Chapter XXI: God Damn You're Beautiful

12.9K 109 1
                                    

Mga ilang araw rin ang lumipas at hindi na nagtext or tumawag man lang itong si Rosh kay Elise. Nag-aalala na siya noon dahil ilang araw narin yun nung huli silang nagkita at tila nangangamba na siya. Kasama lang niya ang mga kaibigan niya buong araw, hanggang sa mga klase niya noong umagang iyon pero yun parin talaga ang tumatakbo sa isip niya. Chinecheck rin niya ang phone niya ng mga huling araw pero tila walang balak magtext or tumawag ang Boyfriend niya. 

Nag-eexpect siya na tatawagan siya nito, or ittext manlang ngayong araw na to, and 2nd monthsary nila pero tila wala talaga. Nalulungkot na siya noon at wala narin sa sarili. Ni hindi na siya makapagfocus sa classes niya kakaisip at kakacheck ng phone niya hanggang sa napagdesisyunan niya na siya nalang ang magtext sa Boyfriend niya. 

Hi Baby! Di ka na nagtext or tumawag nitong mga huling araw :(. Miss na miss na kita. Sorry na po sa ginawa ko nung isang gabi oh. Di ko rin alam kung bakit ko ginawa yun. Text ka nanama oh. I mish you na po :( 

Tapos nilapag nalang niya ang phone niya sa may desk niya at sinimulan na gawin ang pinapagawa ng professor. Tila di siya mapakali noong mga oras na yun at tingin lang siya ng tingin sa phone niya pero wala parin reply itong Boyfriend niya. Nagpapanic na siya sa loob-loob niya dahil baka napagod na ito dahil sa ginawa niya. Napakagat nalang siya sa kuko niya habang ginagawa ang seatwork nila at ssulyap siya sa phone niya. Wala parin. 

Mukhang wala na siyang pakialam sabi niya sa sarili niya. Lalo siyang na down noon hanggang nag lunchbreak na nga. Sumama lang siya sa tropa niya pero wala siyang gana. Nakaupo lang siya doon at tulala. Kinakausap na siya ng kaibigan niya pero wala parin. "Ok lang ako" ang sagot niya. Pagkatapos noon ay bumalik sa paguusap ang barkada niya habang siya naman ay panay parin ang check niya sa phone niya. 

Dahil hindi siya mapakali ay bigla siyang tumayo at sinabihan ang mga kasama niya na saglit lang siya. Lumayo siya ng kaunti at nagpasyang tawagan ang Boyfriend niya. Habang nag-rring ay halatang na-iirita na siya dahil hindi sumasagot itong si Rosh. 

"Leche naman oh! Aaahhh!" sigaw niya. Pinagtitinginan na siya ng ibang estudyante dahil doon at nagpasyang bumalik nalang siya sa mga barkada niya. Galit na siya noon dahil walang text, walang tawag, at ni tawag niya hindi sinasagot nito. Tinitingnan nalang siyang muli nitong barkada niya habang yung isa ay chineck ang phone niya at biglang napangiti. Pinakita nito sa iba niyang kaibigan at napangiti narin lang ang iba.

Nagtinginan muna ang ilan sa kanila pagkatapos ay sinignalan na nila ang kaibigan nilang babae. Nagtext saglit ang babae bago kinausap itong si Elise.

"Tara na. Anong problema mo?" pag-aaya ng kaibigan niya at agad naman silang tumayo.

Habang naglalakad ay kwentong-kwento itong si Elise kung anong nangyayari at todo kinig naman ang mga kaibigan niya. Habang nagkukwento siya ay hindi niya agad na napansin na nasa may basketball court na pala sila, palabas ng campus at napatanong nalang siya.

"Teka doon tayo sa kabilang building ah? Bat lalabas tayo?" tanong niya at dahil nga nakatingin lang siya sa harap; paglingon niya sa likod niya ay malayo na ang mga kaibigan niya. Nagtataka si Elise kung anong nangyayari at agad niyang tiningnan ang paligid niya.

May mga taong naglalagay ng malalaking speakers sa bawat end ng basketball court, habang may ibang estudyante naman na nakatingin lang sa kanya dahil nga; nasa gitna siya ng court. Nagtangka siyang umalis at dumeretyo sa mga kaibigan niya ng biglang tumunog ang speakers, at nagsimulang tumugtog ang kantang God Damn your Beautiful ni Chester See.

Natigilan siya rito dahil pamilyar ang tumutunog, narinig na niya ito nung hinatid siya ni Rosh pauwi at talaga namang nagustuhan niya ang kantang ito at napagdesisyunan nila na gawin itong theme song nila. Pero ang tumutunog ngayon medyo iba, parang live sa pandinig niya. Maya-maya pa ay narinig na niya ang lyrics at lalo siyang natigilan ng marinig niya na si Rosh ang kumakanta.

Namumugto na ang mga mata ni Elise sa sobrang gulat at hiya at tuwa na nagsama-sama na sa kanyang dibdib. Di niya alam kung pano magre-react. Maya-maya habang patuloy lang sa pagkanta itong si Rosh pero wala parin siya sa mismong court ay may ilang estudyante ang biglang lumapit at nag form ng hugis heart. At sa mga kamay nila  ay  mga teddy bears na may nakasulat sa mga dibdib nito at nilapag nila at nagform muli ng hugis heart.

Napapaiyak na itong si Elise at mula sa umpukan ng mga estudyante na nanonood at nagvvideo ng mga pangyayari ay lumabas ang pamilyar na mukha; si Jas. Nakangiti ito sa kanya at nilapitan na may hawak siyang bouquet na may sulat. Kinuha ni Elise ito at napayakap nalang kay Jas ng biglang bumukas na ang gates.

Isang pickup truck naman ang pumasok mula rito na ang driver ay ang isa sa mga barkadang lalake ni Rosh. Inikot nito saglit ang truck at doon, sa likod; nag-gigitara at nakatayo; si Rosh. Todo kanta at panghaharana kay Elise. Natuwa habang naiyak na itong si Elise na sinosoportahan nitong si Jas. At umeksena na ang mga barkada nitong lalaki para bigyan ng matatapakan itong si Rosh para makababa. 

Tumitili na at naghihiyawan ang mga nanonood sa ginawang eksena nitong si Rosh habang hinaharana parin nito si Elise. Nakasuot pa siya ng t-shirt na may picture nila ni Elise. Unti-unting lumalapit itong si Rosh hanggang sa matapos ang kanta at nagsimulang lumayo itong si Jas. 

Nakangiti nalang itong si Elise, pinalo ng mahina gamit ang bouquet. Napatawa nalang ang dalawa dahil patuloy sa pagtugtog ang iba niyang barkada sa likod ng pick up truck. Inabot na niya ang gitara at agad na lumapit ang isa niyang kaibigan para kunin ito at agad na lumayo. 

Hinawakan ni Rosh si Elise sa mga braso nito at nagsimulang magsalita; "Hi Baby. Sorry kung hindi ako nakapagparamdam sayo nitong mga huling araw. Inaayos ko kasi itong inihanda ko para sayo, at para narin sa monthsary natin." sambit niya. Nagulat siya lalo, akala niya kasi nakalimutan ni Rosh na monthsary nila ngayong araw kaya napaiyak nanaman siya at napasandal nalang kay Rosh.

"Happy 2nd Monthsary Baby. Oo na; 2nd monthsary palang ganito nako. Wag kang magalala, simula ngayon mag-bibigay todo nako sa effort para lang mapadama ko sayo na Mahal Kita."-- at biglang nagtilian ang mga nanonood; --"Sorry rin sa nagawa ko nung isang araw. Wag kang mag-alala. Simula ngayon papaalam ko na talaga lahat sayo ok?" sabi nito habang hagulgol na sa pagiyak itong si Elise at nakayakap nalang sa boyfriend niya. 

Hinalikan ni Rosh si Elise sa ulo nito at sinabi; "Happy 2nd Monthsary ulit, and I love you Baby. At alam na ng mundo yan." at nagtilian nanaman ang mga taong nanunuod. Tumingin ng nakangiti itong si Elise sa Boyfriend niya at nag-kiss sila na siya namang lalong ikinatili ng mga nanood.

Hindi iyon inaasahan ni Elise. Masasabi na nga nito na ma-swerte siya sa Boyfriend niya at napagdesisyunan na mamahalin pa niya ito lalo. 

Si Jas naman na nakangiti, habang pinapanood silang dalawa ay sa loob-loob niya ay nasasaktan siya; pero nilunok na niya ang lahat ng iyon at hinayaan nalang niya na tumulo ang luha niya; habang itinatago ng ngiti niya; ang tunay na nararamdaman niya.

End of Act 2.

All that's leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon