Chapter XXXI: New Year's Curse

9.9K 89 6
                                    

Dumating na ang kinabukasan at busy na sila sa paghahanda sa pasko. Sina Rosh, Jas at Elise ay tumutulong sa mga paghahanda na dapat mangyari. Sa mga decorations, sa pagkain at kung saan-saan pa. May araw rin na na lumabas at namasyal ang mag-anak para ipasyal pa sa iba pang lugar itong si Elise. 

Tila nag-outing sila noon at talagang sinulit nila ang panahon ng pasko. Ang saya-saya nila noon, lalo na't nakikita ni Rosh na nakakapagbonding itong mga kapatid niya at si Elise, habang sila naman ni Jas ay medyo nag-hangout narin. Pinapanood lang sila ni Elise nung mga panahon na sila lang ang magkasama. Hinahayaan nalang niya ito dahil nga; hindi narin naman yun gaanong mangyayari.

Tuloy parin ang pakikipag-bonding nito sa parents at sa mga kapatid ng Boyfriend niya para kahit papano magustuhan naman siya ng mga ito. Mukha namang gumagana na dahil nga approve ang tatay nitong si Rosh at mga kapatid niya, at ang hinihintay nalang ni Rosh na magsalita noon ay ang nanay niya. Hirap pa naman i-please nun, may iba kasi sa mga tingin nito. Pero alam ni Rosh na, magugustuhan din siya ng nanay niya; kilala naman niya nanay niya eh. Ganun lang talaga yun, mapili lang sa tao.

Dumating na ang christmas eve at lahat ay nagsasaya. May kaunting fireworks display na inihanda ang syudad at nagkaroon sila ng pagkakataon na mapanood yun. Nadun silang lahat; habang si Jas naman ay nadun sa bahay nila kasama ang pamilya niya na pinapanood rin ang fireworks display. 

Balik sa bahay nina Rosh at pagkatapos na pagkatapos ng fireworks display ay bumaba silang lahat at agad na binuksan ang mga regalo na nasa ilalim ng christmas tree. Di na napigilan pa ng tatay ni Rosh ang mga kapatid niya dahil napunit narin naman nila yung wrapping ng presents. Nadun lang sila at nagtatawanan habang pinapanood nila ang mga kapatid niya na magbukas. 

Ng mabuksan nila ang mga regalo nila ay makikita mo nga naman ang tuwa sa mga mata nila at ang saya sa mga magulang nila. Binati nila ang isa't-isa ng merry christmas at agad naman silang kumain sandali. Inexuse ni Elise ang sarili niya dahil medyo sumama raw ang pakiramdam niya at agad na nagpahatid sa kwarto niya.

Inalalayan naman ni Rosh itong si Elise habang ang mga magulang at kapatid niya ay kumakain at ng makarating sila sa kwarto nila, ay nagulat siya ng biglang bumalik ang sigla nitong si Elise at hinalikan agad si Rosh ng madiin, bago niya tinulak ang gulat na gulat na si Rosh sa kama at agad na sinara ang pinto ng tahimik at nilock ito. Nung gabing yun ay may nakahanda palang regalo itong si Elise para sa Boyfriend niya na talaga nga naman hindi niya inasahan.

Dumating ang kinabukasan at Dec. 25 na at dumating na itong si Jas at ang pamilya nito para makisalo sa mga Buenavide. Talagang mag-kakilala ang parents nila at lalo pang naging buhay ang tahanan nila. Sabay-sabay silang nag-simba noong umagang iyon at pagkatapos ay bumalik agad sila sa bahay nina Rosh.

Dating gawi at hinayaan lang ni Elise na sumama at dumikit itong si Jas sa Boyfriend niya habang siya naman ay busy na kasama ang mga kapatid nito. Umakyat ang dalawa ni Rosh at Jas sa may bubungan dahil hindi naman ganun kainitan at makulimlim noon, yung parang uulan pero hinde; yung ganung panahon. 

Nag-kwentuhan lang silang dalawa doon at nakita nila na lumabas sa may kalye itong mga kapatid niya at si Elise at duon sila naglaro. Napangiti lang noon si Rosh habang pinapanood sila habang si Jas naman ay pinipilit nalang ang sarili na ngumiti. Maya-maya ay napatingin si Elise sa kanilang dalawa at kumaway. Kumaway pabalik itong si Rosh at maya-maya ay napatingin si Elise kay Jas at tinitigan niya ito na may ngiti. Iba ang naramdaman noon ni Jas, tila may sinasabi ito; at alam na alam niya kung ano yun.

Ng mag-simula na silang tatlo maglaro ay bumalik silang dalawa ni Rosh sa paguusap nila at agad naman pinapikit ni Jas si Rosh. Maya-maya ay may sinuot ito kay Rosh at ng pag-mulat nito ay isang necklace. Tuwang-tuwa si Rosh sa necklace na iyon; isang puno na may blue gem sa gitna. Niyakap ni Rosh itong si Jas at bibigyan naman ni Rosh ng regalo itong si Jas. 

May binunot si Rosh sa bulsa nito at agad niyang sinuot ito sa kanang kamay ni Jas; isang bracelet na may purple gem sa gitna nito. Nagulat rito si Jas dahil hindi naman niya inaasahan na reregaluhan siya; lalo na't isa ang purple sa favorite colors niya. Napayakap nalang ito sa kanya ng mahigpit at sinulit ang pag-uusap nilang iyon.

Dumaan ang mga araw na ganun ang nangyayari; kwentuhan dito, kwentuhan doon, tambay rito, tambay roon. Dec. 30 na noon at duon naman sila sa bahay nina Jas nag-saya kasama ang family ni Rosh at syempre; hindi naman nila pwedeng iwan si Elise. Nakita niya rito na hindi lang pala sa bahay ni Rosh may pictures ang dalawa; maging sa bahay rin ni Jas. Talaga nga naman napaka-close nitong dalawang ito. Hinayaan nalang ito ni Elise dahil iniisip nalang niya na papalapit na ang bagong taon at ang pagbabalik nila sa Manila.

Lumipas ang araw na yun na katulad ng ibang araw at dumating na ang Dec. 31, 15 minutes bago mag 2013. Nadoon lang ang mag-anak sa may balcony habang ang tatlo ay nasa bubungan. Hinihintay nalang nila ang natitirang minuto. Nasa likod nina Rosh at Elise itong si Jas. Pinapanood lang niya ang dalawa sa harap niya dahil 15 minutes nalang at magbabago na ang lahat. tumulo ang mga luha niya noon at sinayang niya ang buong 15 minutes na yun ng nakatingin lang kay Rosh.

Hanggang sa nag-simula na ang fireworks at nagsiliparan na ito sa kalangitan ng Legazpi City, at pina-ilaw ang gabi sa iba't-ibang kulay. Sinalubong nila ang bagong taon, habang si Jas ay sasalubungin ito ng may kasamang lungkot at saya. Nadoon din ang family niya at nagsalo-salo sila sa loob ng tahanan nila at pinalipas ang maghapon ng puro saya at may ngiti sa mukha niya. 

Pagkatapos ng pagsalubong na ito ay agad ng nag-impake itong sina Rosh, Elise at Jas sa nalalapit nilang pagbabalik sa Manila at dumating na nga oras ng kanilang pagalis. Nag-paalam sila sa mga magulang nila at kapatid habang si Elise naman ay todo paalam sa maituturing narin niyang pamilya. 

Pinili nalang nila na mag-eroplano noon at pagkadating nila ng Manila ay agad si Rosh humanap ng taxi; habang si Elise at Jas ay nakatayo lang sa isang tabi.

"Jas, ito na yon. Masaya na kami at---"

"Alam ko, gagawin ko nalang ha? Pero hindi ko maipapangako na mawawala ako sa kanya ng tuluyan." sambit bigla ni Jas habang nakatingin lang si Elise.

"Pero ang ipapangako ko, ay iiwas na ako sa kanya." 

Napangiti nalang si Elise doon at niyakap si Jas; "Thank you." at bumitaw siya. Bigla naman ngumiti itong si Jas at nagtaka rito si Elise.

"Wag mo pababayaan si Rosh ha? Alagaan mo siya." sagot nito na may konting luha sa mga mata niya at nakangiti. Pagkatapos noon ay nakahanap na si Rosh ng taxi; agad silang sumakay at doon, tinahak na nila ang daan pabalik sa apartments nila, at si Jas, na sasalubungin ang bagong taon na may malaking pagbabago sa relasyon nila ni Rosh.

End of Act 3.

All that's leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon