Chapter XXXVII: Call

10.4K 79 0
                                    

Kinabukasan, 8:30am at nakahiga lang si Rosh noon sa kama niya. Halos hindi siya nakatulog noon kakaisip sa sinabi ni Jennifer kagabi. Tumagos sa kanya ang mga sinabi niyang yun.
Bumabalik nanaman nga siya sa dati. Nangyari na sa kanya ito dati, at sa kasamaang palad hindi naging maganda ang pagtatapos nito. Ang dami ng nawala sa kanya noon; ang karamihan sa kaibigan niya; at ang masaklap pa nito, siya ang sinisisi ng lahat noon.

Dahil sa pagpapa-ikot niya ng mundo niya sa una niya, sa pagkawala nito; ay agad na gumuho ito.

Di niya naisip na ganun na pala nararamdaman ng mga kaibigan niya. Di niya alam na nagtatampo na pala sa kanya ang mga ito. Di naman kasi sila nag-sasalita, pero iba rin naman trato sa kanya. Walang pagbabago; normal lang.

Kinakausap pa naman siya ng mga ito, nagku-kwentuhan pa naman silang lahat. Wala naman sigurong problema. Pero bakit nasabi ni Jennifer yun? Na nagtatampo na sila?

Isip-isip niya talaga yun. Hanggang sa pagbangon niya ng kama at pag-kain niya ng breakfast. Iyon lang ng iyon ang tumatakbo sa isip niya. Tiningnan niya ang phone niya at nakita niya na may text; pagtingin niya rito ay binuksan niya ito at galing pala ito sa Girlfriend niya.

morning baby -_- gcing kna ba? Kung hnd pa, bangon na ikaw at eat kna po ng breakfast, papasok npo ako. Txt po kita pag skul nko, luv u

Pero tila wala pa siya sa mood mag-reply noon at hinayaan nalang muna niya ito. Binuksan niya ang computer niya at nag-facebook muna dahil talagang wala siya sa mood noon. Kung ano-ano lang ginagawa niya roon. Pero wala talaga, as in wala siyang gana. Nag-ring uli ang phone niya at nakita niya na may bagong text.

Baby, skul napo ako. bangon kana kung tulog kapa, malilipasan ka niyan. luv u

Tumingin muna siya saglit sa monitor niya ng maisipan inyang mag-reply nalang agad.

Kakagcing ko lang Baby, aral mabuti ah, opo kakain po ako ng breakfast. ingat ka po, luv-luv

Pagkatapos ay nagfocus nalang siya muli sa facebook. sinusubukan niyang libangin ang sarili niya dahil nga sa mga narinig niya kagabi. Kung ano-anong post nakikita niya, about sa love. about sa work, about sa school, at about sa kung ano ang ginagawa nila sa mga oras na yun. Di niya alam kung bakit nagfa-facebook pa siya, minsan naiinis din siya sa mga post na nakikita niya eh. Pero kailangan to dahil dito niya nakikita yung mga kailangang gawin sa school at kung ano-ano pa; so no choice din siya.

Tska dahil lalaki rin naman siya; nagagamit din niya to sa pag-sstalk, pero sa kanya lang yun. Tsaka di dapat malaman ng GF niya yun, kundi lagot siya. Pero sa mga oras din na yun, wala siya sa mood mag-stalk. Kaya sinubukan niyang mag 9gag. 

Habang nag-bbrowse siya; wala parin siya sa mood, pero may mga nakakatawa siyang nakita duon. Pero wala talaga eh. As in wala, yun parin talaga ang tumatakbo sa isip niya. Dahil naiinis narin nga siya at yun lang tumatakbo sa isip niya; naisip niyang maligo na muna at maglaro nalang siya. 

Inenjoy niya ang paliligo; medyo pilit pero inenjoy niya yun. Paglabas niya ay agad siyang nagbihis at naglaro. 

------------------------------------------------------------------------

8:30am ng umaga at kakagising lang nitong si Jas. Di parin niya makalimutan ang nangyari kagabi. Hindi niya inaasahan yun. Grabe nga naman ang sinabi nitong si Jennifer; di niya akalain na ganun ito ka prangka. Naisip niya tuloy kung kumusta itong si Rosh. Gusto niya itong tawagan pero hindi niya magawa. Tinitingnan lang ni Jas ang phone niya at nag-aabang ng text galing kay Rosh; pero mukhang hindi pa gising ito.

Isang oras siyang nakahiga noon bago niya naisipang bumangon at kumain ng breakfast. Habang nag-hahanda siya ay nasa isip lang niya ang mga sinabi ni Jennifer kay Rosh. Sigurado siya; nasaktan noon si Rosh. Siya pa naman yung tipong sasarilihin ang lahat ng problema niya; pero lagi siyang naroon para alamin kung ano ito at i-comfort siya.

Isip-isip niya yun hanggang sa matapos siyang kumain at naisipan na manood ng TV. Habang nanonood siya eh tila di parin niya maalis yung isip niya kung kumusta si Rosh. Gusto niyang alamin ang lagay nito. Pero di siya sigurado kung tama yun dahil alam nanaman niya kung ano nangyari eh; at hanggang ngayon di parin niya alam kung pano siya mag-rereact duon.

Di na siya mapakali noon dahil medyo nag-aalala na siya kay Rosh. Di niya alam kung tatawagan niya oh huwag muna. Tumayo siya at kinuha niya ang phone niya para i-check kung may text, pero wala parin. 

"Tawagan ko na kaya?" bigla niyang nasabi. Nagpa-tingin-tingin pa siya kung saan. Bumalik siya sa kama niya at niyakap yung stuff toy na regalo ni Rosh sa kanya. Pinag-iisipan niya talagang mabuti ito. Di niya rin alam kung bakit kailangan niyang mag-worry or ma-ilang. na-aawkwardan tuloy siy sa sarili niya.

Tumayo nalang siya at napag-desisyunan niya na tawagan ito. Dinial na niya ang number ni Rosh at nag-ring na ito. Maka-ilang ring din to bago niya ito nasagot. 

Oh Jas, napatawag ka? Sorry naglalaro ako eh. Nakakain kana ba?

"Ah, oo, kakatapos ko lang kanina. Teka, Rosh ayos ka lang ba?" agad na tanong ni Jas.

Ha? Ano ba namang tanong yan? OO naman ayos lang ako bakit?

"Ah, kasi gawa kagabi. Yung kay Jennifer. Nag-aalala lang ako sayo." nasambit niya.

Ah yun ba. Ayos lang. May punto din naman siya eh. natahamik nalang bigla doon si Jas.

Pero naiintindihan mo naman ako diba? bigla niyang nasabi. Pero di rin agad nagsalita si Jas. Matagal din siyang natahimik noon bago siya magsalita.

"Rosh, may punto rin naman siya eh. Yung mga kaibigan mo nagtatampo na sayo."

Eh ikaw ba? Nagtatampo kana rin? agad niyang tanong na siya namang kinagulat nitong si Jas. Napakamot nalang siya doon at napaupo sa kama.

"Rosh, medyo nagtatampo nako. At nag-aalala. Pero naiintindihan kita, pero pwedeng wind down ng kaunti? Kasi lahat ng sinabi niya may punto naman eh." pero napahinga nalang ng malalim sa kabilang linya si Rosh. Di rin siya agad nagsalita noon at hinintay lang siya ni Jas. Alam niya medyo nalungkot itong si Rosh sa sinabi niya.

Eh ikaw ba ok kaba samin? Kasi parang lumalayo ka rin ng kaunti eh. Umiiwas, ganun. biglang tanong ni Rosh. Parang na-kuryente noon si Jas dahil sa nabanggit niyang yun at bigla din niyang naalala ang sinabi sa kanya ni Elise nung nasa Legazpi sila.

"E-e-eh kasi Rosh. May Girlfriend kana eh. Kelangan ko narin dumistansya..." excuse nalang ni Jas.

"Tsaka, diba ikaw narin may sabi? Lahat ng nakasanayan natin dati? Eh hindi na lahat pwede gawin? Tanda ko pa yun." dagdag niya, at tahimik nalang si Rosh sa kabilang linya.

"Sayo narin galing Rosh. Pero ok lang. Bestfriend mo parin ako, at kung kailangan mo ako, nandito parin ako. Ha? Wag kana malungkot diyan." panapos niya; at maging siya ay nasaktan din sa sinabi niyang yun.

Maluha-luha na siya nung sinabi niya yun kay Rosh habang siya naman ay tahimik lang. Di na niya alam sasabihin niya pagkatapos noon. At sa mga oras na yun, hindi narin niya alam kung ano mangyayari pagkatapos ng call na yun.

All that's leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon