Chapter V: Crocodile stuff toy

19.2K 178 1
                                    

Isang linggo na ang nakalipas at nasundan pa ang mga paglabas at pagsasama ni Rosh at ni Elise. Halos sa kanilang dalawa nalang umikot ang mundo ng isa't isa at napapansin na ito ng mga kaibigan ni Rosh; lalong lalo na si Jas. Napapansin na ito ni Jas at lalo siyang nalungkot dahil hindi na niya gaanong nakakausap ang kaibigan niyang si Rosh.

Nasa klase noon si Jas at halatang wala siya sa sarili kakaisip kung ano na ang nangyayari sa kaibigan niya. Panay ang tingin niya sa cellphone niya kung may bagong text galing sa kanya; sa facebook kung may bago siyang post or chat, oh kung pede nga lang, is ang makausap siya kahit saglit. May time na maaabutan niya si Rosh sa facebook at napapangiti siya sa oras na yun, icclick niya ang pangalan niya para i-chat pero bago pa lang niya ma-pindot ang enter; ay agad na nag-offline ito. Nkakalungkot lang sa part niya. Sobrang lungkot niya dahil hindi na niya siya makasama. Ito lang tumakbo sa isip niya at hindi na niya na kontrol pa ang urge na makausap siya at tinext na niya itong si Rosh.

Oi, hindi kana nagpaparamdam saken. :( nakafocus ka lang diyan sa nililigawan mo. Kita naman tayo oh, tambay tayo bukas ah. Miss you na friend... :(

ang text nitong si Jas. Nasa bahay siya noon habang yakap ang stuff toy na crocodile na regalo sa kanya ni Rosh nung galing siya ng Palawan para sa family trip ng pamilya nila. Naaalala niya ang araw na binigay ito sa kanya ni Rosh.

Hapon noon sa labas ng gate 3 ng FEU at hinihintay nga niya si Rosh dahil kakabalik lang nila ng family niya at 2nd semester na noong first year pa sila. Palingon-lingon lang siya kung saan-saan habang matiyaga niyang hinintay si Rosh hanggang nagulat nalang siya na may nag-takip ng mata niya mula sa likod. Ngumiti agad itong si Jas sa sobrang saya dahil alam niyang si Rosh lang ang gumagawa noon.

"Sinong na miss mo?" tanong agad ni Rosh habang nakangiti. Natutuwa naman itong si Jas pero hindi na siya sumagot dahil alam niyang alam na ni Rosh ang isasagot niya.

"Sinong na miss mo na pinakagwapo; as in PINAKAGWAPO sa buong campus?" binanatan pa nitong si Rosh, biniro pa niya. Nag react na itong si Jas at agad na hinila pababa ang kamay niya pero agad na binalik ito ni Rosh.

"Teka-teka, wag na tama na. Sobra na eh..." sagot nitong si Jas at sinamahan pa ng pagtawa niya. Agad naman tinanggal ni Rosh ang kamay niya, mistulang na inis.

"Wag na nga! May regalo pa naman ako sayo! Hmp!" akmang aalis na pero pag talikod ni Jas para pigilan siya ay nagulat nalang siya ng i-harap agad sa kanya ni Rosh ang pagkalaki-laking stuff toy na crocodile. Wala ng naging reaksyon si Jas kundi pagkagulat nalang at ang pagiging speechless niya. Tingin siya ng tingin kay Rosh at sa stuff toy habang nakangiti ito sa kanya.

Napatalon nalang sa tuwa itong si Jas at napayakap agad ito kay Rosh kasama ang stuff toy. Sobrang higpit ng yakap niya at napakatagal. Sa loob-loob nitong si Jas eh, nanamnamin na niya ang sandaling yoon dahil alam niya na hanggang doon lamang siya. Hanggang doon lamang ang magagawa niya para maparamdam niya kay Rosh na; Mahal niya ito, na hanggang kaibigan lang sila. Pero sumasagi rin sa isip niya na sana, maging higit pa sila doon.

Pinagtitinginan na sila at napansin na ito ni Rosh pero hindi na niya ito pinansin at hinayaan na lamang niya ang kaibigan niya na gawin to. Naisip nalang niya na, kahit sino nga naman ang regaluhan mo ng ganito eh; matutuwa nga naman sila. Bumitaw na si Jas sa mahigpit niyang pagkakayakap at kinuha na niya ang stuff toy at yakap-yakap niya ito ng sobrang higpit. Hinahalik halikan at mistula nag-asal bata siya habang yakap niya ito. Sumusulyap kay Rosh habang nakabaon ang mukha niya sa stuff toy habang nakangiti.

"Thank you." ang nasabi niya habang may ngiti sa mukha niya. Natuwa naman itong si Rosh at inakbayan na nito si Jas habang pumasok na sila ng campus.

"Ano kaba," sabi niya pagka-swipe niya ng ID niya at tinulungan makapasok itong si Jas.

"Best friend for-evah kaya kita. Nadiyan ka palagi sa tabi ko, sa kalokohan at kung ano-ano pa. Kaya deserve mo yan. Hehe." sagot nito.

"Lol adik ka talaga Rosh. Pero teka, bakit crocodile nga pala?" na tanong lang nitong si Jas. Shinake lang ng konti ni Rosh ang ulo niya habang nagiisip at napahagikgik nalang ito.

"Kase, para kang crocodile. Mabait ka pagtahimik ka; pero pag-gutom ka, na-ngangain ka! Hahaha!" pabirong sagot niya. Nainis kunwari itong si Jas at umuna kay Rosh. Agad naman sumunod at inakbayan niyang muli itong kaibigan niyang nagtampo sa kanya.

"Joke lang to naman. Pero seryoso na. Una; dahil nasa palawan ako. Hinahanapan kita ng bear pero wala ako makita. Pangalawa; alam ko mahilig ka sa mga hayop na predators, at since predator yan; binigay ko yan sayo, at huli; dahil green siya; na favorite color mo. Tama ba?" ang sagot niya. Pinigil nalang niya ang kilig niya dahil dito, lalo na nung nabanggit niya na paborito niya ang color green. Totoo yun at hindi na lamang siya nagsalita.

Nung araw na yun pagkahatid sa kanya ni Rosh ay dala-dala niya ang stuff toy buong araw. Di na siya nag-abalang bitawan to at yakap-yakap nalang niya ito maghapon hanggang paguwi niya. Ni ipayakap at ipahawak ito sa iba niyang classmates hindi siya pumayag. Di niya malilimutan ang araw na yon at todo alaga siya sa stuff toy na binigay niya. Hinahalik-halikan niya parin yoon katulad nung araw na binigay ito sa kanya ni Rosh.

Habang naghihintay siya ng reply ay kumuha lang siya sandali ng maiinom at bumalik muli sa kwarto niya. Tiningnan niya ang phone niya at nakita na may text. Galing kay Rosh. Bumalik ang ngiti nito sa mukha niya at agad naman siyang ng-reply.

Uie Jas sorry na! :( bawe na ako bukas ha? Ano ba gusto mo gawin? Gala, nuod sine, nuod sine diyan sa apartment, tambay. Ano? Ng makabawi naman ako sa bestfriend for-evah ko? :)) ang reply nitong si Rosh.

Hmp may nililigawan ka lang ngka-ganyan kana. Kinalimutan mo na ako :(( pero sige dahil kakasabi mo lang, babawi ka ha? tambay nalang tayo dito. Bili ka nalang ng dvd or download ka ha? Kaw na bahala kung ano gusto mo. Ako bahala sa pagkain. ang nireply naman agad nitong si Jas.

Sige2. Ay di ko papala nasasabi si sayo; kami na ni Elise. Sinagot niya agad ako eh. Ibang iba nga talaga siya! Kwentuhan kita agad bukas ha! hehehe ang nabasa nitong si Jas. Napanganga nalang siya at nagulat. Galit na galit siya at inis na inis. Binaon muli niya ang mukha niya sa stuff toy at duon sumigaw ng sobra-sobra. Agad bumangon sa pagkakabaon niya at huminga ng malalim.

Bago siya mag-reply ay binuksan niya ang laptop niya; punta agad sa youtube at nagpatugtog ng hardcore metal. Pokerface lang ang mukha nitong si Jas, dumapa habang nasa ilalim niya ang crocodile at nagreply.

Congrats! Kaw talaga minadali mo lang ata eh! Sige2 asahan ko yan ah. Sige na may gagawin pako, nyt! ang reply niya habang kagat-kagat niya ang stuff toy at tinapon agad ang phone palayo sa kanya.

Bwisit na bwisit si Jas dahil kinabukasan ay paguusapan nila ng taong mahal niya ang taong mahal nito.

All that's leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon