Chapter XVII: Pass-time

12.8K 107 2
                                    

Nadun parin sila sa cafeteria at tila pinakikiramdaman ng barkada ni Rosh itong si Jas. Halatang nalungkot ito nung tinanong siya ni Daniel kanina at tila parang pinapatahan naman siya ni Gaby. 

"Kung nasasaktan ka, sana sinabi mo nalang sa kanya nararamdaman mo Jasmine." ang nasabi nalang ni Jennifer. Medyo naiyak na si Jas nung at tila pinipigilan nalang niya. Pero naiintindihan siya ng barkada ni Rosh.

"Wala kabang masasabihan niyang nararamdaman mo? Or pinagdadaanan mo?" tanong ni Catherine. 

"W-wala eh. Si Rosh lang talaga. Si Dominic lang nakaka-alam nitong nararamdaman ko pero; wala na siya eh. Sa ibang bansa siya. Kaya kinikimkim ko nalang to." sagot ni Jas habang pinupunasan niya ang mga luha na patuloy parin na tumutulo mula sa mga mata niya.

"Well since pinakilala kana samin ni Rosh; barkada mo na kami, ok?" nakangiting sinabi ni Sheryl na kinagulat naman ni Jas.

"T-t-talaga? Parang saling pusa lang naman ako sa inyo..." ang sagot ni Jas pero hinawakan siya sa balikat ni Sheryl at niyakap ng iba.

"Hinde. Simula ngayon part ka na ng barkada na to. At dahil doon ay may masasabihan kana ng nararamdaman mo. Ok Jas?" sagot ni Kim.

"At pede mo rin kami paglabasan ng sama ng loob. Para hindi ka mag-isa diyan sa dinadala mo." dagdag ni Ferdinand.

"At wag karin mag-alala diyan sa sikreto na yan ok? Sasasabihin namin yan kay Rosh." sagot ni Daniel pero agad siyang binatukan ni Janice na ikinatawa ng iba sa kanila.

"J-joke lang. Safe yan samin Jas." pagbawi ni Daniel. Agad naman siyang niyakap ng bagong barkada para patahanin ito.

At least hindi na mag-isa si Jas sa mga pinagdadaanan niya dahil may barkada na siya na pede niyang pagsabihan ng problema at dinadala, at para may mga kasama narin siya.

-------------------------------------------------------

Nakarating na si Rosh sa Mineski Infinity shop at duon ay agad niyang hinanap ang barkada niya naman na lalaki at duon kinawayan siya ng mga kasamahan niya. Tumakbo agad papunta sa kanila itong si Rosh ng makareceive siya ng text galing kana Sheryl.

Rosh, una na kami. Maya pa 3 klase natin at nabalitaan ko yung prof natin mukhang hindi sisipot. Napangiti nalang itong si Rosh at agad naman siyang nag-reply.

Pagka-sineswerte ka nga naman. Cge2 basta text niyo nalang ako mamaya kung nasan kayo ah? Si Jas nga pala asan? tanong agad nito habang umupo na siya sa bakanteng station at agad nag-login sa account niya para makalaro. Nakareceive agad siya ng text galing sa kanya at agad naman niyang binasa ang text.

Kami na bahala sa kanya. New frends niya kami hehe. Asan ka nga pala? tanong narin ni Sheryl.

Ok3 be nice to her ah. Maga2lit ako sa inyo pag may kung anong nangyari diyan. Dito lang sa Mineski. Geh laro nako. ang reply niya at agad na siyang nag-login sa laro at nagsimula na silang maglaro.

------------------------------------------------------

Habang naglalakad itong magababarkada na kasama si Jas ay todo kwento lang ito ng tungkol sa kanya hanggang sinabi sa kanya ni Sheryl kung ano sinabi ni Rosh at kung nasaan siya. Nagpanic ng konti itong si Jas ata agad na dinial ang number nitong si Rosh. Nagrring ito at agad namang sumagot.

Oh Jas ano yun? tanong ni Rosh habang naglalaro na siya at nakaipit ang phone sa may bandang tenga niya.

"Ah sabi kasi ni Sheryl nadyan ka. Goodluck ah! Panalo mo yan! Di moko kalaro ngayon kaya kawawa ka naman. Got it!?" sabing pabiro nitong si Jas habang sina Janice at ang iba ay nakangiti lang.

Natawa lang sa kabilang linya itong si Rosh bago sumagot; Hahaha yabang mo, magagaling din kasama ko noh! OO gagalingan ko, papanalo ko to para sayo. hehe. Sige na bye na at umiinit na ang laban. ang sagot niya at agad na naputol ang linya.

Natawa nalang siya habang binalik niya ang phone niya sa bag niya at napansin nalang niya ang tingin nitong bago niyang barkada.

"Ang sweet mo naman. Sana naging kayo nalang." sambit ni Jennifer habang natawa nalang si Jas.

"Wala eh, nahumaling sa ibang babae." dagdag ni Gaby at lalong natawa ang iba sa kanila. At nagpatuloy na sila sa paglalakad nila.

-----------------------------------------------------

Habang larong-laro itong si Rosh ay nagring uli ang phone niya; "Leche naiinis nako ah! Papatayin ko ang tumatawag!" sambit niya at sinagot niya agad ang call.

"Hello sino ba to!? Busy ako naglalaro!" sigaw niya.

At hindi ka man lang sakin nagsabi na maglalaro ka? sagot ng tao sa kabilang linya. Nanlamig at pinagpawisan agad itong si Rosh dahil si Elise pala yung nasa kabilang linya.

"A-ay sorry Baby. Hindi ka istorbo, insipirasyon kita, diba guys!" sigaw niya at sinignalan niya mga kasamahan niya.

"F-sh*t ka! Umayos kana Oi!" sigaw ng isang kasama niya.

So istorbo nga ako? sabi ni Elise.

"H-hindi. Kasi uhmmm, mainit lang laro Baby sorry na." pag e-excuse nitong Rosh.

Di ko alam na nagd-dota ka pala. Ayoko ng ganyan. sabi ni Elise at natigilan nalang si Rosh dun sa sinabi ni Elise.

"Baby libangan lang naman to eh." pangangatwiran ni Rosh para kahit papano mapawi niya inis ng Girlfriend niya na halatang nawala sa mood.

Kahit na. Tigil mo na yan. Nagsasayang ka lang ng pera. Yang kasama mo hindi ko gusto ah, masama impluwensya sayo. Sige na bye. sambit nito at bago pa sumagot itong si Rosh ay agad na naputol ang call. Nabwisit ng konti si Rosh duon at binuhos nalang niya ang inis niya sa laro.

Tumagal pa ang laban at mukhng nag-work naman ang pagbuhos niya ng inis rito dahil nanalo sila. Nagpahinga sila ng konti pero itong si Rosh ay medyo hindi komportable dahil parang nagalit GF niya. Kaya agad niyang dinial ang number nito at naka ilang ring muna bago ito sumagot.

Ano!? sagot ni Elise. Naiinis nga siya. Tama hinala ni Rosh.

"Baby wag ka ng ma-inis. Kaibigan ko lang yun tsaka ganun lang talaga kami pag-naglalaro." pangangatwiran niya pero hindi lang nagsasalita itong si Elise sa kabilang linya.

"Tsaka Baby ito lang libangan ko. Di naman ako nito aagawin sayo eh. Hehe." pagbanat niya.

Hindi ako natutuwa sa banat mo. Alam ko, eh di sana pinuntahan mo nalang ako dito at di pa start pasok namin diba, imbes na diyan ka tumambay. sagot ni Elise.

"Sus yun lang naman pala eh. Eh di di-deretyo nako diyan." 

Wag na. Diyan ka nalang. May pasok kapa. Tama na yan. Bumalik kana ng school mo. sambit ni Elise. Mukhang naiinis nga siya dahil duon sa pagsigaw ng kaibigan nitong si Rosh. Napa-buntonghininga nalang siya at nagsalita.

"Hays sure kaba Baby?" 

OO, sure ako. Sige na umalis kana diyan at bumalik. Mayang gabi pag-usapan natin yang paglalaro mo ah. Tuwing tatawagan nalang kita ng umaga or pag sa bahay ka; pag hindi mo inaasikaso yung project mo nag-ddota ka. Sige na bye. sabi ni Elise at bago pa siya nakasagot ay binabaan agad siya nito na siya namang kinainit ng ulo ni Rosh.

Tila tatapon niya yung phone niya sa inis at tatayo nalang yung barkada niya para umalis ay sumigaw siya; "Leche walang aalis maglalaro pa tayo! Walang papasok bwiset!" 

Nagtinginan nalang ang mga kaibigan niya at napataas nalang sila ng balikat at umupo muli para maglaro. Sa inis niyang iyon ay pinili nalang niya na hindi pumasok dahil mukhang mahabang pagtatalo nanaman ang maririnig niya pag-uwi niya mamaya sa bahay at sa paguusap nila ng Girlfriend niya.

All that's leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon