Chapter XLVI: Impact

10.9K 75 0
                                    

Pasukan na noon at nasa school na si Rosh. hinihintay niya ang barkada niya dahil nga mag-cecelebrate sila sa "Big Break" ni Rosh sa publishing. Napaka-ingay noon sa campus. Naka-upo lang siya sa may pavilion malapit sa Gate 3. Duon daw kasi magkikita-kita.

Sa mga oras na yun dapat excited noon si Rosh dahil makikita na niya ulit ang barkada niya; lalong-lalo na ang bestfriend niyang si Jas. Miss na miss na niya ang mga ito, lalong lalo na si Jas. Tagal nadin nila kasing di gaanong nakakapagusap at nakakapag-kita. Dahil narin siguro nung mga huling buwan ay naka-focus lang ang atensyon niya sa girlfriend niyang is Elise.

Yung bakasyon na yun, dapat mas-lalo pang nagkalapit ang loob ng mag-syota. Pero sa mga nangyari simula pa nung March, at sa malaking away nila nakakatapos lang nitong May. Tila kabaliktaran ang nangyayari. Hindi ganun kasaya ang summer niya, di tulad ng inaasahan niya. Lalong lalo na nung gabing yun ng May.

Naaalala niya lahat ito at tila ito na ang pinaka-malalang away nila.

-----------------------------------------------------------------------

"Anong ginagawa mo dito!? Diba sabi ko sayo wag kang magpapakita saken!" sigaw ni Elise. 

Kalmado lang noon si Rosh habang nakaharap kay Elise; "Baby ano ba, nandito ako para makapag-usap tayo ng maayos. Hindi yung sisigawan mo ako ng ganyan."

"Ate. bakit mo pinapasok to!? Di kami magkasundo ngayon, nakakainis ka isa kapa!" pag-iwas ni Elise at di pag-pansin sa sinabi ni Rosh.

"Elise tumahimik ka diyan ah! May kasalanan karin! Nag-sinungaling ka saken! Ayusin niyo yan, at mag-uusap pa tayo!" sigaw ng ate niya mula sa taas at narinig nilang sumara ang pinto. 

"Baby ano ba, sorry na pero sobra na yang ginagawa mo eh." pagkuha ng atensyon ni Rosh, pero ayaw parin siyang tingnan ni Elise noon.

"Eh bakit nga sinabi mo kay Ate na hindi ako nag-paalam sayo!? Kala ko ba mahal moko? Bat gusto mo atang mapahamak ako?" katwiran ni Elise. Sinubukan siyang hawakan sa braso ni Rosh pero nan-laban ito at naka-cross parin ang mga braso niya.

"Baby naman, oo nga mahal kita, sobra. Pero mali narin nga yang ginagawa mo. Ilang beses na kitang pinag-takpan sa ate mo. Umaabuso ka na niyan."

"Leche, minsan ko nalang makasama yung mga barkada kong yun Baby. Ganyan kaba ka-damot?" sambit ni Elise.

"Yun na nga eh. Minsan mo nga silang makasama. Pero ang punto dito, lagi kanang lumalabas. LAGI. Alam mo yung word na yun?"

"Wag mokong gawing tanga. Kaibigan ko yung mga yun, at least kahit papano sasama ako sa kanila. Ganun naman ang mag-babarkada eh." katwiran niya, pero umiling lang si Rosh.

"Baby di kita ginagawang tanga, nagawa lang ako ng punto--"

"Ayun nga ginagawa mo nga kong tanga." pag-singgit ni Elise. Napa-iling nalang is Rosh at huminga narin ng malalim. 

"Sige sorry na. Ang gusto ko sabihin Baby eh sobra na yang mga paglabas-labas mo. Dati ayos pa eh, halos isang beses lang sa 3 linggo. Peor ngayon linggo-linggo na, tapos halos gabi-gabi pa. Baby naman. Awat." sabi ni Rosh. Tahimik nalang noon si Elise at di parin nakatingin kay Rosh. 

Sinubukan na niyang hawakan ang Girlfriend niya sa braso at sa pagkakataong ito ay hinayaan na ito ni Elise. Sinusubukan ni Rosh na yakapin ito, pero mukhang ayaw pa niya.

"Pero bakit mo nga sinabi kay Ate na hindi ako nag-paalam." tanong ni Elise. Mahinahon na siya ngayon di tulad kanina. Pero ramdam parin ni Rosh ang sama ng loob ni Elise sa kanya.

"Kasi Baby, di kana nakikinig sakin. Sumobra kana, at nakahalata na ang Ate. Wala talaga akong balak sabihin na hindi ka talaga nag-paalam, pero Baby sumobra kana eh." ang paliwanag ni Rosh. Tahimik nalang noon si Elise. Nakatingin nalang si Rosh sa Girlfriend niya ng mga oras na yun.

All that's leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon