Chapter XXVI: Year-End is near

11.4K 87 0
                                    

Pagkauwi ni Rosh ay agad niyang tinext itong si Elise na nasa bahay na siya. Nagpahinga siya ng kaunti bago mag-ayos. Naghanda siya ng sandwich niya at nag chill ng konti. 12 na nuong gabing  yun at tila wala parin balak matulog itong si Rosh. Nagchill-chill lang muna siya ng biglang nagtext itong si Elise.

Naisip nalang niya na tawagan ito at agad naman sinagot ni Elise ang tawag habang si Rosh naman ay chill lang sa pagkain at paglilibang.

"Ano oras pasok mo bukas? 12 na ah." sabi agad ni Rosh habang kumakain ng sandwich.

Tinatamad pako eh. Usap pa tayo hanggang makatulog ako, hehehe ang nasabi nalang nitong si Elise.

"Hmmmm Baby talaga. May pasok kapa eh. Gusto mo lang ata magpalambing eh. Uieee si Baby." pang-aasar nitong si Rosh, natawa nalang itong si Elise sa kabilang linya.

Opo hahaha ang tanging naging sagot nalang nitong si Elise. 

Nagpatuloy pa ang paguusap nila ng kung ano-anong bagay. School, bahay, at kung ano pa maisipan nila. Nangyari to hanggang sa handa na ang pareho na matulog pero naguusap parin sila. Mga 3 na noon ng maalala ni Rosh na may costume party nga pala na inihahanda itong sina Sheryl, kaya naisip niya na sabihin ito sa kanya.

"Nga pala Baby--" napahikab muna siya; --" hehe sorry, ano may costume party na inihahanda itong sina Sheryl, baka gusto mo sumama." tanong nito.

Humikab din itong si Elise sa kabilang linya bago nakasagot; nakakahawa naman yan. Hehe. Costume party? Sige sama ako! Couple costume tayo ah hehehe halatang tuwang tuwa itong si Elise sa kabilang linya. nakangiti lang siya habang naghihintay ng sagot itong si Elise kay Rosh. 

"Hehe sige Baby. Kausapin ko bukas itong sina Sheryl para masabihan ko sila ha? Baby antok nako tulog na tayo." sambit niya, habang napakusot nalang siya sa mata niya. Napahikab naman itong si Elise sa kabilang linya at pinikit ang kanyang mga mata.

Sige Baby, tulog na tayo. Goodnight, sweetdreams, sleeptight. I love you po sabay hikab.

"Goodnight din Baby, sweetdreams, sleepwell. I love you too. Baba ko na call ah." sabi naman niya sabay hikab uli.

Huwag, yaan mo lang. Gusto kita marinig habang natutulog para kunwari magkatabi tayo at.... hanggang sa nakatulog na nga itong si Elise. Natawa lang ng mahina itong si Rosh at hinayaan nalang ang call na magpatuloy.

Kinabukasan, sa school ay nagkita-kita na ang magbabarkada. Medyo maaga pasok nila noon at nagsi-tambay muna sila malapit sa Registrar's Office. Napapansin narin ni Rosh na tila dumadalas ang pagsasama ng dalawa niyang barkada na barkada ni Austin at Sheryl. Lalo na ang madalas na paguusap nitong sina Jennifer at Lance, pero di nalang niya pinansin ito at agad na lumapit ito kay Sheryl.

"Nga pala Sheryl, yung tungkol dun sa Costume Party." nabanggit niya agad. Naguusap sila ni Austin nun, pero agad naman siyang bumaling sa iba nilang kasamahan at sinimulang kulitin ang iba.

"Oh ano naman tungkol dun? Wala pa date ah. Pero next month na yun. Sure." sambit nito. Natawa nalang sila bago pa makasagot itong si Rosh dahil sa pagkukulitan ng iba.

"Ah, sasama ko sana si Elise eh. Ok lang ba?" tanong niya agad. 

"Ah, oo naman. Ok na ok." sagot nito na may ngiti sa mukha niya.

"Nice, thanks!"

"Si Jas kasama rin ah. Costume party yun. Kaya umayos ka ng costume." nasabi niya at agad naman siyang tinulak at kinulit ng iba na siya namang hinabol ang dalawang nanggugulo.

Medyo nag-alala siya noon nung nabanggit ni Sheryl na kasama rin itong si Jas. Kasi hanggang ngayon eh ramdam na ramdam niya na hindi parin gano magkasundo itong dalawang importanteng tao sa buhay niya.

Kilala naman niya na ng sapat itong si Elise, kaya feeling niya hindi na niya susungitan itong bestfriend niya. Habang itong si Jas naman eh alam niya na walang problema dito, at feeling nga rin niya ay medyo na i-intimidate na siya sa Girlfriend niya. 

Medyo nalulungkot siya dahil nga ganito, kaya gagawan nalang niya ng paraan para magkasundo at magtiwala na itong si Elise kay Jas. Dahil, hindi nga rin naman niya masisisisi itong si Elise dahil narin sa mga karanasan niya.

Dumaan ang maghapon at back to normal na muli itong sina Rosh, Jas at Elise. Nasa kanya-kanya silang klase nung araw na yun. Kanya-kanya rin silang gawa ng mga dapat nilang gawin.

Si Rosh ay kasama lagi ng barkada pero tila out-of-place na siya kasi lagi niyang katext or katawagan ang Girlfriend nito. Lagi na sila naguusap at tila napapansin narin ng barkada niya na lumalayo na sa kanila itong si Rosh pero nakiki-hangout parin. Kaso nagpatuloy pa ito sa mga sumunod na araw. Ayos lang naman sa kanila yun pero yung tila wala siya kahit nandiyan siya; eh nakakasama ng loob para sa kanila.

Ganun din iniisip nitong si Jas na sa tuwing kasama nila itong si Rosh sa break, or pagkain, eh kausap or katext lang nito ang Girlfriend niya. Dumadalas narin ang paglabas oh pagsasama nitong dalawang ito kaya medyo nag-aalala siya dahil baka mawalan pa ng kaibigan itong si Rosh. 

Pumasok na ang december at tila ganun parin ang nangyayari. Papalapit na nga rin ang kanilang pinaplano na costume party at nasabi narin ni Rosh kay Elise ang tungkol dito. Masaya siya na makakasama siya at sa mga sumunod na linggo na yon ay lumabas sila para maghanap ng magandang costume para sa kanilang dalawa.

Bali dalawang party ang mangyayari noon, dahil magpapasko na nga rin. Naisip ng mag-babarkada na pag-isahin ang party nila para sa pasko at costume party. Wala parin date pero naiisip nila na sa Dec. 19 nalang dahil yung iba sa kanila ay pauwi rin ng province. 

At kasama na rito sina Rosh at Jas, habang si Elise naman ay di sigurado kung dito sa Manila magpapasko dahil nabanggit niya na gusto niya sumama sa kanila. Todo focus parin sila sa school noon hanggang sa ilang araw nalang at party na nila.

Nasa mall noon itong dalawa ni Rosh at Elise, naghahanap sila ng magandang costume noon. Tila late na nga ata yung costume party nila dahil puro pang pasko nalang ang mga binebenta sa mall. Ng makakita sila ng costume ay tuwang tuwa ang dalawa at sure na sure na maganda ang napili nilang costume.

All that's leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon