Chapter XLVII: Re-assuring hug

10.8K 84 1
                                    

Lumipas pa ang mga araw sa kaka-simulang semester ng 3rd year. Naka-focus noon si Rosh sa pag-aaral niya at para mapataas ng kaunti ang grades niya dahil sa up-coming International OJT nila. Hindi basta-basta ang napiling bansa ni Rosh dahil requirement dito ang mataas na grade. Sa kanilang mag-babarkada ay 5 silang balak mag-ojt sa labas ng bansa para gumanda rin ang track record nila sa school, at para ma-experience din nila ang abroad.

Sa mga araw rin na lumipas na yun ay ganun parin ang estado ng relasyon nina Rosh at Elise. Away-bati, away-bati. Ginagawa parin lahat ni Rosh ang kanyang makakaya para kahit papano, maayos ang relasyon nila; kahit ramdam niya na parang nababaliwala na siya.

Hindi pa nasasabi ni Rosh ang tungkol sa balak niyang lumabas ng bansa para sa OJT niya kay Elise. Iniisip niya na matutuwa to para sa kanya. Sino ba namang hindi magiging excited kumuha ng OJT tapos sa labas pa ng bansa diba? 

Lumipas pa ang mga araw at nag-aattempt siya na sabihin ito sa Girlfriend niya; pero laging nauuwi sa away oh pagtatalo. Ilang beses narin siyang tinatanong ng mga barkada niya tungkol dito at tila sila ay na-iinis na sa inaasal ng Girlfriend ng kaibigan nila.

"Alam mo yang Girlfriend mo yan, babatukan ko na." banggit ni Janice. Nakatingin lang naman ang iba habang nakikinig sa kanila.

"Grabe, wag naman. Kahit ganun yun, mahal ko yun." sagot naman ni Rosh. Napa-iling nalang ang ilan sa kanila sa sinabi niyang yun. 

"Alam mo Rosh. Alam namin na mahal mo si Elise eh. Pero naman, hindi na normal yang laging pagtatalo niyong yan. Ang pangit ng ganyan." sabi naman bigla ni Austin habang naka-akbay kay Sheryl.

"Hindi maganda sa relationship ang nag-aaway at nagtatalo." sinegundahan naman ni Sheryl habang sinubuan ito ni Austin ng fries.

"Hindi naman mawawala sa mag-syota yun eh. Normal lang yun. Kayo talaga" pagtatanggol pa ni Rosh.

"Tantanan mo nga kami Rosh. Alam namin normal yun. Ang problema kasi, kayo hindi normal. Lagi nalang kayong nag-tatalo. Daig niyo pa nga ata ang mag-asawa eh. Daig niyo pa ata parents ni Gaby." sabi ni Jennifer.

"Teka bat nadamay magulang ko diyan?" biglang tanong ni Gaby at agad namang nagpaliwanag si Jennifer sa kanya.

"Pare, ganito kasi. Kung kami ni Jennifer laging nag-aaway--"

"Wag mo tayong gawing halimbawa, mokong ka." sabi ni Jennifer habang tinulak niya ang mukha ni Lance.

"Kung kami nitong si Jennifer laging magka-away. Eh, pre, ibang-iba naman kami sa sitwasyon niyo. Oo nagtatalo at nag-aaway kami, halos sa lahat ng bagay rin. Pero, at the end of the day, wala lang yun. Eh kayo laging World War 3." tinuloy ni Lance. At agad niyang kinain ang sinusubo sa kanyang chips nitong si Jennifer.

"Rosh hiwalayan mo na kasi. Kami ng mga kaibigan mo ang nag-sasabi sayo. Oo alam namin na mahal na mahal mo si Elise, pero sa na-obersabahan namin simula pa ng Feb at bakasyon. Naku, tama na. Nag-mumukhang tanga ka lang diyan." sambit ni Kim.

"Para kang tanga diyan sa relasyon niyong yan. Ay hinde, mas-matindi kapa sa tanga! Di ka nakakaramdam eh." sabi naman ni Cath. Tahimik nalang noon si Rosh habang kinakausap siya ng barkada niya.

"Rosh di kaba napapagod?" biglang tanong ni Daniel. Napatingin nalang doon si Rosh. Napaisip siya ng kaunti sa sinabi niya. Pagod na nga ba siya? Sa pinag-dadaanan niya ngayon, at sa mga naiisip niya na mga naging away at pag-tatalo nila ni Elise. Mas marami pa ang away kesa sa masasaya nilang sandali.

Ang Kulitan nila sa bahay, date nila nung nakaraan lang, pag-gagala nila sa park nung bakasyon. Ilan lang yun sa magandang alaala nilang dalawa nitong mga huling buwan. Pero mas-natatabunan na to, ng away at tampuhan.

Oo, pagod na siya. Ramdam na niya yun; "Napapagod din ako siyempre." ang sagot lang ni Rosh. 

"Yun naman pala eh. Tama na Rosh. Napatunayan mo na. Feeling ko, at feeling narin namin, si Elise na ang may problema." sabi naman ni Ferdinand.

Ngumiti lang noon si Rosh habang tumungo; "Mahal ko eh. Tsaka wala akong balak magpahinga. Umaasa parin ako na magiging ayos ang lahat." sambit niya. Napa-buntong hininga nalang ang iba sa barkada niya habang ang iba ay napa-iling nalang. Tahimik lang noon si Jas na kasama sila, umiinom siya ng chocolate ng napansin siya ni Jennifer.

"Jas, ikaw nga kumausap rito. Naiinis na kami eh. Sayo baka makinig itong si Rosh." sambit ni Jennifer. Tiningnan lang ni Jas ang paligid at napansin niyang sa kanya na ang atensyon ng buong barkada.

Clinear lang muna ni Jas ang throat niya at tumayo at tumabi sa bestfriend niya. Hinawakan ito sa likod niya at biglang tinanong; "Rosh, kaya mo pa ba talaga?" tanong niya rito. Nakangiti siyang nakatingin rito habang naghihintay siya ng sagot galing kay Rosh. Maya-maya pa ay ngumiti ito sa kanya.

"Oo Jas. Kaya pa." sambit nito. Nakangiti parin si Jas kay Rosh at kahit pa nakangiti ngayon ito sa harap niya, kitang-kita niya ang sakit na tinatakpan nito. 

Bigla siyang nag-lean sa at bumulong sa may tenga ni Rosh; "Alam ko na hirap na hirap kana. Nandito lang ako Rosh, ha? Wag mong kakalimutan yun. Bestfriend mo parin ako." sambit nito at medyo nagulat si Rosh sa sinabing yun ni Jas. 

Hindi nalang niya namalayan na niyakap niya si Jas. Nagulat silang lahat doon sa ginawa niya at isa narin dun si Jas. Hinayaan nalang ng barkada nila silang dalawa. Yung iba umiwas ng tingin at nagbusy-busyhan habang sina Gaby, Kim, Janice at Cath ay nakatingin sa dalawa at tila natutuwa sa dalawa.

Nilasap ni Jas yun. Ngayon niya lang uli nayakap ang taong mahal niya. Napangiti nalang siya habang ramdam niya na nawala ang ngiti ni Rosh. Pumikit nalang siya sa pagkakayap ni Rosh at niyakap niya agad ito pabalik.

Kung alam mo lang. Sana ako nalang, Rosh. papawiin ko lahat ng hirap at sakit na nararamdaman mo ngayon. Hindi ko kayang nakikita kang ganyan. At lalong hindi ko kayang i-tuloy pa ang pag-iwas sayo.  Gusto kong pagaanin ang loob mo. Gusto kitang pasayahin sa abot ng makakaya ko. Ito ang tumakbo sa isip niya habang yakap-yakap niya ang bestfriend niya. 

Ito nalang siguro ang magagawa niya para mare-assure ang taong mahal niya na, magiging okay din ang lahat. Na may tao parin na nandiyan para sa kanya. Gusto niyang i-paramdam yun kay Rosh sa pamamagitan ng pagbalik ng yakap niya.

Maya-maya ay dumating si Casey at agad na napansin ang dalawang mag-bestfriend at napangiti nalang siya. Niyugyog niya bigla si Jennifer ng ilang beses bago siya biglang hinila nito paupo at nag-bulungan ang dalawa.

"Beh, totoo bang mag-bestfreind lang yang dalawang yan?" bulong ni Casey.

"Mahal kasi nitong si Jasmine si Rosh. Pero di niya alam." bulong pabalik ni Jennifer.

"OMG! Tala--"

"Wag kang maingay! Sisirain mo moment ni Jas eh." pag-pigil ni Jennifer sa kaibigan nila.

"Anung meron?" biglang singit na bulong ni Lance. Bigla siya uling tinulak ni Jennifer at kinurot-kurot at kinulit.

Maya-maya pa ay bumitaw na sila sa pagkakayap nila sa isa't-isa at tumahimik nalang silang dalawa habang ang apat na nakatingin sa kanila ay biglang nag-busy-busyhan narin. 

"Oh Casey nadito kana pala." biglang pag-pansin ni Rosh na kinagulat niya.

"Ah oo, nandito na nga ako. Kakatapos lang kasi ng klase namin." sagot niya.

"Asan si Estella? Diba classmate mo siya?" tanong agad ni Rosh.

"Ah parating na siya. Hehe, nga pala Jas kilala mo si Estella?" biglang sabi ni Casey habang umiling nalang ng hindi itong si Jas.

"Ay eto dali, kwento ko sayo." sambit niya at agad niyang kwinento kay Jas ang tungkol kay Estella.

Habang naghihintay sila ay napansin nilang medyo parang gumaan ang itsura nitong si Rosh. Napangiti nalang sila dahil first time nilang makita na medyo magaan ang loob ni Rosh simula pa ng pasukan. Kinausap na nila ito at ngayon ay pinag-usapan nilang muli ang tungkol sa OJT nila.

Naisip nalang ni Rosh na kailangan na niyang sabihin sa Girlfriend niya ang tungkol sa OJT niya abroad at kailangan niya itong masabi agad. Dahil alam niya, na pwedeng pag-mulan ito ng away nila.

All that's leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon