Chapter XLV: Good turns Bad

10.5K 74 0
                                    

Dumaan pa ang mga sumunod na linggo at tila bumalik na naman sila sa dati. Hindi yung dating magkasundo sila, may mga araw na ganun, pero mas-madalas na ang pag-aaway, pag-tatalo at pagkakaroon ng tampuhan nilang dalawa. May mga oras na sobrang sweet nila sa isa't-isa at tila balik sa dati nilang estado. Pero sobrang dalas na ng pagtatalo nila.

May mga oras na maliliit na bagay ang pinagtatalunan nila, tulad ng sa pagkain, papanoorin, at kung saan pupunta. Pero sa huli nagkakasundo naman sila. Pero yung mga away talaga, ang pinanggagalingan lang nito ay ang pagiging pasaway nitong si Elise. Bigla siyang lalabas ng walang paalam hindi lang kay Rosh, kundi sa mga kapatid nito.

Kaya minsan, para pagtakpan niya ang Girlfriend niya; sinasabi nalang niya na nagpaalam ito sa kanya, kahit hindi. Hindi naman maaalis sa isang relasyon ang pagtatalo, ang pangit lang at masama rito ay ang pagiging madalas ng mga ganitong pagtatalo at pag-aaway.

Pero kahit ganito pa man ang sitwasyon nila, hindi parin sinusukuan ni Rosh itong Girlfriend niya. Dahil sa isang relasyon naman, dapat laging mapag-intindi at sa paniniwala rin niya; lahat naman ay nadadaan sa pag-uusap.

Nasa bahay noon si Rosh at may kausap siya sa phone niya. Tungkol ito sa Pet-Project niya. May ngiti sa mukha niya na ang ibig sabihin lang ay maayos ang takbo ng Pet-Project niyang ito.

"Opo sir, Dalin ko nalang po diyan sa inyo. Opo, tapos na po siya, tapos narin po yung editing at kung ano-ano pa. Sige po, thank you po ng sobra sir. Sige po, bye." at naputol na ang usapan nila.

Di siya mapakali sa pagkakaupo niya dahil sa wakas at may mangyayari na sa Pet-Project niya. Di niya alam kung ano ang gagawin noon. Bigla siyang tumayo at umupo sa may sofa para mag-relax pero wala parin talaga at hype na hype parin siya.

Naisip niya na kailangan may sabihan siya at agad na pumasok sa isip niya ay ang Girlfriend niya. Agad niyang dinial ang number nito at agad din naman itong sumagot.

"Baby! Good news! Ma--"

"Sorry Baby may lakad kami ng mga kaibigan ko. Paalis nako." sinabi agad ni Elise. Napawi agad ang ngiti ni Rosh.

"Nanaman? Pang ilang beses na yan ah. Awat naman. Di ako papayag. Diyan ka lang." sagot ni Rosh.

"Eeh, handa nako eh. Tsaka paalis narin ako. Ano ba yung sasabihin mo?"

"Wag mo ibahin ang usapan. Halos araw-araw na yan ah. Tama na muna." pagpipilit nitong si Rosh.

"Ano ba!" sabi ng naiinis na si Elise; "Minsan ko lang makasama ang mga kaibigan ko babawalan mo pa ako! Ayoko!"

"Anong minsan? Tigilan mo nga ko, halos araw-araw kanang lumalabas, lagi ka nalang ganyan. Tama na."

"Sinabi ng ayoko! Bye!" at naputol na ang tawag. Nainis noon si Rosh at sinubukang tawagan ito uli. Nag-ring ito pero ngayon, ay nag-busy na ang line. Nagalit noon si Rosh at nabwisit. Di niya alam kung saan pupunta ito. Di mapakali noon si Rosh ng biglang tumawag ang Ate Rose ni Elise.

"Oh Ate, napatawag ka? Kumusta ka po." agad na bati ni Rosh.

Rosh alam mo ba kung saan pupunta itong si Elise? Naabutan ko sa labas, sabi nag-paalam daw sayo. sinabi agad ni Rose.

Nag-isip saglit noon si Rosh kung sasabihin ba niya na hindi ito nagpaalam oh oo. Napakamot nalang siya sa ulo bago siya sumagot; "Hindi ate eh. Kakatawag ko nga lang ng malaman kong paalis nanaman siya." sambit niya. Medyo na-guilty na sya doon pero pangit din naman kung papasinungalingan pa niya ang Girlfriend niya. Hindi narin naman tama ang ginagawa niya niya, sobra na.

Naku Rosh. Kinausap mo na ba yan? Napaka-lenient mo kasi. Gusto kita para sa kapatid ko pero mag-enforce karin naman. sambit ng kapatid ni Elise. Natahimik nalang doon si Rosh at sumagot nalang ng oo.

O sya-sya. Kakausapin ko mamaya itong si Elise. Sobra na siya. Pati sayo di nakikinig. Sige na Rosh ingat ka. sabi ng ate niya at agad na naputol ang tawag.

Napa-buntong hininga nalang noon si Rosh. Gusto niyang puntahan at kausapin si Elise, pero wala siyang ideya kung nasaan ito. Hindi rin naman niya alam kung sino ang kasama nito, dahil sa nalaman niya noon, iba-iba at marami talagang barkada itong Girlfriend niya.

Nag-aalala nalang siya para rito. Maganda ang salubong ng araw sa kanya. Pero sa huli, masama rin pala. di na niya alam ang gagawin niya kay Elise. Ilang beses narin niya itong kinausap dati. Sa mga panahon na medyo malaki ang pinag-aawayan nila, laging sinasabi ni Elise na mag-aayos na siya. Nag-papromise siya. Kaya ito namang si Rosh, naniniwala sa kanya at umaasa. Pero makalipas ang ilang araw, balik nanaman siya sa dati.

Naisip tuloy niya kung dahil ito sa pagiging sobrang lenient niya kay Elise. Lagi siyang oo dito. Kahit anong gustuhin niya at hilingin, ginagawan niya ng paraan para mabigay ito. Dahil kahit sinong boyfriend naman siguro, gugustuhing maibigay ang makakapag-pasaya sa girlfriend nila. Ganun naman dapat. Pero sabi nga ng iba; masama ang sobra, at hindi na niya alam kung huli na para ibahin ito, oh kaya pang ma-itama.

Tumayo nalang si Rosh at naisipan niyang sabihin nalang sa mga magulang niya ang magandang balita. Dinial niya ang number nila at agad naman silang sumagot.

Tuwang-tuwa ang mga magulang niya sa magandang balita dahil yung 2 years niyang pinag-tyagaang gawin ay ma-papublish na.

Masaya silang nag-usap ng mga ito hanggang sa mamaalam na siya at sinunod na gawin ay ang Pet-Project na ngayon ay magbibigay sa kanya ng magandang pangalan. Ginagawa niya ito ng biglang pumasok sa isip niya ang bestfriend niyang si Jas.

Kumusta na kaya ang Bestfriend niya? Ano kaya ginagawa nito? Ilan lang ito sa mga pumapasok sa isip niya ng maisipan niyang tawagan ito at sabihin ang magandang balita. Agad niyang dinial ang number nito at hindi nagtagal ay sumagot ito.

Rosh napatawag ka? Kumusta kana diyan sa Manila? tanong agad nitong si Jas. Napangiti nalang si Rosh noon bago sumagot.

"Ah eto ok naman ako. Ikaw?"

Eto sa Legazpi. Lalabas kami mamaya ng mga kapatid mo eh. Ang kulit-kulit haha! Kelan ka uuwi nga pala? 

"Ah yun nga. dapat sa isang araw na. Pero dahil sa ibabalita ko sayo, mukhang hindi na." sambit nito. narinig niya sa boses nitong si Jas na nakangiti ito at mukhang gusto nitong marinig ang sasabihin niya. 

Ano yun? Dali na, sabihin mo na! Lagi mo akong binibitin eh! Hahaha!

"Haha eto na. Yung Pet-Project ko, naalala mo pa? Well, magiging libro na siya, next year." sabi ni niya. Agad namang napatili itong si jas na siya namang kinasakit ng tenga nitong si Rosh. Pero natuwa siya dahil sa reaksyon nito. Naisip nalang niya na namiss niya ito.

OMG! Rosh congratulations! Naku matutuwa sina Sheryl at Daniel at ang iba dito! Nasabi mo naba sa kanila? 

"Hindi pa eh, pero sasabihin ko din sa kanila Jas."

Wag na, ako na! Yieee this is so exciting! Dapat tayong mag-celebrate. Pag nandiyan nako mag-cecelebrate tayo ok? sabi nito at narinig ni Rosh ang mahinang tawa ni Jas. Sa tawa palang na yun, halatang excited siya.

"Oh sya-sya. Sabihan mo na sila. Sige na Jas at aasikasuhin ko na yun ha? Sige na bye." 

Bye Rosh, miss you na. Take care! at agad na naputol ang call. Nakangiti lang noon si Rosh habang sinimulan na niyang muli ang ginagawa niya. Pagkatapos ng tawag na yun ay hindi na niya maalis sa isipan niya si Jas, at kung gaano na niya ito ka-miss. Di niya alam kung ano yung nararamdaman niya noon. Pero sigurado siya, na miss na miss na niya ito.

Lumipas pa ang ilang oras at gabi na noon ng 9:30.  Nakakain na siya noon ng dinner at nag-aayos nalang siya ng lamesa habang chinecheck ang phone niya kung nag-text na ang Girlfriend nito oh hinde.

Habang chinecheck niya ito ay biglang nag-ring ito at ng makita niya ay si Elise ang tumatawag. Sinagot niya agad nito at agad siyang sinalubong ng sigaw nito.

Bakit sinabi mo kay Ate na hindi ako nagpaalam sayo!? Napagalitan tuloy ako. Leche ka! Wag kang magpapakita sakin bwisit ka! at agad naputol ang call. Nagtaka nalang si Rosh noon pero agad din siyang nalungkot dahil alam niya ang dahilan ng galit nito.

Alam niyang ayaw siytang makita nito ngayong gabi. Pero napagpasyahan niya parin na maghanda, at puntahan ito ng makausap. Dahil kahit ganun pa man, ayaw parin niya na matapos ang araw na magka-away sila. 

All that's leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon