Chapter LVI: Initiative's calling

10.8K 79 3
                                    

Last week of June na noon at todo sikap si Jas sa mga studies niya. Naging sobrang active niya ng mga panahon na yun. Naging class representative siya at dahil dito, sa kaunting panahon na nasa position siya ay nakikilala na siya.

Understandable naman yun dahil 2 in 1 na siya. Matalino na, maganda pa. Sa mga araw na yun, kahit na medyo busy siya ay may oras parin siya sa barkada.

Mga bandang hapon na noon ng nakatambay so Jasmine sa may tapat ng court. May 3 hours break siya noon at sakto lang ito dahil pagod na siya. Hinihintay rin niya sina Cath, Casey, Estella, Austin, Lance, Ferdinand, Gaby at Kimberly.

Halos nakahiga na siya paghihintay ng dumating na sila. Tahimik sila noon dahil pagod din sila gawa ng cooking class nila. Sina Lance at Austin naman ay pagod din dahil sa prof nilang terror.

Nagsi-upuan lang sila sa tabi ni Jas at doon ay tahimik lang sila. Saktong-sakto dahil mahangin noon at naisipan nalang ni Jas na pumunta ng tayuman at bumili ng maiinom nila. Ng makabalik, dala ang mga drinks ay nabuhayan sila ng dugo at nagsikuha ng mga dala ni Jas. Nakangiti lang siya noon habang natutuwa sa reaksyon ng barkada niya.

"Aahhh! Nako, pagbalik ni Rosh talagang swerte siya. Ang bait mo eh!" biglang nasabi ni Lance. Bigla din siyang pinag-babato at pinag-papalo ng iba habang si Jas naman ay natawa sa kanila at tumabi kana Cath.

"Ito kaka-recover lang niya ng iyak eh, tumahimik ka diyan!" sambit nito.

"Oo nga. Kaw napaka-ano mo eh, susumbong kita kay Jennifer!" sabi naman ni Gaby. 

Palo lang naman ng palo si Austin kay Lance ng walang tigil. "Oo nga, napaka ano mo!" 

"Oi, sumosobra kana, tumigil na sila loko ka!" sigaw naman ni Lance kay Austin na naka-iwas ng muntik itong tamaan ng suntok ni Lance. 

Napatawa nalang is Jas at doon ay tiningnan siya ng mga kasamahan niya. "Alam niyo, nakakatanggal talaga kayo ng stress! Hahaha! Ayos lang ako, ano kaba." sagot nito na may ngiti sa mukha nito.

"Hehehe, mabuti naman," sabay inom. "So since dahil sa kalokohan nitong is Lance at binanggit pa si Rosh. Ano nga pala plano mo?" biglang tanong ni Casey. Tahimik lang noon si Estella habang umiinom siya ng juice at ganun din naman ang iba, habang si Austin ni Lance ay nagkukulitan parin.

"Ah, eh, ewan ko. Di ko alam. Basta siya nalang hahayaan ko gumawa ng desisyon. Basta narito parin ako para sa kanya." at nakakuha naman ng negative na reaction itong si jas sa sinabi niya. 

"Jasmine ayan ka nanaman! Kailangan may initiative kana! Pano kung biglang bumalik yung De Puta na babaeng yun ha?" biglang sambit ni Casey.

"Oi grabe ka naman, wag naman ganun tawag mo kay Elise. Naging kaibigan din natin yun." singit naman ni Gaby.

"Leche, ganun ba ang kaibigan na halos pagapangin na sa ulan at kung ano-ano pa gawin ng kaibigan natin para lang balikan siya? Hindi kaibigan yun Gaby, walang puso yun!" nasambit naman ni Kimberly na siya naman kina-agree ng dalawa at nag-apir habang is Gaby naman ay napa-oo nalang.

"Jas you really have to take the initiative, this time. Nagawa mo na yun dati diba? Nung december, and certainly you can do it again." biglang singit naman ni Estella na tumayo at inawat na ang dalawang nag-kukulitan sa pamamagitan ng pag-palo nito sa ulo ng dalawa.

"Jas, kaya mo yan. Tsaka I am a firm believer sa inyong dalawa. Gusto ko kaya kayong magkatuluyan." dagdag ni Cath.

Natahimik naman ang ilan sa kanila habang dinaan nalang sa jak and poy nung dalawa ni Austin at Lance ang pagkukulitan nila. "Pero sa totoo lang Jasmine. Kahit na nag-away kayo nung huli, ayos parin kayo? I mean, nag-uusap paba kayo sa facebook? Nag-sskype or what?" biglang nasabi ni Austin habang busy sa jak and poy. 

Naghihintay lang ng isasagot ang ilan sa kanila habang si Jas naman ay napatungo, napawi ang ngiti sa mukha niya, "Simula noon, di na kami gaanong nakapag-usap. Kaya hanggang ngayon, wala. di parin kami nakakapag-usap. Ni skype or messages wala. Tagal ko narin siyang gusto makausap. Pero since pauwi na siya, titiisin ko nalang dahil tutal malapit narin naman." sagot niya.

Di nalang nakasagot at naka-react ang iba agad-agad. Nag-tinginan muna ang mga ito ng bigla namang magsalita si Lance. "Tatanungin kita, mahal mo ba ang kaibigan ko?"

"Oo." agad na sagot niya.

"Gusto mo ba siyang makasama? Forever?" dagdag ni Lance.

"Oo."

"Gusto mo ba siyang makapiling as in hanggang mag-pakailanman?" biglang singit ni Ferdinand.

"Oo! Gustong gusto ko! Matagal na matagal na! Matagal ng gustong i-isigaw ng puso ko na mahal ko siya ng higit pa sa pagiging kaibigan lang! Mahal ko siya ng mas-higit pa roon! Ayoko ng makita siyang nasasaktan at nahihirapan! Sisiguraduhin ko na lagi siyang masaya, nakangiti at ibibigay ko lahat ng gusto at hihingin niya, dahil mahal ko siya!" sigaw niya ng buong boses at loob niya. 

Nakatingin nalang ang dalawa ni Austin at Lance sa kanya na may ngiti, habang sina Kim, Cath, Gaby, Casey, Ferdinand at Estella. At isama mo narin ang mga taong dumadaan at taong naglalaro ng basketball sa napatigil sa malakas na sinabing iyon ni Jas. Nanginginig sa gulat itong si Jas at dahan-dahan siyang umupo at nagtago sa likod ni Casey.

Napangiti nalang si Lance at inangat niya ang phone niya na may call. "Oh pre, narinig mo yun? Sa kanya na nanggaling yun ah. Hindi lasing yan. She is good for you bro. Enough thinking, time to make a choice. May oras kapa pagka-balik mo ok?"

Walang hiya ka talaga Lance. Oo na, gagawa nako ng choice. sagot ni Rosh. Siya pala ang kausap nito sa phone at tahimik lang na nakinig sa halatang sinet-up ni Lance. 

"Hehe, you're welcome bro. Sige na tulog kana diyan. Bye." pagpapaalam nito at agad na natapos ang call. 

"Si-sino yung kausap mo ngayon-ngayon lang?" pagtatanong ni Jas. Mukhang may kutob na siya kung sino yun pero gusto lang niya siguraduhin.

Nakangiti si Lance kay Jas at sumagot. "Si Rosh."

"Ha-ha?! Bat di mo sinabi! Kelan pa kayo nagkakausap ni Rosh? Teka narinig ba niya lahat ng sinabi ko kanina?" sambit ng gulat na gulat na si Jas.

"Hehehe, una kung sinabi ko sayo, eh di hindi mo sasabihin kung ano nararamdaman mo. Pangalawa matagal na kaming nakakapag-usap. May pantawag naman siya eh. Sakin ka kaya kinukumusta nun," nakangiting sagot ni Lance habang nanginginig parin sa kaba si Jas. "At pangatlo, oo narinig niya. Kala mo kaw lang pinupush namin dito? Hello, hindi no, siya rin dahil medyo hirap siya. Pero siguro naman sa mga pinag-sisigaw mo kanina. Matauhan na siya."

Unti-unting lumalapit sa kanya si Jas habang nagsasalita parin siya. "Ano kaba Jas, di mo na kailangang magpa-salamat sakin, ginagawa ko lang naman to para sa--" at bigla siyang tinalon nito at tila binubugbog dahil sa pag-papahiya na ginawa nito sa kanya. Nagtatawa lang naman ang ilan habang ang iba ay tumalon narin doon at sumaklolo sa kawawang Lance pero si Austin lang yata ang tumutulong kay Jas habang nagtatawa.

Lumipas pa ang araw at natapos na ang klase nila. Kanya-kanya ng paalam ang mag-babarkada sa isa't-isa. Napili nalang ni Jas na maglakad noon. Masaya parin siya sa nangyari noong araw na yun. Dahil kahit di niya inaasahan, nalaman na ni Rosh ang nararamdaman niya para sa kanya ng hindi siya lasing.

Para siyang bata na sobrang saya sa paglalakad niya pauwi noon. Sawakas, matutupad na ang lagi niyang wish tuwing birthday niya; ang maging sila ni Rosh. Ang kailangan nalang niya ay ang magtiis ng kaunti pa at maghintay sa muling pagbabalik ng taong pinakamamahal niya. Sa mga oras na yun naiisip na niya kung ano ang pinaka-una niyang gagawin para sa pagsalubong niya rito.

Hindi naman kasi niya hahayaan na hindi ito makita agad-agad. Abot tenga ang ngiti niya noon. Tila lumilipad siya sa sobrang saya, ng biglang mag ring ang phone niya. Kinuha niya ito mula sa bulsa niya at napaisip siya dahil unknown number ito. Nagisip siya ng kaunti kung sasagutin ba niya ang call oh hinde. Pero dahil curious din siya kung sino ito ay sinagot niya.

"Hello? Sino to?" agad na tanong niya. Di agad nagsasalita ang tao sa kabilang linya. Baka classmate lang niya na i-reg na may gustong linawin or what.

Hello, Jasmine? Si Elise to. Pede ba tayong magkita at magusap. natigilan siya sa narinig niyang yun. Si Elise ang tumawag. At sa mga oras na yun, biglang tumigil ang mundo niya sa pag-ikot sa pantasya niya, at napunta sa pag-iisip kung ano ang i-sasagot sa taong sumakit at nagpahirap, sa taong pinakamamahal niya.

All that's leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon