Chapter XXXV: Couch & Cakes

10K 79 0
                                    

Nung mga oras na yun ng magkasama itong dalawa ni Rosh at Elise. Pero tila parang wala siya roon. Parang nasa ibang lugar ang pag-iisip niya. Di ito napapansin ng Girlfriend niya dahil naka-focus lang siya sa panonood nila ng TV. Nakatingin si Rosh sa TV, pero iba ang nasa isip niya. Di parin maalis ni Rosh sa isip niya bakit parang naninibago siya sa kinikilos ng bestfriend niya na si Jas. 

Dati naman ginagawa niya ito; pero pakiramdam niya may iba. Parang may iba siya ngayon na dahilan kung bakit tila; parang iba trato nito sa kanya. Biglang bumangon itong si Elise para kumuha ng juice sa ref habang si Rosh naman ay tila wala paring reaksyon.

Bumalik na si Elise at biglang umupo at yumakap kay Rosh at dito ay nakakaramdam na siya na parang may ibang iniisip ang Boyfriend niya. Nilambing niya ito at kiniss ng kiniss sa cheeks at sa iba't-ibang parte ng mukha niya. Medyo nakulitan na noon si Rosh at natuwa at nagkulitan na sila sa couch. 

Kiniliti nitong si Rosh ang Baby niya habang pilit parin ito na i-kiss siya. Nagtawan lang sila at nag-kunwari itong si Rosh na inaantok at humiga sa ibabaw ni Elise. Tawa lang ng tawa noon itong Baby niya at pilit na tinutulak itong is Rosh.

"Hahaha Baby ang bigat mo!" sambit niya habang pilit parin niyang tinutulak si Rosh.

"Inaantok ako....zzzzzz" sagot naman ni Rosh ng naka-ngiti at humilik pa siya kunwari. Ang sarap ng tawa nitong si Elise. 

Ang tagal niyang nakahiga habang pinagti-tripan lang nitong si Rosh si Elise. tawa lang siya ng tawa. Tuwa itong si Rosh dahil nga ang sarap ng tawa ng Girlfriend niya. Di mo alam kung nakikiliti or natutuwa. 

Maya-maya biglang bumangon itong si Rosh at tiningnan lang niya si Elise ng may ngiti; habang tawa parin siya ng tawa. Hinalikan niya si Elise sa labi at muling ngumiti pagkatapos.

"I love you." sambit bigla nitong si Rosh.

Napangiti si Elise at hinawakan si Rosh sa mukha; "I love you too." sabay ngiti at yakap muli kay Rosh.

Ang tagal din niyang yakap si Rosh bago sila umayos ng upo at nag-lambingan parin sila. Sumandal itong si Elise habang hinila niya si Rosh at pina-dantay sa kanya. Nagustuhan naman ito ni Rosh at yumakap rin pabalik kay Elise habang nilalaro nito ang buhok niya.

"Baby, kanina kapa tahimik. Buti napangiti at napatawa na kita." sabi bigla ni Elise. Nagulat naman itong si Rosh, akala niya kasi di nito napansin na kanina pa siya may iniisip. Di nalang siya nag-salita at hinayaan nalang itong si Elise.

"Baby, may problema ba school mo?" dagdag niya. 

"Wala Baby, may iniisip lang." sagot nito.

"Ano naman yun?" 

"Wag mo na intindihin Baby, sa laro ko lang yun." sabi niya ng tumingin siya kay Elise. Mukhang nag-aalala siya, kaya nag-sinungaling nalang si Rosh. White-lie lang naman yun, kaya ayos lang.

"Ok Baby. Basta, kung may problema ka; nandito lang ang Baby mo." sabay halik kay Rosh. "at gagawin ko lahat mawala lang yan." at halik uli sa may bunbunan naman ni Rosh. "at makalimutan mo lang yan." sabay halik sa labi ni Rosh.

Tumingin lang si Elise sa kanya pagkatapos ng paghalik niya. Naka-ngiti narin lang kay Elise itong si Rosh at hinaplos ang pisngi niya.

"Swerte ko talaga sa Girlfriend ko." sabi ni Rosh.

"Talaga! Hehe" sabi nito at niyakap niya si Rosh. Maya-maya pa ay tiningnan ni Elise ang wrist watch niya.

"Baby sobrang gabi na, 10:30 na oh, hatid mo nako sa bahay." sabi ni Elise sabay tayo agad at naghanda.

"Sige Baby mag-ayos kana. Hintayin na kita." 

"Sige Baby wait moko." sagot naman nitong is Elise. At agad silang naghanda para makauwi na itong si Elise.

------------------------------------------------------------------

10:30 na noon ng makarating itong tatlo ni Jas, Jennifer at Lance sa apartment niya.

"Thank you sa paghatid." sabi ni Jas.

"Mag-isa ka lang dito? Grabe ah, mga minsan punta kami dito. Di pa kasi kami nakakapunta kay Rosh eh." tanong ni Jennifer.

"Wala kaba talagang kasama Jas?" tanong din agad ni Lance.

"Ah oo eh. May nagba-bantay din naman sakin dito. Kaya ayos lang ako." sagot naman ni Jas.

"Sino nagbabantay sayo?" agad na tanong ni Jennifer.

"Si Rosh." sagot niya na naka-ngiti at nakatungo.

"Kaya pala minsan sobrang aga niya umuwi! Dito pala siya dumederetyo!" sambit ni Jennifer.

"Grabe alam ba ng parents mo yan? Iba rin tiwala nila kay Rosh ah." sabi ni Lance.

"Oo, nga pala. Pasok muna kayo, late narin naman eh. Tsaka alam ko wala kayong pasok bukas, tama?" sambit ni Jas ng nabuksan na niya ang gate.

"Sige ba. Pa C.R. narin Jas." sabi ni Lance ng akmang papasok na siya.

"Ano kaba nakakahiya!" pagpigil at paghila ni Jennifer kay Lance.

Natawa lang itong si Jas bago magsalita; "Ano kaba ayos lang. May pagkain din ako dito."

"Sabi ko nga sayo Lance eh! Pumasok na tayo, ang bastos mo! Pag inaya ka sa bahay ng ibang tao, wag kang bastos! Tara na Jas!" pangangatwiran ni Jennifer at agad na pumasok na i-kinagulat naman nitong dalawa bago sila natawa at umakyat.

Ng maka-akyat sila ay agad silang umupo sa may sala at nag-offer si Jas ng cake at juice. Habang kumakain sila ay di nila maiwasang mapansin ang apartment ni Jas.

Umupo sa may computer niya si Jas at napansin niya na kanina pa palinga-linga itong dalawang bisita niya. Nahiya bigla itong si Jas at tumayo at inayos ang ilang gamit na nakakalat.

"Pasensya na ah, medyo magulo ang apartment. Teka." sabi niya.

"Nako Jas, sobrang linis nga ng apartment mo eh, pag nakita mo yung apartment ko baka bawiin mo sinabi mo." sambit ni Lance habang kumakain.

"Grabe Jas, ang dami niyo namang pictures ni Rosh." sambit bigla nitong si Jennifer. Napatingin lang itong si Jas sa may pictures nila at napansin nga niya na marami nga.

"Ah, kasi nga kababata ko siya. Kilala rin siya ng parents ko eh, kaya nga kampante sila sa kanya." biglang nasabi ni Jas.

"Wow ang close naman pala talaga. Pati family ayos. Nagtataka tuloy ako, bakit di ka niya niligawan. Ganda mong yan. Kung ako siya; pina--"

"Papatusin mo?" biglang binatukan nitong si Jennifer si Lance.

"Aray ko ah, hindi. Sorry, ano pinapasalamatan ko si Lord! Yun! Ikaw talaga di moko pinapatapos eh." pag-bawi nitong si Lance at tumuloy lang silang kumain habang natawa lang bigla itong si Jas.

"Bat ka natawa diyan?" tanong ni Jennifer.

"Ang cute niyo kasi. Hehehe" sambit niya. Natawa nalang silang tatlo at tinuloy nila ang pagkukwentuhan ng gabing yun.

All that's leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon