Chapter XLIX: Upcoming duet

9.8K 69 0
                                    

"You are lucky that the Faculty Heads gave us word that your grades need to be computed ahead of time." tinuloy pa ng professor nila. Nakikinig lang noon si Rosh.

"So sir, ibig-sabihin ba nito wala na kaming final exams?" biglang tanong ng isa nilang ka-klase.

"Di ba kayo nakahalata? Wait, did the other teachers already gave your grades?" tanong nito sa kanila, lahat naman sila sumagot ng oo at sinabi rin na siya ang pinakahuli.

"Then this really shouldn't surprise you na. Kung hindi dahil dun sa International OJT program ng institute niyo, hindi lang yan ang grades niyo." dagdag nito. Umugong agad ang klase habang bumalik ang professor sa kanyang table at inayos ang mga gamit niya.

Ng matapos itong mag-ayos ng gamit niya ay napansin niyang medyo lumalakas na ang ingay ng klase kaya bigla niyang binagsak ang bag niyang pagkalaki-laki sa table; at tumahmik agad ang klase.

"Remember, performance next week for those who wants to pursue the International OJT. Dismissed." at pagkatapos noon ay nagsitayuan ang iba nilang classmate habang lumabas na ang professor nila. Nag-palamig pa sila ng kaunti doon ng sumunod narin sila sa paglabas at pagbaba.

Magkakasama ang barkada pagkatapos ng klase nila. Last class narin nila yun kaya nakatambay muna sila sa may tapat ng registrar. Yung iba sa kanila nanonood ng mga naglalaro ng basketball habang yung natira na nag-babalak mag OJT sa US ay naguusap-usap.

"So ganito sasayaw nalang kami ni Sheryl. Ayos ba?" sabi ni Janice, at agad namang siyang sumang-ayon dito.

"So kayong tatlo nalang nina Rosh, ikaw Daniel, at Jennifer ang mag-decide kung ano gagawin niyo." dagdag niya.

"Kami nalang ni Daniel, kakanta kami since compatible ang boses namin." sambit ni Jennifer at agad silang nag-apir na dalawa.

"Sali ako diyan! Sali ako!" singit nitong si Rosh.

"Wag kana! Kami nalang dalawa, hanap ka nalang ng iba!" sabi ni Jennifer. Nainis tong si Rosh kay Jennifer. Minsan talaga may pagka-masama ang ugali nito, pero sanay narin siya at napakamot nalang siya ng ulo.

Lumingon siya sa iba at isa-isa niyang tinanong ito.

"Uie Gaby, samahan moko mag-perform. Please?" sambit nito kay Gaby na parang high sa pag-inom ng juice, habang nanunuod ng naglalaro ng basketball.

"Ha? Ayoko nga. Kaya mo na yan Rosh, ikaw pa." sagot nito. Di na nag-abala pang tanungin uli ito at agad na bumaling kay Casey.

"May Klase ako, kaya sorry Rosh..." at ganun din at nakatingin na din lang sa mga naglalaro.

Tumingin siya kay Ferdinand na naka-upo kalapit lang ni Casey, naglalaro sa phone niya; "Ferdi, sayaw tayo." sabi niya at agad siyang umiling; ayaw daw niya. 

Nawawalan na ng pag-asa si Rosh ng makita niyang paparating sina Austin, at Lance.

"Uie tamang tama! Dumating na yung isa sa mga matatalik kong kaibigan! Hahahahaha! Guys!" biglang sinabi ng malakas ni Rosh na agad na pinag-taka nitong dalawa. Napatawa nalang sina Sheryl, Janice at Jennifer sa sinabi nito ng inakbayan na niya ang dalawa.

"Kumusta klase niyo guys? Ayos ba?" biglang tanong nito. Naka-ngiti ito sa dalawa habang nag-tataka parin sila.

"Uuhh, ayos lang? Ikaw?" sambit ni Austin.

"Ah, ayos lang ako pare! Ikaw ba Lance." sagot niya kay Austin at tapik niya ng medyo malakas kay Lance. Tumingin lang siya ng may pagtataka kay Jennifer na inirapan din lang ng tingin.

"Rosh diretyuhin mo na nga lang kami, at na wi-weirduhan na kami ni Austin sayo." nasabi nalang ni Lance. Agad naman silang umupo sa tabi nung tatlo ng humarap sa kanila si Rosh. Agad niyang pinaliwanag sa dalawang ito ang sitwasyon at kung gaano ito ka-importante sa para sa kanya. Gumamit siya ng big words para dito para hindi na maka-tanggi pa ang dalawang ito.

All that's leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon