Chapter XLI: 15th of February

9.6K 68 2
                                    

Araw na ng birthday ni Rosh at kakagising lang niya. Bumangon agad siya at agad na nagluto ng noodles. Kumuha ng maiinom at agad na binuksan ang computer niya habang nagluluto pa siya. Pagbukas na pagbukas niya ng Facebook ay agad na sumalubong sa kanya ang maraming post na bumabati sa kanya.

Ilang minuto ang lumipas at kinuha na niya ang noodles niya at kumain sa harap ng computer at agad na binasa ang mga bati sa kanya. Napaka-generic ng mga bati sa kanya, pero na-appreciate niya naman ang mga yun at nag-reply na siya sa mga ito ng thank you. Ng matapos na siyang kumain ay agad naman siyang tumayo; niligpitan ang kinainan niya at naligo na rin siya agad.

Natapos na siyang maligo at agad na siyang nag-handa. Pagkatapos nito ay dumeretyo na siya ng school. Chill lang si Rosh buong umaga noon at ng makarating siya ay agad siyang binati ng barkada niya sa birthday niya. Sinabi pa ng mga kaibigan at kaklase niya  ang birthday niya sa mga prof nila kaya tuwing klase ay kinakantahan siya ng pagbati. 

Napapangiti nalang si Rosh tuwing gagawin yun hanggang sa dumating na ang long break nila. Agad silang pumunta sa ibaba at dumeretyo sa Jollibee. Pagkadating nila doon ay agad na sumalubong kay Rosh ang iba sa barkada niya at si Jas na may hawak ng pizza. Napangiti nalang si Rosh doon at natuwa sa ginawa ng barkada niya at duon ay nag-simula na silang kumain.

Habang kumakain sila ay nagkukulitan sila at maya-maya pa ay binigay na ng ilan sa barkada niya ang regalo nila sa kanya. Si Sheryl ni Janice ay nag-share sa regalo nilang t-shirt sa kanya. Si Austin naman ni Lance ay nag-share din at binigyan nalang siya ng steam voucher na nagkakahalaga ng 1.5k na siya namang kinatuwa ni Rosh. Sina Gaby, Jennifer, Cath, at Kim naman ay niregaluhan siya ng hat at nag-handa rin sila ng video para sa kanya.

Habang pinapanood nila ito ay nagtatawanan naman sila dahil kinantahan siya ng mga ito ng happy birthday at kung ano-ano pa. At ang pinakahuli, si Jas ay niregaluhan siya ng handmade na stuff toy na galing sa larong Ragnarok na Poring. Napangiti nalang ito at niyakap si Jas habang pinag-tripan naman silang dalawa ng barkada nila. 

Pagkatapos noon ay inupakan na nila ang natitirang pizza. Nag-haharutan parin sila at nagkukwentuhan habang si Rosh naman ay kausap lang at kakulitan itong si Jas.

"Oh eh ano balak mo ngayong araw?" biglang natanong ni Jas.

"Ah, sa bahay naman. Pupunta si Baby eh. C-celebrate namin ng kami lang. Hehe." sabi ni Rosh habang chinecheck din niya ang phone niya. Di na ito pinansin ni Jas dahil medyo nasanay narin siya.

"Ah ganun ba, oh sina tita at tito ba. Tinawagan kana?" natanong lang ni Jas.

"Di pa eh, pero mamaya siguro. Pero baka busy yung mga yun. Pero baka mamaya talaga." sabi ni Rosh at natawa naman ni Jas.

"Ano ba talaga? Tatawag oh hinde?" sabay tawa ng dalawa at sumubo ng pizza na kinakain nila. Nakatingin nalang si Jas sa mga kaibigan niya at ini-ignore nalang niya na mamaya ay magkasama uli itong dalawang magsyota na yun. 

"Oh Rosh asan si Elise, diba pupunta?" biglang tanong ni Daniel. 

"Ah, mamaya pa kami sa bahay mag-ccelebrate. May reregalo daw sakin eh." sagot na nakangiti itong si Rosh.

"Ah, eh alam na!" sabay batok agad nitong si Jennifer sa kanya; "Masakit yun ah!" sigaw ng mahina ni Lance kay Jennifer.

"Sisigawan moko!?" pagtataas ng boses nitong si Jennifer.

"Hindi, sorry na. Hehehe." sagot naman ni Lance at nilambing agad niya itong si Jennifer at natawa nalang ang lahat. 

"Kayo talagang dalawa. Kayo na ba?" biglang singit nitong is Jas.

"Ha!? Ayoko nga, gago to eh." pag-tanggi ni Jennifer pero agad namang kumontra ang ilan at natawa nalang.

"Teka-teka wag niyong agawin ang atensyon kay Rosh. Araw niya to! Woo!" biglang baling ni Jennifer ng atensyon at natawa nanaman ang iba. Tuloy lang sila sa paghaharutan noon habang si Rosh naman ay nakangiting nanonood sa kanila.

Nagpatuloy pa ang buong araw na ganun sila hanggang sa nag-uwian na sila. Agad na umuwi itong si Rosh para mag-handa ng makakain nila at mapapanood. Bumili siya uli ng pizza, tapos cake tapos magluluto pa siya sa bahay para lang sa pagdating ni Elise.

Habang ginagawa niya ang mga pag-hahanda sa bahay niya ay chine-check niya ang phone niya para sa text nito. Wala parin text noon si Elise pero nakangiti parin si Rosh. Iniisip nalang niya na gusto niya na batiin siya nito ng magkasama sila.  

Ng matapos na siya ng pagluluto ay agad naman niyang sinunod ang pag-aayos at pagche-check ng apartment kung may dapat pa siyang ayusin. Ng makita niyang handa na ang lahat pati ang pagkain ay nagpahinga na siya ng konti at naghintay narin sa Girlfriend niya. 

8:00pm na noon ng matapos siya at naghihintay nalang siya. Kakalipas din lang ng Valentines Day noon at hindi sila magkasama. Pero sure naman siyang makakabawi sila sa isa't-isa ngayong araw at sa paparating na 5th monthsary nila. Nanood muna siya ng TV noon para libangin ang sarili habang naghihintay.

9:00pm na at nanonood parin siya ng TV. Medyo nag-aalala na siya dahil hindi parin dumadating ang Girlfriend niya. Ni-text or tawag wala. Tumayo siya at ininit niya ang mga pagkain at pinasok ang mga inumin sa ref para lumamig uli. Chineck niya ang phone at talagang wala parin. Tumingin siya sa labas ng bintana at maayos naman ang gabi. Nag-baka sakali nalang siya na paparating na siya. Ng wala pa ay naisip nalang niya na tumambay sa may bintana habang nanonood at pinalipas parin niya ang gabi.

10:30pm na at wala parin siya. Nag-aalala na talaga si Rosh. Tinatawagan din niya ito at tinetext pero hindi sinasagot ni Elise ang lahat. Di na siya mapakali sa paghihintay niya at agad naman siyang nagbihis habang dinadial parin ang number niya. 

Palabas na siya ng pinto noon ng tatawagan niya uli sana si Elise ng bigla siyang nakareceive ng text galing dito.

Agad niyang tiningnan at binasa ito; Baby sorry kakauwi ko lang. Ksama ko yung barkada ko, WOO! first time ko sa club at may nakita pkong mga artista! Saya-saya. Sige na Baby pahinga nako ha, goodnight po.

Nagulat nalang si Rosh noon at natigilan siya habang tahimik nalang siya. Di nalang niya pinansin ito at agad niyang tinago ang phone niya.

Nainis bigla itong si Rosh at agad niyang sinara ang pinto ng malakas. Sumama ang loob niya dahil sa pag-aalala niyang yun ay galing lang pala sa ibang lugar lang ang Girlfriend niya. Hinubad niya ang ayos niya at agad na pinatay ang ilaw. at umupo nalang siya sa may computer. Nilapag niya ang phone niya malapit sa monitor. 

Di niya alam kung magagalit ba siya or what. Di niya rin maalala kung nag-paalam ba sa kanya ito na pupunta siya. Pero higit sa lahat, na kay Elise mismo ng galing; na pupunta siya. Pero naudlot ito at pinili nalang niya na pumunta sa ibang lugar. 

Pinakalma nalang niya ang sarili niya at pagkatapos noon, ay agad na bumuhos ang lungkot. Di narin siya nag-abalang mag-text rito. Di niya alam kung ano ang i-isipin niya at higit sa lahat; di niya alam kung magagalit ba siya or hinde. Dahil sa mga oras na yun, nalulungkot siya na hindi nakadating ang Girlfriend niya sa birthday niya; at ang masakit pa nito, ay tila nakalimutan yun ni Elise.

End of Act 4.

All that's leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon