Chapter LVIII: The Tree

10.6K 70 1
                                    

Nakarating na ng bahay sina Rosh at agad din siyang kinulit ng mga kapatid nito, napakagulo nila noon at nakangiti lang na nanunuod ang mga magulang nito. Habang sa pagkukulitan nila sa harap ng bahay nila ay napadaan ang mga magulang ni Jas.

"Oh Rosh, nakauwi kana pala? Kumusta ang OJT mo." natanong agad ng tatay ni Jas.

"Ah oho, kakadating ko nga lang, hehe. Nga po pala may pasalubong rin po ako sa inyo." sabi ni Rosh at agad niyang hinanap ang bag niya at duon ay kinuha niya ang isang plastic bag at aga din inabot sa kanila.

"Salamat Rosh ha, siguradong matutuwa si Jasmine nito." sambit ng nanay ni Jas.

"Oo nga po hehehe. Nga po pala, wag niyo po muna sasabihin kay Jas na narito nako, susuprise ko po sana eh."

"Sige Rosh. Oh sige na ha, una na kami. Pahinga kana rin." paalam nito kay Rosh habang at kumaway narin ang mga magulang ni Jas sa nanay at tatay ni Rosh at duon ay umalis na.

Kaunting gamit nalang ang natira sa labas noon at tinulungan na ni Rosh na i-pasok ang mga ito.

"Rosh hijo, umakyat ka na at ang papa mo na ang bahala diyan. Magpahinga kana." utos ng nanay nito.

Kukunin na sana ni Rosh ang gamit niya pero inagaw ito ng tatay niya. "Oh sabi ng mama mo magpahinga, ako na dito." nakangiting sinabi ng tatay niya. Napakamot ng ulo si Rosh at sumunod nalang siya sa sinabi nila.

Pumasok na si Rosh sa kwarto niya at agad niyang tinapon ang katawan niya sa kama. Natawa ang tatay niya at agad na niyang pinasok ang gamit nito sa kwarto.

"Mukhang na miss mo yung kama mo ah." natawang nasabi ng tatay.

"Hehehe oo nga po Pa eh. Hehe" sagot naman ni Rosh.

"Oh sige. Kung nagugutom ka bumababa ka lang. At kung may kailangan ka, sabihin mo lang anak ha?"

"Opo Pa."

"Pahinga kana diyan." at lumabas na ito at sinara ang pinto.

Dumapa na ang si Rosh sa kama at tinanggal niya ang sapatos sa pamamagitan ng paa niya at tumitig nalang sandali sa ceiling. Nakangiti siya habang naiisip na magkikita na sila ni Jas. Namiss niya ito ng sobra. Ilang buwan din silang hindi nakapagusap, at sa loob din ng mga buwan na yun ay hindi narin sila nakapagkita.

Umalis siya ng bansa na hindi nakita ang maaliwalas at nakaka-gaan na mukha nito. Dahil dito lalo lang siyang na excite na makita agad ito at mayakap ng mahigpit. Ganun din siya sa ibang kaibigan niya, pero mas-higit talaga ang puwang ni Jas sa kanya.

Sa pagkakahiga niyang yun ay unti-unti siyang napapapikit, at lumipas pa ang ilang minutong paglaban ay nalatulog na siya, dala ng pagod sa biyahe.

Kinabukasan, mga bandang 10 na siya nagising. Nagulat nalang siya sa sarili niya dahil hindi na pala siya nakapagpalit ng damit niya. Umunat muna siya ng saglit bago tuluyang tumayo at nagpalit ng damit bago siya bumaba.

Narinig niya ang pagluluto ng nanay niya, habang ang tatay niya ay nakikinig ng balita. Isang malakas na na bagyo si tropical depression Bernice at mag la-landfall bukas sa region 4-B at dadaan pataas ng bansa. Madadaanan din nito ang Metro Manila ng mga bandang 9pm ng gabi.

"Oh anak, may bagyo pa pala. Diba bukas mo balak bumalik ng Manila? Pagpalipas mo muna kaya?" sabi ng Papa niya.

Saglit na tumingin si Rosh sa TV habang kumakain at nakinig. Pero may malaking tsansa rin na huminang muli ito at bumalik ng tropical depression dahil sa hanging amihan na, kataka-taka dahil maaga ho ang pagbaba nitong taon. Pero hindi ho ibig-sabihin nito ay mawawala ang bagyo. Magiging tropical depression muli ito pero meron siyang dala-dalang malalakas na ulan.

All that's leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon