Chapter LIV: Medium well

10.8K 87 0
                                    

Isa nanamang busy night sa hotel restaurant kung saan nag-oojt si Rosh. Todo luto siya sa mga pagkain na inorder sa kusina. 8pm na ng gabing yun, sa kalagitnaan ng busy hour ng restaurant. Naka-focus lang noon si Rosh habang bukas rin ang mga tenga niya sa maaaring i-request ng ibang cooks doon or ng head chef na nagbabantay sa kanila.

Sa mga oras na ito, nakakatulong ito sa kanya para makapag-focus at maalis ang kanyang isipan sa isang ma-kokonsidera niyang magulong sitwasyon. Habang todo luto siya ng isang part ng Entrée ay napansin niyang may waiter na pumasok at nakipag-usap sa head chef. Maya-maya pa habang sinusulyap-sulyapan niya ang paguusap ng dalawa ay biglang lumabas ang mga ito na magkasama. 

Di nalang niyang masyadong binigyang pansin yun at todo luto nalang siya ng biglang may nagtawag sa kanya at nagpapatulong sa isang part ng Entrée. Lumipas ang ilang minuto ng bigla siyang nilapitan ng head chef nila.

"Rosh, quick question. Are you the one who prepared the one with the medium steak?" tanong ng head chef. Sandaling napaisip noon si Rosh at pinunasan ang pawis na nasa noo niya.

"Ah, yes I remember. Yes Chef, I'm the one who did it because sir Michael over there was trying to finish up an order with a customer I think. So he let me do it to save time," sagot niya. Pagkasabi na pagkasabi niya noon ay bigla siyang tinamaan ng kaba at takot. Nagkamali ba siya? Di ba nagustuhan nung customer? Nako lagot na. Nakabasag na siya ng ilang gamit niya noon, tapos dadagdag pa ito. "Is there something wrong Chef?" pagtatanong niya.

"Nothing. Fix yourself up now, and follow me. Wipe that something on your cheeks as well." utos nito. Medyo naguguluhan si Rosh sa nangyayari pero agad siyang sumunod. Maya-maya pa ay sumunod na si Rosh sa may pinto at sabay silang lumabas papunta ng dining area. 

Lumapit sila sa table sa may bandang gitna at doon sumalubong sa kanila ang isang mid 40s na couple at tumayo sila para kamayan ang head chef at si Rosh.

"So this is the chef that prepared your dinner this evening Mr. and Mrs. Smith," nakangiting gesture ng head chef ni Rosh. Nagulat din siya na Chef ang ginamit na title ng head chef nila. Kasi ang naka-assign na titles sa kanilang mga nag-oojt at Cooks lang. "His name is Rosh Buenavide." pagpapakilala niya kay Rosh.

"That's a wonderful name. So Rosh, we will not keep you here for long. We would just like to thank you for the amazing meal we had in this hotel so far." sabi ni Mrs. Smith.

"Yes, what she said Rosh. We have been staying here in Seattle for 3 days now and tomorrow we will be leaving. What you have done is give us a memorable experience by giving us the best steak that we have ever tasted," sabi naman ni Mr. Smith. Napangiti nalang doon si Rosh. "So again, thank you for the meal Rosh and hope that you have good night as well. Oh and hear is a tip." dagdag ng matanda at inabutan siya ng 100 dollars. Nagulat siya sa laki ng ibibigay ng matanda at sandali siyang tumingin sa head chef kung ok lang tanggapin. Ngumiti lang ito sa kanya at nag gesture sa kanya na ayos lang.

"Thank you sir and ma'am. It's really good to hear from you that comments. Have a good night too." sagot ni Rosh sa dalawa at umalis na sila. Bumalik na sila ng kusina at doon ay tinapik siya ng head chef.

"Keep up the good work ok Rosh? Oh and I will allow you to do the final cooking preparatios now as well. Given that you will be able to pull off this kind of work again. Am I clear?" sambit ng head chef.

"Yes sir. I will. Thank you again." nakangiting sagot ni Rosh at agad siyang bumalik sa station niya. Maya-maya pa ay biglang inannounce ng head chef ang nangyari at chineer at congratulations ang narinig niya sa mga kapwa estudyante, maging sa mga amerikanong nagtratrabaho doon. Tumuloy pa ang natitirang oras na masaya siya at lalong ginanahan na mag-trabaho hanggang sa matapos na ang trabaho at agad din silang pinauwi pagkatapos.

All that's leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon