Chapter VI: He's starting to love her

18.7K 168 3
                                    

Kinabukasan ng makulimlim na hapon, dumating si Rosh sa apartment nina Jas. Isang malaking yakap agad ang sumalubong kay Rosh. Hindi ito agad bumitaw kaya naglakad nalang papasok itong si Rosh habang nakayakap parin sa kanya itong si Jas. Dala na niya ang laptop niya at konting pagkain.

"Jas di naman mabigat. Kaya kita buhatin hanggang pag-akyat..." sinabi nitong si Rosh, medyo pilospo rin itong kaibigan na ito ni Jas pero agad din siyang bumitaw at baka matumba sila.

"Bumili nako ng mga pagkain natin kanina habang wala kapa. Nag-lunch kana rin ba pala?" tanong ni Jas habang umaakyat parin sila papuntang 4th floor.

"Hindi pa nga eh. Nagluto karin ba?" tanong niya agad rito. Ngumiti naman itong si Jas habang kinuha niya yung konting pagkain na dala ni Rosh.

Pagkadating nila ng apartment ay agad binuksan ni Jas ang pinto at sumalubong sa kanya ang paborito niyang ulam; "Oo! ang Dinuguan! Alam ko paborito mo yan eh tsaka tama yung hula ko na hindi kapa kumakain..." sagot nitong si Jas.

"Nice! Woo! Sarap niyan, sige lagay ko natong laptop at mag-handa kana Jas. Bibilisan ko na to at mukhang masarap yung ulam. Hehe" sagot niya na may halong galak. Agad naman sumunod itong si Jas at nag-hain na siya sa lamesa.

Habang sinesetup ni Rosh ang laptop niya ay todo handa ng lamesa itong si Jas hanggang matapos siya. Pinapanood nalang niya si Rosh na mag-setup at ayusin ang pag-papanooran nila. Ng matapos ito ay agad na sumugod sa Lamesa itong si Rosh at kukuha na siya ng kanin at dinuguan. Pero bago niya nagawa to ay pinigilan siya ni Jas sa pamamagitan ng pagtulak nito sa mukha niya.

"Aray ah! Gutom nako Jas naman eh!" sigaw ni Rosh.

"Wow, ayos ka ah. Mamaya. Pray muna tayo..." sambit ni Jas.

"Tss, alam mo naman na hindi ako gano nag-gaganyan diba?"

"Nasa bahay kita, umayos ka. Now pray..." sagot niya. Nag growl lang itong si Rosh ng mahina at agad silang ng prayer positon. Pinikit ni Rosh ang mata niya at ganon din itong si Jas. Habang nagsimula ng magdasal itong si Rosh ay binuksan ni Jas ang isa niyang mata habang pinapanood si Rosh na magdasal. Natutuwa siya sa kanya tuwing pinapagawa niya ito kay Rosh sa hindi niya rin malaman na dahilan.

Dahil narin siguro sa siya lang nakakapag-pagawa nito sa kanya, marahil nga dahil dito pero hindi niya rin masisiguro. Alam naman niya na iba ang ugali nitong is Rosh sa bahay niya at pag-magisa lamang ito kasama siya; oh ang mga kaibigan niya. Napakabaliktad kumbaga. Naiintindihan naman niya kung bakit eh, kaya kahit sa maliliit lang na bagay ay napapasaya niya ito at nagagawa niyang ilabas ang side na ito ni Rosh, gagawin niya ito lagi para maging masaya siya parati.

"Oh ayan tapos na! Susugod nako!" sabi nitong si Rosh at sinugod na niya ang hapag kainan. Natawa na lang siya sa ginawa ni Rosh at sumunod narin siya sa pagkuha ng-pagkain. Medyo nagkukulitan pa sila habang kumakain, nagtatawanan at nag-kwentuhan pa sila kung ano-ano na ang nangyayari sa mga courses nila at sa iba pang mga bagay. Kinuhaan ni Jas sila ng maiinom ng matapos sila. Nagpahinga sila ng konte ng nagsimula ng magtanong itong si Jas.

"Nga pala ano yung papanoorin natin?" sabi niya pagkatapos uminom at pagsisimulang maglinis ng lamesa at kinainan nila.

"Uhmm, gusto ko sana panoorin The Hobbit eh. Ayos lang ba?" sabi niya kay Jas. Habang patapos na ng paglilinis itong si Jas ay tumingin nalang siya sandali kay Rosh bago sumagot.

"Ano kaba, kahit porn pa yan papanoorin ko bahahahaha!" pabirong sagot niya. Pinunasan na niya ang mga plato at agad na nilagay sa lalagyan. Kinuha naman niya yung 1.5 na coke at agad nagdala ng baso sabay tabi kay Rosh.

"Loko ka, wag na nga lang yun. Leche, ano gusto mo?" tanong niya na may inis pero natawa nalang itong si Jas at agad na sumagot.

"Sige, The Hobbit na. Tutal wala naman tayong pasok tom, dito kana rin matulog. Movie Marathon tayo." sambit niya.

"Sige. Teka wala akong damit." sagot ni Rosh.

"Wag ka mag-alala. Nadito pa yung jersey at shorts mo. Palit ka nalang diyan..." ang agad namang sagot nitong si Jas.

"Haha nasayo pa pala yan? Sige dito ko nalang mga yun incase na maulit to." sabi ni Rosh at nagsimula na sila manood. Habang nanonood sila ay biglang pumasok sa isip niya yung bagong girlfriend nitong si Rosh.

Habang nanonood sila biglang natanong ni Jas; "So kala ko mag-kukwento ka tungkol sa bagong naloko mo?"

"Nye, naloko ka diyan. Sinagot niya ako willingly, to naman." sagot niya at natawa nalang ang pareho.

"Tutal nabanggit mo narin. Ayun ayos naman kami. Lagi kami lumalabas, minsan kung ano-ano pa pinag-gagawa namen." habang nagku-kwento itong si Rosh ay tumakbo nalang sa isip ni Jas na pinagsisisihan niya na pinasok pa niya ang tungkol kay Elise.

"Tapos napasayaw pako nun dun sa game sa Quantum. Yung sasayaw? Basta di ko maalala kung ano tawag doon pero ang saya. Hehe." dinagdag pa niya.

"Oh? Napasayaw ka nun? Teka dinala rin kita sa ganun pero di kita napasayaw ah!" hirit naman nitong si Jas, pero agad namang bumawi itong si Rosh at nilambing ang kaibigan niya.

"To naman, ngayon kapa nag-selos. Girlfriend ko siya eh, kung saan siya masaya, gagawin ko. Tapos." sagot ni Rosh. Oo nga naman, naisip ni Jas. Sino nga ba naman siya eh bestfriend lang siya nitong taong ito. Inis na inis noon si Jas pero pinigilan nalang niya at nagfocus siya sa pinapanood nila.

"Tsaka diba dapat ganon naman yun? Kung saan masaya ang taong mahal mo; kesa ayaw mo pa nun oh hinde. Gagawin mo, kasi masaya siya duon eh. Gagawin mo naman lahat ng nakakapagpasaya sa mahal mo, diba tama naman ako?" nabanggit ni Rosh.

Tuloy lang sa pagkwento itong si Rosh tungkol sa kanilang dalawa ni Elise pero tumatatak ang sinabing iyon ni Rosh sa isip niya. totoo nga naman yun, masaya duon yung taong mahal mo eh, so bakit mo pa hahadlangan yun diba? Habang nagkukwento lang itong si Rosh ay tumingin lang sa kanya si Jas. Nakita niya ang tuwa sa mga mata, mukha at pagku-kwento niya; masaya siya. Sobrang niya.

Siya nalang ang naging bukang bibig niya at sinabayan nalang siya ni Jas. Sobra talagang niyang pinagsisihan na inopen niya ang tungkol kay Elise. Pumasok nalang sa isip ni Jas na, baka may papalit na sa kanya. Na baka, hindi na siya ang magpapasaya kay Rosh, na hindi na siya ang laging kasama nito paglalabas siya o manunuod ng movies. Habang iniisip niya ito ay lalong bumibigat ang pakiramdam niya at loob. Kulang nalang eh mapaiyak siya kakaisip nito at idagdag mo pa ang saya ng pagku-kwento ni Rosh. Hindi niya alam kung paano mag-rreact kaya ang tanging nagagawa nalang niya ay manood, at makipagsabayan sa mga sinasabi ng kaibigan niya.

Kung ano-ano na natanong niya hanggang sa maka-tatlong movies sila bago matulog. Nakahiga na sila, si Jas sa kama niya habang si Rosh; dahil nga may girlfriend na, sa sahig nalang piniling matulog di tulad ng dati na magkatabi pa sila. Unti-unti ng nagbabago ang dati niyang nakasanayan pero pinili nalang niyang lunukin at kimkimin ang lahat dahil; doon siya masaya kay Elise; duon masaya ang mahal niya, sa taong; ramdam na niya na, unti-unti na niyang minamahal.

Nakatulog na si Rosh habang si Jas, tumulo na ang luha sa mga mata niya, nasasaktan pero nasabi nalang niya sa sarili niya; "Ok lang ako, sa kanya siya masaya. At least, masaya siya...." hanggang sa makatulog narin siya ng gabing iyon.

All that's leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon