Chapter LX: Bloody letter

12.8K 96 1
                                    

Agad na sumugod sa ospital ang magbabarkada. Lahat sila kinakabahan, tila hindi alam kung papano mag-rereact sa balitang nakarating sa kanila. Lalong-lalo na si Jas na walang tigil kaka-iyak. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Nakarating na sila ng ospital at agad silang pumunta kung saan dinala si Rosh. 

Tumatakbo si Jas noon papunta kay Rosh. Di niya akalain na ang muling pagkikita nila ay sa isang hospital room. At higit sa lahat, di pa niya alam kung ano ang kalagayan nito. Di na niya alam kung ano ang iisipin niya. Ayos lang ba siya? Galos lang ba? Ano? Sa mga oras na yun hiniling niya na sana ayos lang si Rosh. Na ok lang ang lahat. Sinisigaw na niya ito sa isipan niya habang kasama niya ang mga kaibigan niya. 

Halata sa mga mukha nila ang labis na takot at pag-aalala, katulad din ng kay Jas. Nakarating sila sa may ER at doon, nagaganap ang kinakatakutan ni Jas. Nanghina siya sa nakita niya. Si Rosh, duguan at pilit na sinasalba ng mga doktor at nurse. Halatang sinisikap nilang buhayin at isalba si Rosh. Nagtakang pumasok si Jas doon at hinabol siya ng mga kaibigan niya pero napigilan sila ng ilang nurse.

"Miss hindi ho kayo pwede rito! Kailangan niyo pong maghintay sa labas!" pag-pigil ng isang nurse. 

"Hindi! Kailangan niya ako sa tabi niya! Parang-awa niyo na iligtas niyo siya! Please!" sinisigaw niya habang inaawat siya nina Jennifer, Cath, Daniel at Lance. Hinila siya palabas at doon pinag-sarhan sila ng pinto. Napaka-ingay sa loob at naririnig nilang lahat ang ginagawa ng mga doktor at nurse. 

Sa loob ng Emergency Room pinupunasan nila si Rosh. Pabalik-balik ang heartbeart niya. Bawat segundo ay pinag-tutuunan nila ng pansin dahil sa nakikita palang nila, malubha ang naging pinasala sa katawan niya. May mga segundo na mawawala ang heartbeat niya, at meron ding mga segundo na babalik ito. Sinusubukan nilang i-tama ang rhythm ng heartbeat niya hanggang sa mag-stabilize ito. Habang ginagawa rin nila ito ay ginagamot nila ang mga sugat na natamo ni Rosh.

Lumipas pa ang ilang oras at nakausap na ni Jas ang mga magulang ni Rosh. On the way na raw sila at doon nag-sstay ang mag-babarkada. Di nila maiwan si Jas na sa mga oras na to ay wala ng mai-luluha mula sa mga mata niya hanggang sa bumukas na ang pinto at isa-isa ng nag-silabasan ang nurse. Tumayo si Jas para kumustahin si Rosh ng pinatabi siya ng isang nurse at doon i-lilipat na si Rosh ng ibang kwarto. 

Muling tumulo ang mga luha ni Jas ng sabayan niya ang mga naglilipat kay Rosh. "Kumusta na po si Rosh? Sabihin niyo po sa akin magiging ok na po siya, please po." pag-iyak niya.

"Sorry Hija. At this point, we really can't tell. Lumalaban pa siya, but as of now he is still in critical condition," sambit ng isang doktor habang nakarating na sila sa ICU at doon pinigilan muli si Jas ng doktor na yun. "Kailangan ka ng kaibigan mo ngayon na malakas. And pray for him. He is fighting, but we need to fight with him. Ok ba yun Hija?" dagdag ng doktor at napatungo nalang si Jas.

Sa hiwalay na kwarto ay naka-setup na si Rosh para mas-mamonitor pa siya ng mga nurse. Sabi pa ng isang nurse medyo nag-stabilize na ang heartbeats niya at binabantayan nalang siya. Kulang nalang maging damit na ni Rosh ang mga bandage na nakabalot sa buong katawan niya. Pinipilit ni Jas na maging malakas para kay Rosh habang tinitingnan niya ito. 

Di alam ng mga kaibigan niya na naroon pa ang gagawin kundi ang damayan at bigyan ng suporta ang kaibigan nila. Maya-maya pa ay may lumapit na nurse kay Jas at may inabot na mga plastic bag.

"Ah Ma'am, galing po ito sa biktima. Ito po yung mga nakita sa kanyang mga bulsa. At eto narin po ang phone niya," sabi ng nurse habang kinuha ni Jas ang mga gamit. "Pasensya na po kung natagalan. Ininvestigate po kasi ng mga police ang mga gamit kung may koneksyon po ito sa aksidente." dagdag niya at umalis na. Tiningnan niya muna saglit si Rosh bago umupo sa tabi nina Sheryl at ng iba pa.

Binunot niya ang isang sulat na medyo basa at duguan pa, at nakita niya na naka-sulat ito para sa kanya. Tinabi niyang muli ito at doon chineck niya ang ibang gamit ni Rosh hanggang sa makarating siya sa cellphone nito. Crack na ang screen nito at halatang nalinis narin. Di na siya gaanong nagtaka kung bakit dahil nasabi na ng nurse kung ano ang ginawa ng mga pulis rito.

Pagbukas niya ay nakita niya ang recent calls and messages nito at tila napuno ng galit at inis ang naramdaman niya, dahil kay Elise. Puro miss-call ni Elise, at messages ni Elise. Napapaiyak na siya dahil dito at pumasok sa isip niya na siya ang dahilan ng aksidente nito. Inabot niya ang phone kay Cath at tumayo siya para tingnan muli si Rosh at di nalang niya napigilan ang mga luha niya na bumuhos muli.

Isang oras ang lumipas at doon biglang dumating si Elise. Makikita sa mga mata niya umiiyak din siya. Nalaman niya ang tungkol kay Rosh galing sa kaibigan niya na nagkataon na doon sa ospital na yun nagta-trabaho. Napatayo ang barkada ni Rosh sa hindi nila inaasahang pagdating ni Elise. Ilang beses niya ng sinasabi ang pangalan ni Rosh at doon nakita niya, sa may bintana ang kalagayan niya. Lalo siyang pinanghinaan noon at bumuhos muli ang mga luha niya. 

Kasama ni Elise ang mga kaibigan niya at ganun din ang kuya niya na nasa labas. Sa pagkakataon na yun ay hindi na natiis pa ni Jas ang sarili niya at sinugod niya si Elise.

"Ang kapal ng mukha mong magpakita rito! Umalis ka! Umalis ka!" sigaw niya rito habang sinasabunutan niya si Elise at siya naman ay hindi na nakalaban pa sa sobrang hina dahilan sa pag-iyak. 

Inawat na siya at hinila ng ilan sa barkada niya at ng ilang nurse roon. habang pilit parin itong nagpupumiglas. "Ang kapal ng mukha mong magpakita dito! Kasalanan mo to! Kung hindi mo siya tinawagan, kung hindi mo siya kinontact, ligtas pa sana siya! Wala sana siya diyan!" sigaw ni Jas at doon bumagsak na ang bigat ng lubos na pagod kay Jas at napaiyak nalang ito habang napaluhod nalang siya sa sahig.

"I'm sorry, di ko sinasadya. Di ko alam. I'm sorry." ang tanging na iiyak nalang ni Elise.

"Ma'am, sasabihin ko lang po to, pero sabi po nung mga pulis kanina. May ilang minuto muna ang dumaan bago ang pagkakabundol ni Rosh. So may malaking chance po na hindi po yun ang dahilan." sagot ng nurse na nag-aattend kay Rosh. At ang nurse na ito pala ay kaibigan din ni Elise. Pero sa kabila noon ay pawang hinang-hina na ang dalawa sa kaka-iyak at pinaglayo nalang sila ng mga barkada nila.

Naroon lang sila sa ospital habang ang iba naman sa barkada ni Jas ay umuwi muna para mag-palit. Kukuha narin ng mga pwedeng pampalit ni Jas dahil sa mga oras na ito; mukhang wala siyang balak umuwi. Ilang mga doktor at nurse ang labas-pasok sa ICU room ni Rosh para i-check ang lahat. May mga oras rin na parang bibigay si Rosh dahil ilang beses rin siyang ni-revive.

Lumipas ang ilang minuto at nilapitan ni Elise si Jas. Hindi niya ito tinitingnan at tumabi lang sa kanya ito. "Jas, gusto kong sabihin na sorry. Tinawagan ko siya dahil nagbaka-sakali ako na kukunin niya ako ulit," sambit niya at bahagyang tumingin sa kanya si Jas. "Pero alam mo, hindi na niya ako binalikan. Wala siyang balak Jas." ang iniyak niya. 

"Naisip ko na, isang malaking pag-kakamali ang pagpapakawala ko sa kanya. Pero nung mga oras na kausap ko siya. Nararamdaman ko na masaya na ulit siya. Na ok na siya. At sa tingin ko, dahil sayo yun." napatingin nalang si Jas sa kanya noong mga sandaling yun at doon bumuhos pareho muli ang luha nila.

Ng mga oras na yun ay may nagtatakbuhan na nurse at doktor papasok ng ICU at nagulat sila kung bakit, pag silip nila sa bintana ay nakita nilang kay Rosh sila papunta at nakikita rin nila ang pagmamadali ng mga doktor. Lalo silang pinanghinaan ng loob noon dahil dalawang doktor na ang nasa loob at ilang nurse. Nagiging critical nanaman ang heart rate ni Rosh, pinipilit nilang i-revive siya noong mga oras na yun.

Hindi na alam ni Jas ang iisipin niya. Ang tanging dasal nalang niya ay ang matapos na to, at maging ok na si Rosh. Sa bawat paglapat ng pads ng defibrillator at sa bawat paglakas ng kuryente  na dumadaan rito para lang mag-stabilize ang heartbeats niya, sa mga oras na yun, tila nadudurog ang puso ni Jas. 

All that's leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon