Chapter XL: Club & Planning

10.5K 71 0
                                    

Pumasok na ang February at dumadalas na ang paglabas ni Elise kasama ang mga kaibigan niya. Ayos lang naman ito kay Rosh dahil kahit papano nakakalabas na siya kasama ang mga ito. Pero sa side niya naman; medyo nag-iba na para sa kanya ng kaunti. 

Nakakausap na rin siya gaano ng mga kaibigan niya pero hindi na katulad ng dati; medyo naninibago na si Rosh. Medyo di na nga siya sanay, pero nakakausap parin niya ang mga ito. Habang pagdating naman kay Jas, malaki na ang pinagbago niya pag kasama niya ito. Nakakapagusap pa naman sila at nakakapag-hang out tulad ng normal na mag matalik na kaibigan. Pero naapektuhan na sila masyado ng pagbabago sa lovelife ni Rosh dahil sa pag-distansya nila sa isa't-isa.

Sa side naman ni Jas, gustong gusto na niyang bumalik sila sa dati. Yung dating super close sila, pero alam niyang mukhang malabo ng mangyari yon. Lalo na nga't may Girlfriend na ang kaibigan niya at dahil narin sa sinabi sa kanya ni Elise nung nasa Legazpi sila. Pero kahit ganun pa man, meron pa siyang mga alaala na pede pa niyang i-cherish dahil; halos buong apartment niya napapaligiran nito.

Masaya na siya ng ganun, na nadiyan si Rosh, na parang wala siya. Ang mahalaga, nakikita niya na masaya ito. Ok na sa kanya yun; basta't masaya ang taong mahal niya; masaya narin siya. Sobrang komplekado, pero wala na siyang magagawa.

Unang linggo palang sa February at medyo nag-wa-warm up na sa barkada niya itong si Rosh. Dahil narin ito sa nasabi niya noon na lumalabas itong si Elise kasama ang mga kaibigan nito. Masaya siya noon nung narinig niya yun, at kitang-kita niya na masaya rin ang mga kaibigan niya dahil dito.

Medyo ramdam nila na nagsi-simmer down na ang relationship nitong dalawa ni Rosh at Elise. Kung i-hahalintulad siya sa isang situation; para siyang kakatapos lang ng bakasyon. Yung time na maraming magagandang nangyari, masasayang sandali at oras na para bumalik sa totoong mundo. 

Oo. mukhang nadoon na nga sila sa stage na yun. May mga times na nag-away din sila noon, pero hindi ganun ka grabe. At ngayon half-way through a year na sila pero, maganda parin ang takbo ng relationship nilang dalawa.

Isang araw noon ng Lunes at break ng mag-babarkada, tahimik lang na may ginagawa itong si Rosh sa laptop niya; naisipan niyang dalin to dahil narin sa may report sila noong araw na yun at kakatapos lang nito.  Naka-headphones siya noon at busying-busy siya sa pet-project niya sa laptop niya. Dahil dito ay hindi rin siya makausap ng mga kasama niya; lalong-lalo na si Jas.

Magkaka-umpok lang silang lahat noon at may kung-ano-ano silang pinaguusapan. Hanggang sa napunta ang topic kay Rosh. Tiningnan muna siya nina Janice at Lance bago nila pinagusapan ng tuluyan itong si Rosh.

"Guys, malapit na birthday ni Rosh diba? sa 15 na diba?" pag-lilinaw nitongsi Janice.

"Oo 15 na. Bakit mo natanong?" sagot naman nitong si Jas.

"Ah. Naisip ko lang na mag-handa tayo ng party para sa kanya. Tingin mo ba magugustuhan niya yun?" tanong ni Janice. Nag-isip sandali itong is Jas habang inaantay ng iba ang sagot niya.

"Actually. bilhan mo lang siya ng pizza tapos drinks ayos na yan eh. Ayaw niya kasi ng masyadong magarbong celebration." sagot ni Jas. 

"Sabagay may punto ka, sa loob ng 2 years, di gaano nag-iinvite si Rosh eh." sabi ni Ferdinand.

"Tsaka nili-libre lang tayo niyan eh. Wala na. Yun lang." sabi naman ni Cath. Habang nag-iisip na ang iba at nagsasabi ng ginawa ni Rosh nung mga nakalipas niyang birthday, napapatungo nalang si Jas at natahimik.

"Jas, natahimik ka diyan?" biglang tanong ni Sheryl na siya namang kinagulat niya. 

Napangiti nalang siya at napakamot nalang ng ulo; "Eh kasi, nung mga panahong yun, uhm. Pano ko ba sasabihin to?" nagtataka na yung barkada niya. Clinear niya ang throat niya at tinuloy na niya.

"Kasi nung mga panahong yun, nilalabas niya ako. Yung first year namin dito ano, dinala niya ako sa Makati at kumain kami sa labas. Tapos nuod narin sine noon, tapos; trato niya sakin parang--"

"Parang girlfriend niya?" biglang singit nitong si Gaby at agad naman siyang tinulak ng malakas ni Jennifer na ikina-subsob niya. "aray ko ah!"

"Tumigil ka diyan, hindi ka nakakatuwa! Tuloy mo na Jas." sagot ni Jennifer habang nagtawanan ang ilan sa kanila.

"Tapos yung 2nd year namin dito,  uhmm. May pasok nun eh, kaya kinabukasan nalang niya ako nilabas. Ayun! Nagpunta kami ng Star City at nag-moa din kami tapos yun na. Kaya tuwang-tuwa ako tuwing nag-bibirthday siya." sagot niya, halatang natutuwa siya at masaya nung sinabi niya ang mga bagay na yun habang yung mga babae naman sa barkada ay medyo nag-selos sa kaibigan nilang yun.

"Pero ngayon mukhang mag-babago na yun." biglang sabi ni Jas habang nakangiti. Lumingon din siya noon kay Rosh at nakita naman siya nito. Nginitian niya si Rosh at ngumiti rin naman pabalik ito at nag thumbs up bago niya tinuloy ang ginagawa niya.

Natahimik ng ilang sandali ang barkada niya. Nagkulitan ang ilan ng mga ilang sandali bago mag-salita uli si Janice; "So ano na gagawin natin ngayon? Pizza nalang?" 

"Oo, pede na yun siguro. Sobrang simple nitong is Rosh eh." sabi naman ni Kim.

"Teka yung regalo niya pano?" tanong din agad ni Cath.

"Wag kayong mag-alala, alam ko na magandang regalo diyan kay Rosh!" pagyayabang ni Lance habang may ngiting-kakaiba sa mukha niya. Kumunot ang noo nila habang nag-iisip. Ng ma-gets nila ito ay namula si Jas at ang iba. Habang si Jennifer ay na mula rin pero biglang binatukan ng malakas itong si Lance.

"Gago! May Girlfriend na siya!" sigaw niya kay Lance. Pinag-tatawanan lang naman ni Austin si Lance habang medyo namumula parin itong si Jas.

"Uie ano yun? Bakit binatukan ni Jennifer si Lance?" tanong ni Gaby pero sinabihan nalang siya ni Sheryl na wag na niyang alamin kung ano yun.

"So ano nga regalo natin sa kanya?" biglang tanong ni Cath.

"Ayos na siguro kung bibilan nalang natin siya ng gusto niya. Andyan naman si Jas para sabihin satin yun eh. Diba Jas?" nasabi nalang ni Sheryl at nag-agree naman ang lahat.

Habang nag-uusap usap sila ay naka-focus lang noon si Rosh sa ginagawa niya at naka-receive siya ng text galing sa Girlfriend niya. Agad naman niyang chineck ito.

Baby! miss na kita! Kita naman tayo!

Napangiti nalang itong si Rosh at agad siyang nag-reply dito; Ako rin Baby kaso maraming gawa eh. Punta ka nalang sa birthday ko, bonding tayo :))

Ay oo nga pala malapit na birthday mo. Ano gusto mo regalo? Ay nevermind ako na bahala. Hehehe. Sige2 basta ah! Lalabas uli kami ng mga barkada ko ah, sige na bye! Text nalang kita muaa!!

Nakangiti nalang noon si Rosh at pinili nalang niyang huwag mag-reply dito at tinuloy na niya ang ginagawa niya. Maya-maya ay nag-ring ang phone niya at tinatawagan naman siya ng girlfriend niya. Pagsagot niya ay nagulat nalang siya; "I love you po!"  sigaw ng girlfriend niya sa kabilang linya at agad niyang binaba ang call.

Ang laki ng ngiti ni Rosh mukha niya at lalo tuloy siyang ginanahan na gawin ang pet project niya.

---------------------------------------------------------------------

Habang kasama naman nina Elise ang barkada niya sa mall ay may nasabi ang isa nilang kasama. Hindi niya ito kilala pero siya ang boyfriend ng isa sa barkada niya.

"Guys, sama kayo sa 15, may event sa isang club. May mga artista dun. I'm not gonna take no for an answer ok?" sambit nito. Narinig lang ni Elise ang salitang artista ay napa-oo narin siya kasama ng barkada niya.

"That's great! I'll just send this text now, and then there! You guys are on the VIP list. No backing out now guys! Woo!" dinagdag nito habang kakatapos lang niyang i-send ang text. Medyo nawala sa sarili noon si Elise pero tuwang tuwa siya dahil makakakita siya ng artista ng malapitan, at sa club pa.

Naisip rin niyang sabihin ito kay Rosh, pero feeling naman niya ay papayagan siya nito, kaya pinagpaliban nalang niya ang pag-papaalam para sa 15.

All that's leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon