Chapter IV: Starting to get sweeter

21.3K 176 2
                                    

Kinabukasan. Nasa school na noon si Rosh at mga bandang hapon narin noon. Nasa loob siya ng klase niya at nakaupo malapit sa bintana sa bandang likuran. Medyo bored noon si Rosh habang ang barkada naman niya ay kung ano-ano lamang ang ginagawa. Ang iba ay nakikinig at ang iba ay nagku-kwentuhan lamang. Hindi lamang ito sa barkada niya nangyayari; maging sa buong klase rin dahil konti nalang ang mga nakikinig, marahil ay dahil dala narin ng boredom, at dahil narin sa hindi na nila maintindihan ang professor nila.

Tumingin muna sa paligid itong si Rosh at binunot na niya ang kanyang cellphone at naglaro nalang. May 40 minutes pa sila sa klase na yun at pagatapos noon ay mahabang break nanaman ang naghihintay sa kanila bago ang huling subject nila para sa araw. Habang naglalaro siya ay bigla siyang naka-receive ng text message galing sa bago niyang Girlfriend, si Elise.

Bored nako dito. :(

Ngumiti lamang itong si Rosh at nag reply ka agad.

Oh bakit naman? Wala kana bang klase? Libang ka muna diyan, susunduin naman kita mamaya eh.

Bored nga ako eh. Wag nalang tayo pumasok mamaya, ha? :))

No. Di pede yan. Kelangan mag-aral tsaka may bukas pa naman diba? Tamang tama parehas tayo walang pasok, date tayo ulit... :3 ang sagot niya. Tumingin siya ng konti sa professor niya at may sumesensyas na patagalin ang klase.

Tumungo nalang muli itong si Rosh at sinabihan niya ang sumenyas na t-tyempo na lamang siya. Ng makarinig ng tyempo itong si Rosh ay agad siyang tumaas ng kamay at tumingin naman ng nakangiti ang professor nila.

"Ah, sir. Teka kung ganon din naman pala ang setup ng socialism. Di ba parang mas maganda ito kesa sa current setup natin? I mean sir, paki-explain nga ng mas broad pa kasi-" tumigil siya ng konti habang nakatingin lang ang mga classmate niya at tuwang nakatingin sa kanya ang professor nila.

"Uhm, para talagang may maganda talaga dun eh...." sabay upo nitong si Rosh na mistulang seryoso parin sa kanayang tinanong sa kanyang guro.

Napa-palakpak nalang ang professor niya; "Kahit kelan talaga ikaw ang ma-aasahan ko Mr. Buenavide! Hala siya, sasagutin ko yang tanong mo dahil napaganda nga naman nito..." sabay tumawa ng mahina at nagsimula na siyang mag discuss. Sumignal naman ang sumenyas sa kanya at kinindatan nalang nitong si Rosh.

"Ikaw talaga kahit kelan, effective ka ahaha!" nasabi nalang ng barkada niyang si Daniel. Pumalo nalang ng mahina sa kanyang dibdib itong si Rosh at tumingin muli sa kanyang phone. Nagulat nalang siya 4 messages na pala ang narito at lahat ng ito ay galing kay Elise. Binuksan niya isa isa at binasa.

Uie ano? Payag na yan! Aaral pa hahaha! Di nako papasok bleh :p

Uie tapos na yung klase namin. Dinismiss na kami ng professor namin tambay muna ko saglit...

Leche yung barkada ko nag dota! punta nalang ako diyan?

Wag na pala, kita nalang tayo sa SM Sta. Mesa. Nuod nalang tayo ah. Wag na tayo pumasok. See you there love <3 :*

At wala ng mga messages. "Naman oh!" nasabi nalang niya sa isip niya. Medyo nainis siya dahil mag ccutting ang girlfriend niya. Pero wala na siyang magagawa. D-deretyo na lamang siya sa SM at di na rin lang papasok. Lumipas na ang mga minuto at natapos na ang klase. Dali dali nag-ayos ng gamit itong si Rosh.

"Oh nagmamadali ka ata? May Lakad kaba?" tanong ni Sheryl.

"San naman yan?" sinundan ni Ferdinand. Yung iba nakatingin lang. Pero si Rosh nagmamadaling umalis at sinabi.

"Importante lang. Di nako papasok mamaya, bye guys!" sigaw niya at umalis na lamang siya. Habang tumatakbo siya pababa ng hagdan at paglabas ng building naka-salubong niya si Jas.

All that's leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon