Chapter VIII: Prize of the night

17.6K 141 0
                                    

Kakatapos lang ng klase nung hapon na yun at dumertyo agad sa next class nila itong si Rosh at ang iba niyang mga classmate. Yung ibang mga kaibigan niyang lalake ay inaya siyang maglaro nalang pero tumangi nalang itong si Rosh at nag-high five nalang ang mga ito kay Rosh. Habang umaakyat sila ng 5th floor sa ARH building ng campus ay tuloy lang sa hagik-hikan ang barkada, at ang iba pang mga estudyanteng bumababa at umaakyat.

Habang pumapasok na sila ng classroom nila ay agad namang pumwesto sa likod as usual ang magbabarkada. Parang dating pwesto lang; ang iba lang ay ang classroom nila. Binunot agad ni Rosh ang cellphone niya pagkaupo niya at nakita niya na nagtext uli itong si Jas sa kanya.

Rosh bili narin ako ng maluluto ah? Se-setup ko narin ang laptop ko at login ko narin ba yung steam account mo para dire-diretyo na tayo paglalaro mamaya? Nagisip muna saglit itong si Rosh ng i-sasagot at tumingin muna siya sa bintana. Pero bago pa ito makareply ay biglang inagaw ni Catherine ang cellphone niya at nagtatakbo habang sinisigaw at binasa ang text sa kanya ni Jas. Napagtripan naman siya ng buong klase at nagtatawa lang ang iba habang naagaw na uli ni Rosh ang Cellphone niya at bumalik sa pwesto niya.

Pagkabalik niyang iyon ay humupa rin agad ang klase habang naghihintay sa professor nila. Nagtatawa parin si Catherine nung lumapit siya kay Rosh at kinuhit; "Oi baka galit ka ah, joke lang yun ha Rosh? Hahaha..." sambit niya.

"Ayos lang. Antay ka nalang ng bawi ko ha? Loko..." pagngising sagot ni Rosh.

"Eeh naman joke lang kasi! Haha!" sagot niya habang nagtawa rin ang iba niyang kasamahan.

"Sino ba kasi yung nagtext na yun ah? At señorito ka ha? Ahahaha! Pero sino nga yun? Sweet niya ah. Yieee si Rosh, hart hart. Hahaha!" sabi ni Kimberly sabay pag-tukso rito kay Rosh.

"Kaibigan ko lang yun. Kayo talaga tsaka may girlfriend nako!" agad namang sagot ni Rosh.

"Aha! So totoo nga na may hindi kapa pinapakilala samin Rosh! Ayos ka ah! Pakilala mo samin yang babaeng yan at yang girlfriend mo at mukhang magkaiba yan!" sabi ni Jennifer na medyo malakas.

"Oh pano ba yan dalawa na papakilala mo samin? Kami judge, pag hindi namin nagustuhan girlfriend mo- ay yung babae mo pala haha, ano sasabihin namin agad sayo..." sabi ni Gaby at sumang-ayon naman agad ang iba sa kanila.

"Nako, malabong di niyo magustuhan yung kaibigan kong iyon at mas-malabong hindi niyo rin magustuhan yung girlfriend ko. Hehe" sagot naman na may pagyayabang itong si Rosh. Binatukan agad ni Janice itong si Rosh at sinundan naman ni Daniel habang nagtawa, gumanti naman si Rosh at natuloy ang paguusap nila.

"Basta Rosh. Alalahanin ha? Wag na uulitin yung nakaraan mo. Wag buhos ng buhos kaya ikaw natutuyuan..." sabi ni Daniel.

"Oo alam ko, di mo na kailangang ipaalala..." sagot niya. Hihirit pa sana ng sasabihin sina Kimberly at Jennifer pero bigla ng pumasok ang professor nila at agad sinimulan ang klase. Bago kumilos itong si Rosh ay tiningnan niya muli ang phone niya at nakita niyang may 2 text messages na itong si Jas sa kanya.

Ei Roshie. Sumagot ka, anu rin nga palang gusto mong ulam? Hmm feeling ko natatakam ka sa chicken pag di kapa sumagot yun nalang bibilin ko. At ano r-ready ko na ba nga yung steam account mo? Reply ASAP.

Sige fried chicken nalang tayo ah? Nabili ko narin din lang naman hahaha! Login ko narin yung account mo. Tapos nun laro tayo. Dito nako sa apartment mo, aral mabuti ingat ka :*

Napangiti nalang si Rosh sa text ng kaibigan niya kaya gumawa na agad siya ng reply; sorry late reply Jas. Roshie ka dyan, ginawang aso HAHA! Sige fried chicken nalang tayo. Sarapan mo yang luto ah, bili kna rin ng coke na dalawa. Walang tulugan tong paglalaro natin mamaya >:)) pagkatapos niyang itext ay nakinig na agad ng lecture itong si Rosh at nakatutok nalang dito.

All that's leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon