Chapter XLIV: Once upon a time of tenderness

10.4K 69 1
                                    

Lumipas pa ang mga araw pagkatapos ng tampuhan nila nung gabing yun ay tila mukhang nag-improve muli ang estado ng relasyon nitong dalawa ni Rosh at Elise. Mas-dumalang silang lumabas pero sa bahay nina Elise ay lagi silang magkasama. Nag-tatalo parin sila at nagkakaroon ng maliliit na tampuhan at away, pero kahit ganun ay di parin ito nagiging hadlang para maglambing sila sa isa't-isa.

Nagpatuloy pa ito hanggang sa summer-break. Nasa Manila lang si Rosh noon at inaasikaso ang Pet-Project niya. May mga tao na kasing nagkaroon ng interes dito at nadoon lang siya para asikasuhin ito. Pabor narin ito sa kanya dahil at least makakasama pa niya ang Girlfriend niya. Well, parang ganun na nga. 

Kakagising lang ni Rosh sa buwan ng April, ginawa niya ang usual routine niya. Bukas ng TV, luto ng pagkain, bukas computer at pag-aasikaso ng kanyang pet-project. Ginagawa niya ito ng walang kahit anong umiistorbo sa kanya or biglang kukuha ng atensyon niya. Kahit pa bukas ang TV, nandiyan lang yan para libangin si Rosh habang nakatutok siya sa Pet-Project niya.

Medyo nasanay narin siya ng hindi gaanong na-gagambala. Dahil narin siguro sa hindi na nag-tetext ng good morning or kahit ano pa itong Girlfriend niya. Dati nag-tetext pa naman ito, pero unti-unti rin itong dumalang hanggang sa once-in-a-blue-moon nalang siya makareceive nito or pag-bigla lang siyang naisipang i-text ni Elise.

Kahit ganun pa man, chinecheck parin ni Rosh ang phone niya. Hindi naman issue yun sa kanya. Pero minsan, namimiss niya rin ito. Habang nagta-type siya a bigla niyang narinig sa TV na may magandang movie na showing. Nakatingin lang siya sa TV habang pinapanood ang trailer at nagandahan siya rito. 

Tiningnan niya muli ang phone niya at wala parin text. Mag-tatanghali na noon kaya siguro, gising na ang Girlfriend niya kaya naisipan niyang itext ito at aayain niya itong lumabas.

Baby! Gising kana? Miss na kta :3 Nga pala, may magandang movie na palabas ngayon. Nuod tayo? Text moko agad pag na-basa mo na ah.

Text niya, nakangiti siya noong sinend niya ito at inasikaso na niya ang tanghalian niya.

Nakakain na siya ng tanghalian at sinubukan niyang tawagan ang phone ni Elise. Ang tagal nitong nag-ring pero wala paring sumagot. Nag-ayos na ng kinainan si Rosh at naisipan narin niyang maligo, pero bago yun ay chineck niya uli ang phone niya pero wala parin text or tawag.

Naligo na noon si Rosh at ng matapos ito ay ganun parin, wala paring text or tawag. Umupo sandali si Rosh sa sofa niya ng sinubukan niya uling tawagan si Elise at maya-maya pa ay sumagot na ito.

"Baby di ka nasagot. Nag-tetext ako sayo ah. Kumain kana?" unang banggit ni Rosh.

Oo kakatapos ko lang. Bakit ka tumawag? tanong ni Elise.

"Ha? Di mo ba nabasa yung mga text ko sayo? Nakailan ako ah, tsaka miss-call."

Natawagan mo narin naman ako, sabihin mo na kung ano yun. sambit ni Elise. Medyo parang nag-susungit siya. Napansin ito ni Rosh at napaisip nalang siya; "Teka, meron ba ito ngayon? Hmmm" 

Huy andyan kapa ba? pagtawag ni Elise.

"Ay sorry Baby. Ah ano, may nakita kasi akong maganda movie. Showing siya ngayon. Matagal narin naman tayong di nakakalabas kaya naisip ko, na labas tayo." sabi ni Rosh, naghihintay lang ng sagot si Rosh ng biglang sumagot si Elise.

Ayoko, wala ako sa mood. 

"Ah, sayang naman. Minsan lang to eh, bakit ayaw mo?" medyo nalungkot siya ng narinig niya yun, pero tinanong narin niya kung bakit.

Ewan ko, ayoko lang. Nakakatamad. 

"Hmm, meron kaba ngayon Baby? Napapansin ko mas masungit ka ngayon sakin eh." biglang tanong ni Rosh. Tinanong narin niya ng malaman niya agad para may magawa naman siya. Tahimik lang sa kabilang linya si Elise at hinihintay lang ni Rosh siyang magsalita.

"Baby diyan kapa ba? Hmm meron ka ngayon no?"

OO na! Meron! Meron! Meron! Masaya kana!? Wag mokong bwisitin ngayon dahil masama na nga pakiramdam ko! Kukulitin mo pako! sigaw ni Elise. Nagulat nalang si Rosh noon at napangiti. Tumahimik silang dalawa sandali noon. Alam na ni Rosh gagawin niya, nasanay narin naman siya na tuwing Time of the month ni Elise eh sinusungitan siya nito.

"Ah ganun ba Baby. Sige-sige ganito nalang. Dalhin ko Laptop ko diyan at nuod nalang tayo diyan. Tapos bili narin ako ng ice-cream, yung kitkat. Tsaka order nalang tayo ng kung ano pa mamaya diyan sa inyo. Ayos ba?" sabi ni Rosh habang naririnig niya ang paghinga ng Girlfriend niya sa kabilang linya.

Bilisan mo, maghihintay ako. tapos pinutol na niya ang call. Napangiti nalang si Rosh noon at naghanda na siya pagakatapos noon.

Hapon na noon ng nakarating na si Rosh sa bahay nina Elise. Nakabili na si Rosh ng Ice cream, dala narin niya ang laptop niya at bumili pa siya ng brownies. Pagkabukas ng pinto ay agad na sumalubong si Elise at nakatingin lang sa kanya. Nginitian lang ni Rosh si Elise habang siya naman ay pabalik-balik ang tingin sa Boyfriend niya at sa ice cream. Maya-maya pa ay biglang kinuha ni Elise ang ice cream at nagmadaling umakyat. Napa-iling nalang ng may ngiti itong si Rosh at agad naman siyang sumunod.

Bandang 3:30 na ng hapon at sa kwarto ni Elise ay tahimik lang na nanonood ang dalawa. Naka-dantay si Elise kay Rosh habang siya naman ay hindi tinantanan ang ice-cream; pati ang brownies. Naka-ngiti lang si Rosh noon habang nanonood sa laptop niya at may sandali na ninanakawan niya ng sulyap si Elise sa buong oras na magkasama sila.

Napatingin si Elise sa kanya habang nasa bunganga pa niya ang kutsara na may ice-cream ng makita niyang nakatingin din si Rosh sa kanya. Umiwas siya ng tingin rito at pinagpatuloy ang pagkain niya. 

"Thank you." biglang nasabi ni Elise. Nagulat naman si Rosh noon, hinalikan nalang niya si Elise sa may bunbunan nito at nagsalita.

"Para sa Baby ko, gusto ko lagi kang komportable. Love kita eh." sambit niya at napatingin nalang si Elise sa kanya.

"Kahit na, topakin ako. Kahit na, inaaway kita lagi, kahit na, binibigyan kita ng sama ng loob. Kahit lahat ng ganun,  love mo parin ako?" pag-dadrama nitong si Elise.

Napangiti nalang si Rosh noon, alam niyang laging ganun ang kilos ni Elise tuwing meron siya. At kahit na isa ito sa pinaka-kinaka-ayawan niya sa ugali ng Girlfriend niya, eh gusto niya rin na ganito siya. Dahil dito lumalabas kung ano talaga ang tumatakbo sa isip ng Girlfriend niya at hindi ito natatakot na sabihin ito sa kanya.

"Oo naman. I Love you Baby." sabay kiss nito uli sa bunbunan ni Elise. Pagkatapos noon ay kiniss nalang ni Elise si Rosh sa labi at tumahimik na uli silang nanood ng movie, habang kumakain siya. 

------------------------------------------------------------------------

Lumipas pa ang mga ilang araw at nasa bahay ni Elise muli si Rosh. May dala uli siyang pagkain at dala rin niya ang laptop niya ng pinagbuksan na siya ng pinto ng Girlfriend niya. 

"Hi Baby!" sabi nito ng malakas at nag-lean forward siya para sa kiss ng tinulak siya nito.

"Baby maya na, di pako nakakaligo. Handa mo nalang yan sa kwarto ko, at susunod ako." sambit nito habang pinapasok na ni Elise si Rosh. Agad na nilapag ni Rosh ang mga dala niya at sinunggaban ito ng yakap mula sa likod.

"Eehh anu ba! Maliligo nako!" pagmamatigas ni Elise.

"To naman! Yakap lang eh! Parang di mo yun gusto nung isang araw! Hehe." pagbibiro ni Rosh.

"Tapos na yun, iba na ngayon. Sige na maliligo nako. Hintayin mo nalang ako sa taas." sabi ni Elise hanggang sa pumasok na ito ng banyo at naligo.

Napangiti nalang si Rosh noon at napa-iling. Oo nga, minsan lang talaga lalabas yung ugali na yun ng Girlfriend niya. Yung lambing ng Girlfriend niya na ngayon, ay hinahanap-hanap na niya.

All that's leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon