Chapter XLIII: Tolerance

10.1K 76 0
                                    

Kakatapos lang ng movie at nagmamadaling umuwi itong si Elise. Tahimik lang silang dalawa noon habang nag-mamadaling lumabas ng mall itong si Elise habang si Rosh naman ay nakasunod lang sa kanya. 

"Ano ba? Bilisan mo. Gagabihin ako nito." sabi ni Elise.

"Bat ba nagmamadali ka? Kasama mo naman ako eh." katwiran ni Rosh.

"Baby, hindi alam ni ate na lumabas tayo, ok? Kaya bilisan mo na diyan." sagot ni Elise. Nainis doon si Rosh. Bago sila tumuloy sa date nila, nakapag-paalam na si Rosh sa Ate Rose ni Elise at pinayagan naman siya. Wala din naman siyang nabanggit na kailangang makauwi ni Elise bago mag 7pm. 

"Eh bat di mo sinabi sa ate mo?" sagot naman ni Rosh. Naiinis na si Elise habang nakalabas na sila ng mall.

"Alam mo namang busy yung kapatid ko eh. Tsaka alam mo din naman na bawal akong ginagabe." 

"Baby dati naman halos hating-gabi na nga ikaw nakakauwi eh. Tsaka ako naman kasama mo." 

"Eh hindi nga kase alam ni Ate! Paulit-ulit kana ah!" galit na sagot ni Elise.

"Tantanan mo ako ng sagot mong yan dahil alam ng Ate mo na lumabas tayo ok!" pa-sigaw na sagot ni Rosh. Nagulat si Elise doon at natigilan nalang siya habang nakatingin sa Boyfriend niya.

"Anong alam ni Ate na lumabas tayo?" pagtatakang tanong ni Elise. 

"Baby, alam mong bago tayo lumabas, simula nung pinakilala mo ako sa mga kapatid mo, na nag-papaalam ako sa kanila. Kaya alam nila, na kasama mo ako at wala din silang sinasabi sakin na bawal ka ng bago mag-7pm." natahimik nalang noon si Elise sa sinabi ni Rosh. Di na niya alam ang sasabihin niya kaya napatungo nalang siya.

"May lakad kapa ba bukod dito?" biglang tanong ni Rosh. Napalingon nalang agad si Elise noon at di nalang sumagot.

Napabuntong hininga nalang si Rosh at agad na pinara ng taxi itong si Elise. Nakatingin lang si Elise habang tinitingnan niya si Rosh ng may lumapit na na taxi. kinausap sandali ni Rosh ang taxi driver at agad na niyang binuksan ang pinto.

"Tara na." sambit ni Rosh habang hawak pa niya ang pinto ng taxi. Agad namang sumakay si Elise at nagulat siya ng sinara ni Rosh ang pinto at sa may driver's side siya sumakay. Napatingin nalang sa may kamay niya si Elise habang sumakay si Rosh at nag-simulang umandar ang taxi.

"San ba yang lakad mo? Hahatid na kita. Sabihin mo nalang sa driver." sabi ni Rosh. Tahimik lang si Elise noon bago niya sinabi kung saan siya mag-papababa. Maya-maya ng sinabi na ni Elise ay hindi na nagsalita pa ang dalawa. Pati yung driver, sa sobrang tahimik ng dalawa ay pinili nalang niya na makinig sa radyo.

Ilang minuto pa ang nakalipas at medyo pamilyar ang lugar na ito para kay Rosh. Ng makarating na sila sa lakad nila ay bumaba pareho ang dalawa habang si Elise ay tahimik na hinihintay si Rosh matapos magbayad.

Ng matapos ito ay hindi parin siya iniimikan ni Rosh habang siya naman ay tinitingnan lang ang malaking bahay na tila may party sa loob. Hinawakan ni Elise si Rosh sa may braso nito at nakatungo parin ng mag-salita si Rosh; "Wag ka masyado iinom ah. Antayin nalang kita matapos. Text mo nalang ako."

Sa pagtataka ni Elise ay lumingon siya kay Rosh; "Teka, di ka papasok sa loob? Saan ka pupunta?" 

"Malapit lang dito si Daniel. Tambay nalang muna ako. Nasabi ko narin naman sa kanya. Sige na at baka hinihintay ka na ng mga kaibigan mo." sagot in Rosh.

"Eh, Baby, di moko sasamahan? Samahan mo nalang ako please."

"Di na, kanina habang nanunuod tayo, mukhang atat na atat kang matapos ang movie. Kasama mo nako noon. Baka pag-sumama pako di mo nako mapansin. Tsaka di rin ako invited. Sige na. Mag text ka pag-ready kana ah." sabi ni Rosh sabay kiss nalang niya sa noo ng malungkot na si Elise. Agad din itong naglakad palayo habang si Elise naman ay halatang nalungkot at nakatungo nalang pumasok.

All that's leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon