Chapter L: Anniversary

10.8K 76 3
                                    

Papalapit na ang araw ng performance. Todo practice itong dalawa ni Rosh at Jas para s performance nila. Pinagsisikapan nilang dalawa para sa magandang OJT nitong si Rosh, at hindi niya ito hahayaang makalampas.

Di siya gaanong distracted noon dahil di rin sila gaanong makapagusap ni Elise. Sanay na si Rosh na ganun sila. Sanay narin siya na pabago-bago sa kanya ang trato ng Girlfriend niya. Kahit parang di na tama, hinayaan nalang niya ito dahil umaasa parin siya na maayos pa ang relasyon nila.

Pero sa ngayon muna, ay naka-focus si Rosh sa performance nila ni Jas hanggang sa sumapit na nga araw na yun. Lahat ng mag-peperform sa klase ay pinalabas muna ng professor nila at doon pinaghintay. Lumipas ang ilang minuto ay sumunod sa kanila ang professor nila na may dalang sumbrero at shinashake niya ito at kasama ang mayor ng klase.

Kinakabahan ng kaunti noon si Rosh pero agad naman niya itong kinalimutan at napa-hinga nalang siya ng malalim. Mukhang magbubunutan muna sila para malaman an pagkasunod-sunod nila. 50/50 ito para sa kanila ni Jas dahil pede niyang mabunot ang pinaka-malayo na numero.

"Ok guys, we are going to do this like you are in a competition." sambit nitong prof nila ng lumapit ito sa kanilang dalawa ni Jas.

Bubunot na sana si Rosh ng number ng biglang binawi ng prof niya ang sumbrero, na kinagulat niya. "Mr. Buenavide, balita ko ay maganda ka raw kumanta," napanganga nalang si Rosh, "at nabanggit din ng barkada mo that, kasama si miss?" tumingin bigla ito kay Jas.

"Ay, Ms. Jasmine Ressurecsion po." sagot nito na may ngiti.

"Ms. Ressurecsion here, you two will be even better! Kaya I, the mayor, and the entire class decided that, you will perform last as the main event. Ok?" sabing professor nila. Nag-cheer naman ang classmates ni Rosh, habang siya naman ay napanganga nalang, at si Jas ay nakangiti nalang katabi niya.

Kahit kailan talaga pinapahamak siya ng barkada niya. Lagot sila mamaya sa kanya. Pumunta na silang dalawa sa likod habang nag-aayos na sa pila ang classmates niya at pagkatapos ng bunutan nila, ay sinimulan na ng prof nila ang kanilang mini talent show.

Nag-simula ng pumasok ang ilan sa classmates niya para mag-perform. Naririnig nilang dalawa ang pagkatuwa, galak, at pag-cheer ng klase para sa mga nagpeperform. Hindi nag-tagal ay narinig na sila ng ibang klase na nagkataon naman na halos wala ng ginagawa. At nag resulta pa sa pagsasama ng dalawang klase.

Na-lintikan na ang mga magpe-perform, lalo na si Rosh. Ayos lang sa kanya kung sa buong klase niya eh, pero dumagdag pa ang klase nina Austin at Lance na lalo namang kinakabog ng dibdib ni Rosh. Lalo tuloy silang na pressure dahil sa pag-dami ng tao. lalo na sina Rosh at Jas na malapit-lapit ng mag-perform.

Unti-unti ng naubos ang mga kakanta, sasayaw oh kung ano mang talent ang gagawin nila hanggang sa silang dalawa na ni Jas ang mag-peperform. Di muna agad sila pinapasok doon sa room. Nagtataka si Rosh kung bakit, kaya sinilip na niya ang loob ng classroom mula sa  bintana ng pinto.

Anak ng leche at may introduction pa ang barkada niya. Sagad na talaga itong mga ito kay Rosh habang tinawanan nalang ni Jas itong naiinis niya na partner. Umugong ang classroom ng pag-cheer at yun ang naging cue nila para pumasok.

Nagpapalakpakan ang mga nasa loob. Sa harap ng classroom ay may naka-handa ng keyboard, gitara at may microphones rin. Talagang medyo sinamantala ni Jas ito dahil minsan lang to. Umupo na si Rosh at kinuha ang gitara habang si Jas naman ay sandaling inayos ang keyboard.

Ng handa na ang lahat, ay sinenyasan na ni Jas si Rosh. Pareho silang huminga ng malalim at doon sinimulan na ni Jas ang pagtugtog, at humupa rin ang kaunting ugong ng klase sa pagtugtog ni Jas.

Medyo mabagal at mahaba ang intro nila, pero maya-maya pa ay kumanta na si Jas, at duon nalaman na nila ang kakantahin nila. Way back into love ang kinakanta nila.

All that's leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon