Chapter XVIII: Roshie-kun!

12.6K 116 1
                                    

Habang busy sa pagpapalipas ng init ng ulo itong si Rosh ay kasama parin ng mga kaibigan niya itong si Jas. Lakad lang sila ng lakad; tatambay saglit tapos aalis at maglalakad uli. Dahil nga itong klase ni Jas ay mamaya pa talagang 4:30 at ito namang sa barkada ni Rosh ay 3. May kaunting oras pa silang natitira para mag hang-out. Ng mapagod na sila ay tamang tama na napatigil sila sa tapat ng Arts building at duon tumambay at umupo nalang sa ilalim ng puno na malapit sa Registrars Office. 

Habang nadoon sila at nag-cchill ay natanaw agad ni Jas itong si Rosh. Tila napansin niya na wala siya sa mood; tutal alam naman niya kung pano ito i-cheer up ay agad na tumakbo ito patungo sa kanya na kinagulat naman ng mga kasama niya. 

"Roooossshh!" sigaw ni Jas habang tumatakbo siya patungo sa kanya. Nakatungo noon si Rosh at nagkakamot ng ulo ng magulat nalang siya sa sigaw nito at nagulat nalang ng talunin ito nito at pareho silang bumagsak dahil sa jump-hug na ginawa nitong si Jas. Sa gulat ng mga kasama niya ay agad silang sumugod sa dalawang ito para i-check kung ok lang ang sila.

"A-aray. Ayos ka lang ba Rosh?" ang nasabi nalang nitong si Jas. Ngalay-ngalay silang tumatayo pareho noon at ng abutan sila nina Sheryl ay natawa nalang ang iba rito at tila natulala nalang ang ibang estudyante na dumadaan.

"Adik ka, tatalunin moko ng ganun tapos tatanong mo kung ok lang ako? Ang sakit ng likod ko..." ang sabi nalang ni Rosh. Pero nakangiti lang itong si Jas kahit medyo masakit nga yung pagkakabagsak nilang dalawa. 

Agad silang tinulungan ng iba para tumayo at tinulungan magpagpag. Umupo sila saglit sa side-bench pero hindi parin talaga nagsasalita itong si Rosh. Napansin ito ni Jas at agad naman siyang gumawa ng paraan para mawala lang ang inis nitong kaibigan niya.

"Uie sorry na. Hehe. Ngingiti na yan. Ngingiti na yan? Gusto mo gamitan pa kita ng special words?" ang sabi nito at tila nagtaka naman ang mga kaibigan nitong si Rosh. Kahit sila nga di nila maalis yung init ng ulo oh inis nito pag nasa ganitong sitwasyon sila. Kaya tahimik nalang silang nanood habang nagbubulungan ang iba dahil natatawa parin sila sa ginawa nitong si Jas. 

Tumayo agad si Jas at huminga ng malalim, humarap kay Rosh habang siya naman ay nakatingin lang sa kanya at biglang nagsalita ng malakas; "Kanashi koto wa arimasen, Roshie-kun. Oen!" 

Nagulat si Rosh, ang barkada niya at ang mga taong dumadaan dahil ginawa niya ito with matching pagpapacute at kindat kay Rosh. Namula nalang si Rosh at agad na tumungo. Napatawa nalang ang iba at napa-facepalm nalang pareho itong si Sheryl ni Daniel.

"Uie si Rosh hahahaha!" ang sigaw nitong si Gaby dahil hindi nga nila mapigilan ang tawa nila sa ginawa nitong si Jas.

Nag-crouch naman agad itong si Jas sa harap ng nahihiyang si Rosh; "Ayos kana? Oh gusto mo may sabihin pakong iba?"

"D-d-di na. Ayos nako." sagot nito habang nakatungo parin. Tumayo agad itong si Jas na may malaking ngiti sa bibig nito.

"Ha! Successful nanaman ako! Ahahaha!" pagmamalaki niya.

"Ano yung sinabi mo sa kanya? Natahimik eh." tanong ni Ferdinand na may ngiti sa mukha niya.

"Ah, galing yun sa favorite anime niya. Ibig sabihin ay Don't be sad Roshie-kun. Cheer up! yan. Nakalimutan ko yung title kasi matagal na yun." sabi niya at lumapit siya ng kaunti kay Ferdinand para bumulong; "Kahawig ko kasi yung isang character dun, eh crush niya yon. Kaya ayun." dagdag niya at siya naman ikinatuwa nitong si Ferdinand at agad na sinabi sa iba.

"Ah kaya pala eh! Hahapunin na kita sa susunod. Ahahaha Roshie-kun!" ang sigaw ni Catherine habang tumatawa ng malakas.

"Leche ka Cath! Tantanan moko!" sigaw nitong si Rosh.

"Hep-hep-hep! Tama na. Ayos kana. Ano ba kasi yun?" ang siningit agad nitong si Jas. 

"Ah, kasi tumawag si Baby habang naglalaro ako. Nagalit siya bat di daw ako nagsabi. Sabi ko naman naglilibang lang. Tas yun nainis." sagot niya. Nagtaka naman itong si Jas habang yung iba nakikinig lang.

"Ano ba yan, kaka 1 month niyo palang going 2 tapos controlling na siya agad." sagot nitong si Kim.

Nagkakamot lang siya ng ulo nung sumagot si Rosh; "Eh kasi tuwing tatawag daw siya lagi ako naglalaro kaya yun nainis lang siguro. Naiintindihan ko naman eh." pagtatanggol niya.

"Kahit na Rosh. Di parin tama. Pero di rin tama na lagi kang naglalaro kahit sa bahay." ang sinabi nalang ni Jas; "Talagang magagalit yun Rosh. Pasaway ka naman kasi eh. Diba may pet-project ka na dapat inaasikaso?" dagdag niya. 

Huminga nalang ng malalim itong si Rosh at tumayo; "Eh bahala na. Magso-sorry nalang ako mamaya at bawi nalang." ang sagot niya; "Tara na at malapit narin yung next class." 

"Ay oo nga pala. Sige Jas una na kami. Guys tayo na." sabi ni Sheryl. Pero imbis na sabayan ni Rosh ang barkada ay nakatayo lang siya dun.

"Oh Rosh mag c-cut ka nanaman?" sabi ni Daniel.

"Hindi hatid ko pa sa classroom niya itong si Jas. Sunod nalang ako. Aabot naman ako eh." sagot nitong si Rosh kay Daniel at naglakad na patungo sa Education Building. 

"Bye guys!" sabi ni Jas habang nakaway siya sa kanila at sumabay na kay Rosh.

"Bye! Text-text nalang!" sigaw ni Catherine. 

Humabol itong si Jas sa mabilis na maglakad na si Rosh. Nagkwentuhan lang sila noon hanggang sa makaabot na sila ng Educ Building pero bago pa sila makatuloy sa loob ay pinatigil na siya ni Jas.

"Oh dito nalang. Sige na sunod kana roon. Baka ma late kapa." sambit ni Jas.

"Sus ok lang. Tara na san ba roo--"

"Hindi na. Sige na, oh may 15 minutes ka nalang." pagpipilit nitong si Jas kay Rosh. Hindi nalang siya pumalag rito at nag-beso nalang ang dalawa at naghiwalay. Habang naglalakad patungo ng elevator itong si Jas ay tiningnan niya si Rosh bago pa ito mawala sa sight niya. Nakita niya itong tumakbo na agad at napangiti nalang siya roon. Huminga ng malalim, at sumakay na ng elevator.

------------------------------------------------------

3 minutes nalang at mag-sisimula na ang klase. Tinakbo na ni Rosh ang 4th floor at ng makarating siya roon ay wala pa yung professor. Agad siyang pumasok ng classroom at umupo ng sa bakanteng upuan kalapit ni Sheryl at sa pagkaupo na pagkaupo niya ay kinuyog agad siya ng barkada niya.

"Alam mo. Ang cute niyong dalawa. Bakit hindi nalang siya niligawan mo Rosh?" sabi agad nitong si Catherine at nag-agree nalang ang ilan sa kanila.

"Hays, Cath, magkaibigan lang kami. Hanggang duon lang. Tsaka hindi ako yung type nun. Awkward rin kung maging kami man. Kaya ayos nako na ganto kami." sagot niya with a smile sa mukha niya at agad na inagaw ang coke ni Ferdinand at nakiinom.

Nagkatinginan nalang ang mga babae sa barkada at tila umiling si Sheryl kay Cath na wag na niyang ituloy yung balak niya. Pumasok na ang professor sa classroom at agad na nagsimula ang klase.

All that's leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon