanya.

Thanks Haley I owe you big time talaga! Geh papaalam nako sa kanya tawagan ko lang :3

Di na, nadito siya nung nagreply ako. Sige daw tingnan daw niya kung saan ang kaya mo. Last chance, iba itong si Elise Rosh. As in IBA. Kaya wag ka mabibigla. Go paba?

Nagisip ng konti si Rosh. Pero talagang gusto niya itong si Elise, as in malakas na malakas talaga tama niya. Kaya ang natext nalang niya Wala ako pake, oo GO NA GO!

Pagkatapos ng reply niyang iyon ay hindi na sumagot pa si Haley ng ilang minuto. Kumakabog ang dibdib ni Rosh sa kakaisip kung papano naman niya papasagutin itong si Elise. Lalo na sa mga nabanggit ni Haley. Pero di niya lahat pinansin yon at nagfocus nalang siya sa ginagawa niya at sa mga maaaring mangyari. Maya-maya pa bago pa matapos si Rosh sa ginagawa niya eh nag ring ang phone niya. Tiningnan niya ito at nakita niya na si Elise ang tumatawag. Naipinta ang ngiti sa mukha niya at agad naman niyang sinagot to.

Naks naman! Tawag agad? sambit nitong si Rosh na may ngiti. Nakatingin lang si Jas na parang wala lang sa kanya at tahimik na nakikinig.

Bukas ng 3:00pm sa may SM Manila. Ok? sabi naman agad nitong si Elise.

Nagulat nalang itong si Rosh at napa-oo nalang pagkatapos eh binaba agad ni Elise ang call. Mas malaki ang ngiti na nasa mukha nitong si Rosh at tumingin kay Jas.

"Oh sino yun?" pasungit na tanong ni Jas. Pinisil lang siya sa pisngi ni Rosh habang bumalik sa pagkakaupo niya sa sahig at ito naman hinihimas ni Jas ang pisil dahil medyo masakit habang naghihintay ng sagot galing kay Rosh.

"May date ako bukas, kay Elise. Hehe..." sagot nalang ni Rosh na may halong tuwa habang inaayos niya ang gamit niya dahil tapos na sila.

"Ang bilis naman! Teka may lakad tayo bukas eh!" sigaw ni Jas pero pinisil lang siya uli sa pisngi ni Rosh.

"Next time na to naman. Bihira na nga lang mangyari to saken eh. Bawi ako promise. Send mo nalang pala sakin yan ah. Una na ko..." sabi niya. Medyo nainis doon si Jas pero ano ba naman magagawa niya. Tumayo nalang siya at tumulong sa pag aayos hanggang sa ihatid niya sa gate si Rosh.

"Uie yung file ha? Bye na Jas..." sabi ni Rosh sabay bigay ng malaking hug kay Jas. Naka pout face lang itong si Jas pero tinanggap nalang niya. Pagkaalis ni Rosh ay agad naman sinara ni Jas ang gate, pero hindi muna siya umaakyat. Sumandal muna siya sa likod ng gate at tumingin sa ibaba, dissappointed siya dahil sa dahilan na may liligawan na nga ang kaibigan niya. Napabuntong hininga nalang siya bago siya tumuloy ng pag-balik sa apartment niya.

Kinabukasan, 3pm sa SM Manila. Naghihintay si Rosh sa ground floor ng SM. sa tapat ng National Bookstore. Nadun na siya ng 2pm palang. Marahil excited siya. Sinubukan niyang mag-ayos. Naka wax ang buhok niya, pulbo, polo na puti tapos pulang shirt na panloob, syempre bukas yung polo. Naka-maong na navy blue tapos rubber shoes na pang-basketball.

Panay ang tingin niya sa cellphone niya sa paghihintay ng text ni Elise ng bigla nalang may humawak na kamay sa balikat niya at hinikit siya paharap sa likod. Nagulat nalang siya dahil iyon na pala si Elise; at talagang lalo pa siyang nabighani sa ganda niya nuong araw na yon.

"So, Rosh. tititigan mo lang ba ako oh i-tutuloy naba natin to?" pagsusungit na tanong ni Elise pero hindi naman nakasagot agad itong si Rosh dahil, talagang natigilan siya sa ganda nito.

All that's leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon