Chapter XIX: Unexpected Chocolates

13.1K 100 0
                                    

Nasa kanya-kanyang klase ang dalawa ni Rosh at Jas. Magkaiba sila ng schedule noon kaya mukhang hindi sila makakapag-sabay ngayon. Pero, ayos lang sa kanila dahil pede pa naman silang magkita kinagabihan.

Sa mga oras na yun ay tila napawi nga ang inis nitong si Rosh sa konting hindi pagkakaintindihan nila ng girlfriend niyang si Elise; pero iniisip parin niya iyon at nag-iisip kung pano siya makakabawi sa girlfriend niya. Tumatakbo sa isip niya na mukhang hindi ito kaya ng simpleng sorry lang at baka lumaki pa ang gulo kung ipilit pa niya ang dahilan niya. 

Habang nasa klase siya noon ay todo isip ito ng paraan kung pano siya makakahingi ng tawad at kung pano niya maayos ang tampuhan na yon. Bilhan ng bouquet? Chocolates? Oh haranahin? Yung flowers parang hindi pa siya sure kung magbibigay siya dahil kahit nagka-girlfriend na siya noon ay si Elise lang ang nabigyan niya ng bulaklak, kaya di siya sure kung gagana to. Sa chocolates naman, iniisip niya kung anong klase; ferrero roches ba na nakalagay sa heart oh chocolate cake na hugis heart?

At sa harana naman; marunong naman siya mag-gitara. Ang tanong lang duon ay kung may oras pa siya lahat na gawin ang mga paghahanda dahil ayaw niya na pahabain ng ilang araw ang tampuhan nila. Siya kasi yung tipo ng lalaki na hindi niya palalampasin ang araw na magka-away oh magka-tampuhan sila ng taong mahal niya. Lahat naman ng lalaki ganun at dapat ganun.

Lumipas na ang isang klase at sa susunod ay ito parin ang tumatakbo sa isip niya; ano nga ba dapat niyang gawin; bigyan siya ng chocolates? bouquet ba? Oh haranahin nalang niya. Mababaliw na siya kakaisip rito at napapansin na siya ng barkada niya.

Kinuhit siya ni Kim at bumulong; "Huy, ok ka lang? Yung kuyakoy mo grabe na tsaka para kang tanga diyan. Palinga-linga ka"--

"Miss Pangilinan is there something wrong? Do you mind sharing it to the entire class?" pag-sita ng professor nila na siya naman kinagulat ng dalawa at paglingon ng mga kaklase nila.

"Ah...eh...hehe... ah kasi sir--"

"Ah... kasi sir, m-masama po pakiramdam ko"-- umubo kunwari --" Chinecheck lang po ako ni Kim." at pagkukunwari niya dahil kanina pa naman siya nakatungo. Pinang-gulatan siya ni Kim at gumanti din naman ito ng pang-gugulat.

"Ah, ganun ba iho. Ok, go to the clinic now or better yet; go home. Since I believe this is your last class of the day. So go home." utos ng professor niya. Nagkunwari-kunwarian siya na mahina at agad na inayos ang mga gamit niya habang nakatingin lang ang barkada niya.

"Thank you po sir." pagpapaalam niya at nag-ikay-ikayan siyang lumalabas at pagkalabas na pagkalabas niya ng pinto ay agad siyang tumakbo pababa at palabas ng building habang nagpatuloy naman ang buong klase.

Habang tumatakbo siya pababa at pagkalabas na pagkalabas ay nakita siya ni Jas na kakatapos lang ng huling klase niya. Sisigaw na sana siya para tawagin si Rosh pero nakita niya at napansin ang mukha nito na tila may-pagalala. Di nalang niya tinuloy at hinayaan nalang niya si Rosh na makalayo at mawala. Nalungkot siya noon dahil naiisip na niya kung ano ang dahilan nito, at hindi na siya nagtagal pa sa pagkakatayo niyang iyon at piniling umuwi nalang. 

------------------------------------------------------

Habang natakbo noon si Rosh palabas ng FEU ay agad siyang dumeretyo sa sakayan ng jeep papunta ng SM San Lazaro dahil napagdesisyunan na niya na ibili nalang siya ng chocolates. Habang nakasakay na siya ay agad siyang nagbayad ng pamasahe niya at iniisip nalang niya na sana ay magustuhan niya ito at magbati na sila.

Ilang minuto ang nakalipas at nakababa na siya ng jeep malapit sa SM at agad nanaman niyang tinakbo ito. Gabi na kasi noon kaya nagmamadali siya dahil baka wala na yung chocolates na bibilin niya. 

Hingal na hingal na siya kakatakbo at tumigil ng ilang beses para habulin ang hininga niya bago siya tumakbo ulit. Nakapasok siya ng SM at dumeretyo siya sa supermarket sa baba at sa pagmamadali niya ay muntik na siyang makabangga ng ibang customer roon. Nag-sorry siya at tumuloy na siya ng supermarket. Iniwan niya ang bag niya sa baggage counter at agad na dumeretyo malapit sa may chocolates. Agad siyang nag-browse at nakita niya yung hinahanap niya na chocolates; Ang Ferrero Rocher.

Tumigil siya sa harap noon dahil dalawa yung pinapamilian niya. May normal na see-through at may isa na mas-marami at mas malaki. Sa pagiisip niya ay may isa ng customer na akmang kukuha ng isa at napasigaw nalang siya.

"Akin!" sigaw niya na kinagulat ng babae at kinuha niya yung pinakamalaki. Naglakad nalang siya ng mabilis noon dahil pagod na pagod na siya at dumeretyo ng counter. Nagbayad siya at agad na kinuha yung bag niya. Tinitingnan niya lang yung chocolate na may ngiti sa mukha niya.

"Magbabati na kami nito, sure yun." pagpapalakas ng loob niya noon sa sarili niya. 

Agad siyang sumakay ng taxi at dumeretyo siya ng bahay nina Elise. Nakangiti siya noon at medyo relaxed na kasi nga iniisip niya na magbabati na sila.

Nakakaisip na siya ng scenario noon; t-text niya si Elise at sasabihin niya na nasa labas siya ng gate nila. Lalabas si Elise at makikita si Rosh na hawak ang ferrero. Magugulat siya at ma-ttouch dahil dito ay tatalunin siya nito para yakapin at halik halikan dahil bati na sila noon. 

Ah ang imagination nga naman nitong si Rosh. Pagtumakbo nga naman ito ay talagang napaka-wild. Nakatulala lang siya sa bintana ng taxi habang nakangiti ng bigla na siyang tinapik ng malakas nitong taxi driver.

"Ser, dito na tayo oh. Bayad ho." sabi ng driver. 

"S-sorry. Eto po. Thank you." ang sagot naman nitong si Rosh at agad na nagbayad at lumabas ng taxi. Binunot niya ang phone niya at agad na dinial ang number ni Elise. Hindi rin nagtagal ay sinagot n a ni Elise ang phone.

"Baby nadito ako sa labas ng gate. Buksan mo dali, may ibibigay ako." sabi ni Rosh na may saya sa tinig nito. Pero mukhang hindi natuwa itong si Elise at hindi lang nagsalita bago niya binaba ang phone. Nagulat si Rosh pero ine-expect na niya na hindi pa sila ok. Pagkabigay niya ng chocolates ay siguradong sigurado siya na magbabati sila. 

Huminga siya ng malalim at tinago niya ang ferrero sa likod niya at nakangiting naghihintay kay Elise sa labas ng gate. Bumukas ang pinto nito at doon lumabas asi Elise na naka-pony tail lang at nakapambahay. Binuksan ang gate pero hindi niya ito pinapasok at lumabas rin lang ito at crinoss ang mga braso niya.

Hindi siya nito tinitingnan pero nakatingin lang itong si Rosh na may ngiti sa mukha niya.

"Baby sorry na. Di na mauulit." sinabi niya.

Pero hindi ito sumagot at tila nagpapasuyo pa. 

"May regalo ako sayo." ang sambit ni Rosh at pinakita niya ang hugis heart na ferrero. Nagulat si Elise at tila umilaw ang mga mata nito. Napangiti at tiningnan si Rosh.

"Bati na tayo please? Sorry na." sambit muli nitong si Rosh. Kinuha ni Elise ang chocolates at nakangiti na kay Rosh. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon; bigla nitong inirapan si Rosh at dumeretyo papasok ng bahay ng walang sinabi at pinagsarhan ng gate at pinto.

Natulala lang noon si Rosh dahil hindi niya alam ang nangyari. Iniisip nalang niya na mukhang di pa sapat ang ginawa niya kaya napagpasiyahan nalang niyang umuwi. Malungkot siya noon habang paalis na at sinilip lang ito ni Elise sa bintana nila.

---------------------------------------------------------

Sa likod ng pinto ay sumandal itong si Elise at yakap yakap niya ang chocolates at halatang kinikilig. Agad nalang siyang umalis at umakyat ng kwarto niya.

All that's leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon