Chapter XXII: Before November 25th & After

12.8K 99 3
                                    

Habang magkayakap at nagtititigan ang dalawa ni Rosh at Elise ay nakangiti lang na nanonood at umiiyak itong si Jas. Tahimik na kinikimkim ang sakit at tuwa na sabay niyang nararamdaman.

Tuwa dahil nakikita niyang masaya ang taong mahal niya. At lungkot sa kadahilanan na hindi sya ang dahilan nito. Hindi parin maawat ang dalawa sa pagyayakapan at ng sandaling mapalingon itong si Rosh kay Jas; binulong nalang nito ang salitang; Thank you kay Jas at siya namang react nito ng thumbs up habang napalakpak. 

Naaalala tuloy ni Jas noong sinabi ni Rosh ang plano niya.

-------------------------------------------------------

'Teka teka, Rosh sinabi ko naman sayo na mag effort ka. Mag d-dalawang buwan palang kayo; parang anniversary na yang plano mo." pangangatwiran ni Jas.

"Eh diba sabi mo mag exert nako ng effort? Eto na. Susupresahin ko siya sa school niya. Tapos kakausapin ko itong sina Austin para tulungan ako sa panghaharana. Tapos ikaw naman bahala sa mga kailangan. Bears, flowers, at kunchabahin mo narin yung kaibigan ni Elise." inulit nitong si Rosh. 

"Ni hindi ko nga sila kilala eh. Rosh naman, ayan ka nanaman." 

"Iba na to Jas, promise. Tulungan moko ha?" pag-iinsist parin nitong si Rosh. 

"Ayoko, sobra yan." sambit nitong si Jas at umiwas ng tingin kay Rosh. Pero alam ni Rosh ang soft spot nitong si Jas, siya. Nagpa-cute at awa effect itong si Rosh kay Jas habang patuloy siya sa pag-iwas ng tingin rito pero talangang nangungulit itong si Rosh.

Pinipigilan nalang ni Jas na mapangiti at madala sa ginagawa nitong si Rosh at pilit na iniiwasan ang tingin nito. Pero ng mahuli ito ni Rosh ay hindi na nakapag-pigil pa itong si Jas at natawa nalang at pinalo itong si Rosh.

"Nakakainis ka!" hinabol ng palo at ilang ulit pa nitong pinalo ng unan si Rosh habang siya naman ay nagtatawa lang.

"Wala na napangiti na kita! Tutulong kana ah!" pang-aasar nitong si Rosh.

"Oo na, ako na bahala. Bigay mo nalang sakin yung number ng barkada niya. Kakausapin ko narin yung kakilala ko sa Adamson. Yung plano mo sabihin mo narin sakin." sabi nalang ni Jas. Naiinis parin siya noon pero wala na siyang magagawa. Hindi niya talaga matiis itong si Rosh eh, lalo na at alam nito kung pano siya suyuin.

Kinabukasan noon at nagsimula na ngang kumilos si Rosh at si Jas. kinausap na ni Rosh itong sina Austin at pumayag naman sila. Habang si Jas naman ay nagsimula narin kumilos. Pagkatapos ng klase niya ay agad na niyang tinawagan ang kaibigan nito roon at kinausap at tutulungan naman siya nito.

Noong araw din na yon ay na-forward na ni Rosh ang number ng barkada ni Elise at agad niyang tinawagan. Ng makausap niya ay agad na siyang dumeretyo ng Adamson para sabihin sa kanila ang plano ng Boyfriend ng kaibigan nila. Habang inilalatag ni Jas ang plano ay halata namang tuwang-tuwa ang barkada ni Elise at agad naman silang pumayag.  

1 week din ang preparations nila para sa pag-sesetup palang ng lugar at sa pag-hahanda ng gagawin nitong sina Rosh at Austin. Kinausap pa ng barkada ni Elise ang security office doon para humingi ng kahit anong permit na pede nilang magamit para sa gagawin nila. At sa halos 3 hours na paguusap, pangungulit at pangungumbinse nitong barkada niya ay napapayag naman nila ito at nabigyan ng special permit para magamit ito sa panandaliang oras. 

Tinext agad nila itong si Jas at napatalon nalang siya sa tuwa. Sinabi nito agad kay Rosh ang balita at sinimulan na nilang ayusin ang mga ipapasok nila sa loob tulad ng speakers at kung ano pa. 

Dumeretyo naman ng SM itong si Jas para bumili ng bears nagagamitin na naisip din nitong si Rosh. Namili siya ng ibat-ibang kulay at lahat ay halos magkakasinglaki. Para siyang tindera ng teddy bear noon nung nakabili na siya; at dahil nga hindi na niya kaya pang dalin yung mga bear ay tinawagan naman nito si Rosh.

Nainis ng konti itong si Rosh dahil nga bakit hindi siya nagsasabi, sorry naman ng sorry itong si Jas habang iniisa-isa na ng mga kasamahan ni Rosh ang mga bear na binili niya at agad na nilagay sa likod ng pick up ni Austin. Habang nagmamaneho sila ay may naisip si Jas at agad naman niyang sinabi sa kanila, na ikinatuwa ng mga kasamahan niya.

Tumigil sila sa isang patahian at agad naman sinabi ni Jas sa mananahi ang plano nitong si Jas. Lalagyan ng love quotes or kasabihan ang mga tummy nitong mga bear. Pumayag ang mananahi at agad na tinanong kung asan ang listahan ng mga itatahi nila sa bear. Natigilan si Jas doon at agad na humingi ng tulong sa mga kasama nito. Natawa ang ilan habang napafacepalm nalang ang kalahati. Nagisip sila ng quotes na-ipapatahi sa tummies ng bear at ng matapos ay agad naman silang umalis at babalikan nalang nila next week.

Tamang-tama dahil last day, next week ay monthsary na ng dalawa at agad na silang naghanda at nagpuspos para sa mga natitirang preparations. Todo effort talaga sa pag-papractice itong si Rosh at mga kasamahan niya habang si Jas naman ay hinahanap ang perfect na bouquet, as requested nitong si Rosh, tutal mahilig naman daw si Elise sa Rose. Madali nalang hanapin yun, yung pinakang-ayos nalang niya ang dapat asikasuhin.

Makalipas ang mga ilang araw at ayun, dumating na ang araw ng monthsary nila, November 25th. Nakahanda na ang lahat at nasa loob si Jas at naghihintay nalang ng signal sa kaibigan nito. Ng makita na niya ang signal ay agad na niyang tinext ito pabalik at ayun na nga; nagsimula na ang lahat. Ang bears na may quotes sa dibdib; ang panghaharana at pagkanta nitong si Rosh sa harap ng umiiyak na na si Elise habang hawak nito ang bouquet na si Rosh mismo ang pumili pagkatapos niya itong makita.

Sa mga oras na yun habang lumalapit itong si Rosh kay Elise, ay wish na wish nitong si Jas na sana siya nalang yun; kung gano niya ka gustong maramdaman ang nararamadaman noon ni Elise na saya sa dibdib niya. Pero alam niya, na malabong mangyari iyon; lalo na't napakita na ni Rosh ang kaya niyang gawin; para kay Elise. At sigurado siya; na hindi na niya ito pakakawalan pa.

---------------------------------------------------------

Balik sa kasalukuyan at fast forward na ng isang araw; nasa Jollibee sila noon sa may Moryata ng mgakakasama ang barkada ni Rosh na sina Sheryl and friends at sina Austin ang friends. Lahat sila ay nagkakila-kilala na at naguusap-usap habang pinapapapanood naman ni Jas ang video na kumalat na sa internet kena Sheryl, Austin at Janice.

Kinikilig silang pareho habang sa harap nila ay naglalambingan at naguusap lang itong si Rosh at Elise. 

"Grabe ka talaga Rosh, na pull-off mo to!?" pagkabilib nitong si Sheryl. Nagtawa nalang itong si Rosh habang nakadantay lang itong si Elise sa kanya at agad naman nitong binulungan si Rosh. Nanlaki nalang ang mata nito at agad na nagsalita.

"Una na kami guys, may gagawin pa pala itong si Baby, hatid ko lang. Bye!" kaway nito sa mga kaibigan niya. Bineso naman ni Elise itong si Jas at ang iba. Napansin ni Jas na iba parin ang tingin nito sa kanya pero hindi nalang nito pinansin.

Ng makababa na ay tiningnan nalang siya ni Sheryl at tinanong; "Ok ka lang?" Napatingin naman itong si Jas sa kanya at nakita niyang pinagtitinginan na siya ng dalawang magbbarkada. 

Natawa nalang siya at sumagot na may tuwa at galak; "Oo naman!" pero sa loob-loob niya, ay bugbog na bugbog na siya. 

All that's leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon