Chapter XXIV: Deamenor Change

11.6K 88 1
                                    

Gabi na nun habang patuloy lang sa kanilang usual routine itong dalawa itong si Rosh at Elise. Tambay, nuod ng TV, kulitan habang sweet sa isa't-isa, wrestling sa sofa at siyempre; nag-ccheck ng phone ng isa't-isa.

Mga 8:30 na ng gabi noon ay napagpasyahan na na umuwi itong si Rosh; "Baby uuwi nako." sabi nito sa Girlfriend niya na nakahiga sa kanya, habang chinecheck nito ang phone niya. Tila walang naririnig itong si Elise at patuloy lang siya sa pag-check nito. 

Natawa nalang itong si Rosh at humiga pa ng konti at chineck rin niya ang phone nitong si Elise. Naisipan narin niya na i-check ang messages niya at tumambad dito ang text galing sa iba't-ibang lalaki. Kumunot ang noo nitong si Rosh habang nag-sscroll down siya at tinitingnan ang messages hanggang sa napag-pasyahan niya na magbasa na siya ng isang message.

Bumalik siya sa taas at napili niya ang pinaka-recent. Galing sa isang Andrew. Habang binabasa nito ang text message ay medyo kumunot lalo ang noo nitong si Rosh dahil tila nagpapaalam ito kung pede manligaw sa kanya. Habang nag-sscroll down ito ay nakita niya ang reply nitong si Elise.

Sorry may Boyfriend nako Andrew. Kung gus2 mo friends nalang tayo. Pero kung ipipilit mo yang gus2 mo eh delete mo nalang no. ko. Napangiti itong si Rosh sa nabasa niya. Dahil sa natuwa siya ay tiningnan niya at binasa ang reply ng mokong.

Oh eh ano naman? Di naman niya malalaman eh. Satin lang to. So ano payag kana? ang sabi nito. Agad na napawi ang ngiti nitong si Rosh at ngalay-ngalay niyang itapon ang phone.

"Anak ng-- gago to ah!" sabi niya sa sarili niya pero sa isip lang niya. Naramdaman naman ni Elise ang tila pagbilis ng tibok ng puso nitong si Rosh at paghinga ng mabilis kaya bumangon ito at chineck ang Boyfriend niya.

Nakita niya na medyo nawala sa mood ito at naisipan niyang i-kiss ito sa cheeks bago niya i-check kung ano tinitingnan niya. Ng makita niya kung ano yung binabasa ni Rosh ay natawa nalang siya rito.

"Anong nakakatawa?" tanong agad ng masungit na si Rosh.

"Si Andrew yan eh." sambit naman ni Elise na natatawa parin.

"Oo nga tong gago na to. Wag kana magpapakita dito ah! Delete mo na no. nito!" utos agad nitong si Rosh habang nilapag niya ang phone ni Elise sa kama.

Natuwa lang lalo si Elise sa reaksyon ng Boyfriend niya. Ang cute kasi mag-selos nitong si Rosh at dahil dito ay lalong nahumaling itong si Elise sa kanya at di nalang niya napigilan ang sarili niya na tadtadin ng halik ang mukha ng Boyfriend niya.

"Ano ba! Seryoso ako!" panlalaban nitong si Rosh habang tila, nalulunod na sa mga halik at panlalambing nitong si Elise.

"Ano ba naman eh..." sumuko nalang si Rosh hanggang sa natawa itong si Elise at niyakap ng tuluyan bago kinuha ang phone.

"Baby, wag ka mag-alala. Hinding hindi kita ipagpapalit. Lalo na dito noh! Gago to eh." ang nasabi nalang ni Elise habang nakatingin kay Rosh na naka pouty-face parin.

"Hehe ang cute mo naman pala mag-selos eh!" sambit nito sabay pisil sa pisngi nito. Tumingin lang saglit si Rosh sa Girlfriend niya na nagtaas-baba lang ng kilay bago muling tumingin sa ibang direksyon. Natawa nalang muli itong si Elise at tinadtad uli ng huling mga halik nito bago yakapin muli ng tuluyan.

Tahimik lang ang dalawa habang yakap parin ni Elise itong si Rosh. Napansin niya na nagbago na ang mukha nito at tila nag-aalala na. Ngumiti nalang si Elise at inalis ang pagkakayakap nito. Pero sa pag-aalis inya ng mga kamay niya ay parang nainis lalo si Rosh at parang bata na siniksik ang sarili kay Elise para yakapin uli. 

Natawa nalang si Elise duon sa ginawa nitong Boyfriend niya kaya hinayaan nalang niya. Kinuha niya ang phone niya at dinelete ang messages na yun galing kay Andrew at pati narin ang number nito.

"Oh ayan, dinelete ko na yung number at message niya. Wag na magselos ang Baby ko ah?" paglalambing nito. Tumingin lang si Rosh na tila pokerface parin.

"May iba pa ba diyan?" sambit niya. Natigilan naman itong si Elise pero dahil nga mahal niya itong selosong ito na hindi niya akalain; eh napagpasyahan nalang niya na idelete ang messages na tulad nito.

"Oh ayan dinelete ko na. Di naba nagseselos ang boyfriend ko?" tanong ni Elise habang pinakita nito ang inbox niya kay Rosh. Kinuha niya saglit ang phone sa kamay ni Elise at chineck ang inbox nito.

Nagulat siya dahil halos 4 messages nalang ang nadun sa phone niya. Sa kanya, at sa mga kaibigan niya; "Teka Baby, karamihan ng nasa inbox mo eh yung mga gustong manligaw sayo?"

"Oo" sagot naman agad nito. Dahil nga sa gulat ay hindi na nag-react pa muli itong si Rosh at inabot nalang uli ang phone kay Elise.

"Grabe dami pala gusto umagaw sayo sakin." sambit nito habang pinagsisikan niya muli ang sarili kay Elise. 

Biglang hinawakan ni Elise ang mukha nitong si Rosh sa magkabilang pisngi nito at hinarap sa kanya; "Wag na wag kang mag-alala Baby ko, sayong sayo lang ako! Walang makaka-agaw sakin mula sayo. Tandaan mo yan ha!" sigaw niya at tinadtad muli nito ng halik si Rosh sa labi. 

Napangiti nalang si Rosh at tila lumaban narin sa pagta-tadtad ng halik ang dalawa at nagkulitan nalang duon sa kwarto ni Elise.

--------------------------------------------------------

Meanwhile sa bahay ni Jas. Todo kain lang siya habang nag-sosoundtrip ng pagkalakas-lakas ito sa kantang One More Time by Daft Punk. Nakapantulog na si Jas nuon at tila relax na relax siya noon. Di niya rin alam kung bakit, basta tuwing naririnig niya ang kantang ito ay relaxed siya at talagang nakakapag-let go siya ng mga isipin.

Habang kumakain siya ng popcorn at nakaupo sa sofa niya ay di niya napapansin na nag-riring pala ang phone niya. Maka-ilang ulit pa siyang nakatayo at nadadaanan ang phone bago niya ito mapansin. Hininaan muna niya ang soundtrip niya bago niya tiningnan ang phone. Si Sheryl yung tumatawag. Umupo muna siya bago niya ito sinagot.

"Hi Sheryl. Ano yun at napatawag ka?" tanong agad nito habang kumakain ng popcorn.

Uhhmm bat ang ingay, ano ginagawa mo? tanong agad ni Sheryl.

"Ah sorry, teka hinaan ko--" hininaan niya na; --"Sorry soundtrip lang ako eh. Daft Punk. One of my favorites. Makes me relaxed eh." sambit niya.

Hay nako, parehas talaga kayo ng taste ni Rosh. Anyway, may plano kasi ang barkada na mag-host ng costume party sa december. Eh since part ka na naman ng barkada. Iinvite ka na din namin. Ok lang ba? tanong nito kay Jas. Sinipsip ni Jas ang fingers niya bago siya sumagot.

"Oh sure! Basta kasama ko kayo! Hehe, alam naba ni Rosh?" tanong agad niya.

Hindi pa nga eh. Sana nga siya nalang magsasabi sayo. Pero di siya sumasagot. Paki sabi nalang ah. 

"Sure ako na bahala. Tawagan ko siya after this." sagot niya.

Thank you Jas! Goodnight na, bye! at agad na nilang pinutol ang linya. Scroll naman agad sa number ni Rosh itong si Jas. Naka-speed dial kasi siya sa phone niya kaya pinindot nalang niya ang name ni Rosh at agad na nagrring ang phone.

Medyo natagalan pero may sumagot agad ng call.

"Rosh I have something to tell you. Bat ang tagal mong sumagot?" sambit agad nitong si Jas.

Sino to? Girlfriend niya to, si Elise. sagot agad ng nasa kabila. Natigilan si Jas duon dahil hindi niya inaasahan na si Elise ang sasagot ng phone. Hello lang ng hello itong si Elise sa kabilang linya bago siya sumagot.

"Ay Elise, sorry! Jas to. May sasabihin lang ako kay Rosh na importante, pede pakausap." pagtatanong niya.

No, sakin mo nalang sabihin ano ba yun? napansin na niya na nag-iba ang tono ng boses nitong si Elise sa kabilang linya. Tila hindi siya talaga gusto nitong si Elise. Dahil nga na-tameme itong si Jas ay tila nakalimutan na niya ang sasabihin niya, habang nasa kabilang linya itong si Elise.

--------------------------------------------------

Special note from the author:

Para sa mga napaisip diyan dahil sa title; Deamenor means outward behavior or bearing. Meaning, pano mag react ang tao sa isang specific na bagay. Halimbawa, nito ay ang reaksyon ni Elise kay Jas. Hehehe

All that's leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon