Chapter XXX: Shooting Star

9.6K 92 6
                                    

Tulala lang noon si Jas. Habang si Elise naman ay nakatingin lang sa kanya at naghihintay ng sagot niya. Hindi niya alam gagawin niya. Nakakaya na niya na makitang masaya si Rosh sa piling niya pero ang iwasan at lumayo sa kanya? Ni sa sarili niya hindi niya alam kung magagawa niya. Nanginginig siyang tumingin palayo kay Elise habang siya naman ay tumingin din sa iba.

"Pagbalik natin ng Manila. Sana magawa mo na. Masaya na siya sakin. At sa totoo lang, ayokong may umaaligid sa kanya, na para bang nag-aabang na may mangyari." sabi ni Elise. Maluha-luha na noon si Jas pero pinipigilan niya ito. 

"Magagawa mo ba? Pagkabalik natin ng Manila. Na layuan na siya?" dagdag niya. Tumulo na ang luha ni Jas, iniisip palang niya, nagkakaganun na siya. Lalo na't magbabarkada na sila. Pano yun? Lumalayo na nga siya sa kanya at sa mga barkada niya dahil nga sa may girlfriend na siya; tapos ganito pa ang gusto ni Elise mangyari. Ano pa ba gusto niya?

Kung ano-ano na ang tumatakbo sa isip nitong si Jas habang si Elise ay tinitingnan-tingnan ang paligid at inaabangan ang pagbalik ni Rosh. Sinulyapan niya saglit itong si Jas bago muling tumingin sa Mayon.

Gusto na ni Jas magsalita noon, pero hindi niya alam ang sasabihin niya. Ni hindi niya rin alam kung magagawa niya. Ang lalim na ng pinagsamahan nila ni Rosh at ang biglaang paglayo niya at pag-iwas ay mabigat sa kanya. Pero sumagi din naman sa isip niya na masaya nga itong si Rosh kay Elise. Oo minsan nag-aaway sila, at siya ang takbuhan nito; maging ang barkada niya. Pero mukhang magbabago na yon.

Sa isip niya; kung masaya si Elise at walang iniisip; walang mga tampuhan at selos na magaganap. At kung walang selos at tampuhan na magaganap; wala silang away. At kung walang away; masaya silang dalawa. Masaya siya, masaya ang taong mahal niya. Masaya si Rosh. Mukhang magiging ayos din naman kung magsasakripsiyo siya ng ganito. Tutal, basta masaya si Rosh, ayos na siya. Pero kaya nga ba niya?

Sasagot na sana si Jas sa tanong nitong si Elise ng biglagn dumatingi si Rosh, dala ang meryenda nila. Inabutan ni Rosh si Elise ng pagkain at inumin habang si Jas naman ay agad na pinawi ang luha at inayos ang sarili bago siya mapansin ni Rosh. Pagkaupo ni Rosh sa tabi ni Elise ay inabot narin niya ang inumin na pinabili ntiong si Jas. Sinalubong niya na may ngiti ang pag-abot nitong si Rosh at agad na uminom.

"Mukhang seryoso kayo sa paguusap kanina ah? Ano pinagusapan niyo?" tanong ni Rosh. Nakangiti lang itong si Elise at tinapos muna ang pag-nguya niya bago sumagot.

"Ah wala, tinanong ko lang kung may alam itong isi Jas tungkol sa Mayon. Like legends and stuff. Diba Jas?" sambit nitong si Elise. Nakatingin lang sa kanya pareho itong dalawa ng tumungo ng may ngiti itong si Jas. Hindi parin siya makapagsalita. Hanggang ngayon ay hindi parin niya maalis sa isip niya ang mangyayari, pagpasok ng bagong taon.

Maya-maya ay tumahimik na sila at inenjoy nalang nila ang view ng Mt. Mayon. Habang naglalambingan at sweet-sweet nitong dalawa ni Rosh at Elise ay si Jas naman ay siyang malalim ang iniisip. Sa mga oras na yun ay pinipigilan nalang niya ang luha niya na tumulong muli dahil, tiyak.

Lumipas pa ang ilang sandali at nag-aya na si Elise na umuwi. Agad naman sumunod itong si Rosh at naghanap agad ng taxi dahil pagabi na at delekado sa daan. Ng makahanap at makapara ng taxi ay pasakay na sila ng mag-suggest itong si Elise.

"Baby, tabi muna kami ni Jas. Kaw muna sa unahan ha?" sambit nito. Nakangiti lang itong si Elise kay Jas noon habang siya naman ay medyo nagulat. Hinila niya ito pasakay ng taxi habang si Rosh naman ay umupo na sa unahan. 

Umalis na ang taxi at on their way home na sila ng tinabihan pa lalo nitong si Elise si Jas. Tinitingnan niya itong si Rosh at napansin niya na nakatingin lang ito sa labas ng bintana ng may binulong itong si Elise kay Jas.

"Sulitin mo na tong bakasyon natin. Dahil pagkabalik natin ng Manila; gagawin mo na yung kasunduan natin." sambit nito. Napa-higpit nalang ang kapit nitong si Jas sa kanyang panyo at napatungo. Mukhang wala nakong magagawa sabi nito sa sarili niya.

Lumayo na noon si Elise at tumingin narin sa labas ng bintana habang si Jas ay sinulyapan itong si Rosh. Makikita mong malungkot siya at napatungo nalang siyang muli dahil mukhang bilang na ang mga araw nila ni Rosh na close sila. 

Naka-uwi na sila at nagpahinga. Duon narin pinatulog nitong mama ni Rosh si Jas at duon ay nagusap at nagsaya sila. Todo kwentuhan lang sila at kulitan, ang saya-saya nga naman nila dahil ilang araw narin at pasko na.

Sinulit na nga nitong si Jas ang oras at talagang pinaramdam niya kay Rosh na nadiyan siya. Talagang sobrang close. Sa pag-lalaro, sa hapag-kainan, sa harutan sa may balcony at kung saan-saan pa. Hinayaan nalang ito ni Elise at nakangiti lang siya buong magdamag habang nakikinig sa mga kwento ng nanay at ni Jas tungkol sa kabataan nitong si Rosh.

Kahit medyo na-iirita siya dahil nga sa sobrang close at lalim ng pinagsamahan nilang dalawa ng Boyfriend niya; pinalampas nalang niya dahil next year; magbabago na ang lahat. Nakausap narin naman niya itong si Jas at dahil nga sa nakilala narin niya ito; alam niya na susunod ito sa usapan nila.

Ang saya-saya nila nung gabing yun. Maliwanag ang buwan noon kahit di ito full moon. Lalo na ang kalangitan na talaga nga naman na nakisama sa kanila at halos walang kaulap-ulap at makikita mo ang mga bituin sa kanilang dakilang pagniningning. 

Tahimik lang sila sa bubungan noon habang nakahiga itong dalawang magsyota; si Elise na naka-higa sa dibdib ni Rosh at si Jas naman na yakap ang kanyang mga tuhod habang pinagmamasdan ang kalangitan.

Maya-maya ay nakita sila ng shooting star at napatayo itong si Elise; "Baby shooting star! Wish tayo dali!" sigaw nitong si Elise. Nag-holding hands sila at ginawa ang wish nila at pagkatapos nito ay nag-kiss sila at bumalik sa kanilang pwesto.

Nakangiting pinanood lang ito ni Jas bago siya gumawa ng sarili niyang wish; "Sana maging masaya siya at nadoon ako para makita ito."

All that's leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon