Chapter III: When the moon shined the brightest

28.4K 245 13
                                    

Nadun parin si Rosh at nakatulala lang kay Elise habang tinitingnan siya nito. Napakaganda niya noon, naka-puting see-through blouse siya at may panloob na itim. Naka-pony tail sa bandang side ang kanyang napakagandang buhok at naka-contact lense siya. Maya-maya pa ay medyo na inis ng konti itong si Elise at inulit muli ang sinabi niya kanina lang.

"Titingnan mo lang ba ko? Gusto mo ng picture?" sabi niyang ganun. Medyo nahila pabalik ng lupa itong si Rosh at tumawa nalang at nag-sorry naman agad. Nagsimula silang maglakad pero tila hindi pa nila alam pareho kung saan sila pupunta at si Rosh naman ay tila nagiisip na agad kung pano sisimulan ang araw nila.

"So uhm Elise. Anong una mo gustong gawin? Nuod sine? Kain sa taas or kahit saan? Oh laro oh tambay lang. Ano gusto mo?" tanong naman niya agad habang nakatingin sa kanya na tila tumingin bahagya at nagisip. Naka tingin lang siya kay Elise habang nag-iisip ito dahil na ccutan siya rito. Bigla siyang ngumiti at tumakbo habang hawak itong si Rosh sa braso.

Hila-hila niya itong si Rosh habang paakyat ng escalator dahil tuloy-tuloy lang ang takbo nitong si Elise; pinagtitinginan na sila ng tao pero wala parin pakialam itong si Elise habang ito namang si Rosh ay nakangiti lang na-tatawa sa kanyang kasama. Biglang bumitaw si Elise sa pagkakahawak niya sa braso niya at tumigil siya sa harap ng Quantum.

"Maglaro nalang muna tayo!" sigaw niya at with talon pa pagkatapos ay pumasok na siya sa loob. Agad naman sumunod itong si Rosh at doon nga ay nagsimula na ang araw nila. Lahat ata ng laro sa loob ay nadaanan nila, nagiipon lang ng ticket. Naglaro sila ng basketball; bumaril ng terorista sa isang shooting game; nagpatagisan ng galing sa isang fighting game na ikinatalo naman nitong si Rosh. Tuwang tuwa si Elise at maririnig mo ang napakasarap na pakinggan na tawa niya. Masasabi mo ngang nag-eenjoy siya sa oras nilang dalawa habang nakangiti lamang itong si Rosh na pinagmamasdan si Elise. Pagkatapos nilang maglaro ay tumayo nanaman itong si Elise at nasipat niya ang isang game na kanina pa iniiwasan ni Rosh. Nakatingin lang si Rosh habang tinitingnan niya si Elise na nakatingin din sa kanya. May malaking ngiti ito at ngumiti rin naman siya.

Maya-maya pa ay dahan-dahang lumingon itong si Elise at tumingin na sa laro na gusto niya. Nakahalata naman itong si Rosh na may gusto uli laruin itong si Elise kaya tumingin siya sa dereksyon nito at ng makita niya iyon ay napawi agad ang ngiti niya, bago pa siya maka-react ay agad siyang hinikit ni Elise at tumuloy sa dancing game.

"E-Elise..." nanginginig na pagtawag ni Rosh.

"Ano yun?" sabi ni Elise habang nilapag na niya ang bag at hinubad ang high heels niya. Inaantay nalang niya na magsimula ang game.

"Hindi ako marunong sumayaw..." sagot niya na may halong kaba dahil marami ang nakatingin sa kanila. Iniisip ni Rosh na ayaw niyang mapahiya lalong lalo na si Elise. Pero mistulang wala lang to sa kanya at nag ready na itong si Elise.

"Ako rin naman. Game na. Galingan naten! Ahahaha!" sinabi niya sabay kindat kay Rosh at nagsimula na nga ang music na sasayawan nila.

Todo effort itong si Elise kahit di rin siya marunong sumayaw pero nakakasabay naman siya. Habang ito namang si Rosh ay tinitingnan pa niya ang dapat sundan hanggang makakita siya ng tyempo at sumunod na. Unti-unting nagkakasabay at nakakasabay ang dalawa na siya naman ikinasaya ng mga nanonood at ikinatuwa. Habang sumasayaw silang dalawa ay naririnig ni Rosh na tuwang-tawa at nag eenjoy nanaman itong si Elise.

"Ano kaya pa? Woo!" ang sigaw ni Elise habang sumasayaw sila. Tuwang tuwa si Elise hanggang sa matapos ang laro at nagpalakpakan naman ang mga tao sa sobrang tuwa sa kanya. Napa-punas nalang ng pawis sa noo itong si Rosh habang si Elise naman ay todo thank you sa mga nanood at nagsimula ng mag-ayos muli. Tinulungan ni Rosh na magsuot ng high heels itong si Elise at inalalayan tumayo at maglakad palabas ng Quantum.

All that's leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon