Chapter XXVII: Costume Party

10.9K 93 0
                                    

Lumipas pa ang ilang araw at nagtapos na ang klase nila. Pero kahit ganun pa man, ay meron pa silang huling party bago sila maghiwa-hiwalay para sa paparating na pasko.

Dumating na ang araw na yun at handa na ang party. Sa bahay ito nina Sheryl dahil sa buong magbabarkada eh siya ang may pinaka-malaking bahay.

Nauna ng dumating itong sina Janice at Daniel noon para tumulong sa mga kaunti pang paghahanda na kailangan. Naka Jack Sparrow itong si Daniel habang itong si Janice ay naka White Costume galing sa anime na Pretty Cure.

Si Sheryl naman ay hindi pa naka-costume noon ng nag-sidatingan na ang iba. Si Austin naka Ash costume, yung tatlo nina Jennifer, Kim at Gaby naman ay naka powerpuff girls. Si Lance naman ay naka-lupin the Third at si Ferdinand naman ay naka-meme costume na scumbag steve. Isa lang ang hindi nakarating sa kanila at yun ay si Catherine, dahil sa umuwi agad ng province ang family niya at ang iba naman lalaki na barkada nina Austin ay hindi na nakadalo dahil sa parehas na rason.

Wala pa noon sina Rosh, Jas at Elise; pero dahil nga halos kumpleto na sila ay napagdesisyunan na nila na mag-simula na kahit wala pa ang iba. Nakapag-bihis narin noon si Sheryl at naka Sakura costume siya. 

7:30pm na noon at nagkakasiyahan na sila, kaunting kulitan at palaro. May main event pa sana kaso dahil nga hindi pa nakakarating ang lahat, eh mga mini-games muna ang ginawa nila.

8pm na ng dumating na itong si Jas na naka Miku Hatsune costume. Sa pagdating niya ay napatigil nalang ang iba sa barkada dahil sa cute at ganda niya. Napansin ito ni Jas at bigla siyang sumigaw para ma-set ang mood.

Nagsigawan narin ang iba at tuloy na ang party. Habang naglilibang sila ay hindi maiwasang mapansin ni Jas na wala pa yung dalawa ni Rosh at Elise.

Hindi rin nagtagal, sa pagsisiyahan nila ay dumating na ang dalawang mag-syota. Dahil nga sila lang ang couple sa party ay naka-costume sila ng Mario and Luigi. Si Luigi ay si Rosh habang si Elise naman ay si Mario na girl version.

Naka-ala dress siya nun na talaga nga naman na nakakapukaw ng attensyon. Pinagkaguluhan muna sila dahil nga sa cute ng suot nila. Maya-maya pa ay sinimulan na ng tuluyan ang party. Una munang nangyari ay nagka-kantahan ang mag-babarkada at nagkatuwaan noon.

Sumunod pa ay ang newspaper dance na talaga naman na kinagiliwan ng lahat. Tawa sila ng tawa habang nilalaro nila yun dahil sa inaasar nitong si Austin si Sheryl habang pinagti-tripan naman ni Lance itong si Jennifer. Si Rosh naman ni Elise ay sobrang sweet sa isa't-isa na siya naman ikina-kikilig ng mga kasamahan nila.

3 nalang silang mag-papartner na natitira at tuloy na tuloy ang laban, hanggang sa mapa-apak sa labas ng newspaper itong si Lance na ikina-inis nitong si Jennifer. Medyo competitive kasi itong si Jennifer kaya nabadtrip siya ng konti; pero napapangiti naman siya nitong si Lance. Ang natitira nalang ay ang pair nina Austin, Sheryl at sina Rosh, Elise.

"Oi Austin umayos ka ah, kukutusan kita." tila pag-uutos nitong si Sheryl. Di na nagsalita pa itong si Austin at napatawa nalang.

"Baby talunin natin, ang liit na ng dyaryo oh." sabi ni Elise. Pinagmamasdan lang in Rosh ang newspaper habang tinutupi ito nina Ferdinand bago ito tumayo at magsalita.

"Ok guys! Diskarte nalang talaga to. Sa liit niyan, matira matibay na ah? Game! Start the music!" sigaw nito at tumugtog na nga ang music. Naghihiyawan lang ang iba habang si Jas ay todo cheer kana Rosh at Elise.

Nasayaw muna ang dalawang pair. Medyo pinapatagal nila para ma-enjoy rin naman nila ang pang-aasar ng mga ito sa mga natitira dahil, sobrang liit ng tupi nitong si Ferdinand. Maya-maya pa ay tumigil na ang music at nag-kagulo na sila kung pano sila mkakatungtong sa newspaper ng hindi lumalampas ang paa.

Agad na lumundag itong si Elise kay Rosh at nagpabuhat dito. Yung tipong bagong kasal na buhat. Nagsitilian at inasar pa sila lalo nito habang todo kapit at yakap lang itong si Elise kay Rosh na inilulugar ang balanse niya habang natatawa. Chini-cheer lang sila ni Jas na tila parang nakaramdam siya ng konting selos pero pinagtakpan niya ito ng pagsigaw at pagtatawa.

Sina Austin ang Sheryl ay may sinubukan. Naghanda na si Austin para buhatin itong si Sheryl pero ng mahawakan ni Austin ng medyo mataas sa legs nitong si Sheryl, ay napalundag ito at nagulat at siyang naging dahilan ng pagkatalo nila.

Nag-sigawan ang lahat dahil ang nanalo ay sina Rosh at Elise habang sina Austin at Sheryl naman ay nagkukulitan lang sa isang tabi. Tuwang tuwa sila nung mga oras na yun at pagkatapos noon ay nagpahinga na sila at naghanda para kumain.

Light dinner nalang ang ginawa nila dahil sa dami ng snacks. Tumabi itong si Jas kana Jennifer at nag-umpukan lang sila. Nakikisali siya sa usapan nila dahil ang iba ay may kanya-kanyang topic. Sinusulyap-sulyapan din niya itong dalawa ni Rosh at Elise na sobrang sweet sa kabilang dulo. Kitang-kita niya ang pagsusubuan ng dalawa at pagki-kiss sa cheeks at lips. Nakikita niya na masaya ang dalawa sa piling ng isa't-isa, at ang tangi nalang niyang nagawa ay ang ngumiti at makitawa sa mga katabi niya. 

Lumipas ang ilang minuto at nagsimula muli ang party at nagkasiyahan pa sila hanggang sa dumaan na ang ilang minuto at nasa final event na sila. Tinawag na ni Sheryl ang dalawang kakanta para panapos sa gabing inihanda nila para sa kanilang mag-babarkada.

Nagulat si Elise nung biglang tinawag si Rosh at si Jas para simulan ang pagtugtog at pagkanta. Ang naging reaksyon nalang ni Elise nung oras na yun ay ngumiti at itago ang konting inis na naramdaman niya dahil hindi niya parin maipag-kakaila, na nag-seselos parin siya sa Bestfriend ng Boyfriend niya. 

Umupo na ang dalawa sa inihandang upuan sa harap at inabot na ni Daniel ang gitara kay Rosh. Tinesting ni Rosh ang guitara kung nasa tono ito habang kinakausap siya ni Jas kung anong kakantahin niya. May binulong na itong si Rosh kay Jas at naghanda na sila.

Nakangiti lang itong so Jas at inayos at chineck niya ang mike. Ng handa na ay tumungo na siya kay Rosh at nagsimula na siyang tumugtog. Nung una ay di nila gano mabasa kung ano ang tinutugtog ni Rosh hanggang sa nagsimula ng kumanta itong si Jas.

Falling in Love by Six Part Invention ang tinutugtog nila. Nagulat ang lahat at namangha dahil sa ganda ng boses nitong si Jas. Ramdam na ramdam nila ang emosyon na kasama ng kanta. Talagang magpartner na magpartner itong dalawang to, dahil kahit sa pagtugtog at pagkanta ay sync na sync sila.

Habang kumakanta itong si Jas ay pinagmamasdan lang ni Elise si Rosh. Tuwang tuwa siya sa Boyfriend niya dahil maswerte nga siya. Kinikilig siya sa loob-loob niya pero tinatago niya dahil nga ayaw niya sirain ang performance nila. Maya-maya ay napabaling nalang ang mata nitong si Elise kay Jas at nakita niya ang ngiti at mga sulyap nito sa Boyfriend niya. 

Pinagmasdan niya itong mabuti at unti-unting nawala ang ngiti nito sa mukha. Sa mga tingin palang niya at ngiti, talagang masasabi na niya sa sarili niya; may gusto itong si Jas kay Rosh. Ramdam na ramdam niya yon. Hindi niya alam kung pano mag-rereact dito pero napagpasyahan niya na hinding hindi niya hahayaan na mawala sa kanya itong si Rosh.

Todo kanta itong si Jas hanggang sa matapos ang kanta. Nagpalakpakan nalang sila at sa pagtatapos ng performance nilang dalawa ay natapos na ang party. Nagkwentuhan muna sila at tumulong sa paglilinis hanggang sa magpaalam na ang iba sa kanila isa-isa.

Umuwing magkakasabay noon sina Rosh, Jas at Elise. Todo yakap itong si Elise kay Rosh habang si Jas naman ay nasa likod, nakasunod lang sa kanila. Di na sila gaano nakapagusap dahil nga pagod sila, hanggang sa mai-hatid na ni Rosh itong si Elise, at si Jas sa kani-kanilang bahay. Siya naman ay tumuloy na sa apartment niya para magpahinga, dahil pauwi na silang tatlo sa province nila sa Bicol.

All that's leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon