Chapter VII: Plans and plans again.

16.1K 148 1
                                    

Kina-umagahan ay na unang magising itong si Jas at naghanda ng breakfast nilang dalawa. Halos wala siyang tulog noon dahil nga sa mga nangyayari. Naisip niya na sobrang bilis ng mga nangyayari, ngayon lang siya nakaramdaman ng ganito at isip-isip niya to kaya halos wala siyang tulog. Na-kornihan din siya sa sarili niya dahil nga sa estado ng relasyon na pinasok nitong kaibigan niya, pero katulad ng ginagawa niya dati pa; hindi nalang niya ito pinansin at kinimkim nalang niya.

Lumipas ang ilang minuto at natapos na sa paghahanda ng breakfast itong si Jas, hinanda na niya ang lamesa at tumuloy na sa kwarto at ginising na si Rosh.

"Rosh gising na, may klase kapa ng 1 diba? Kain nadyan..." sambit niya. Umungol lang ng konti itong si Rosh at umikot patalikod kay Jas. Inulit muli ito ni Jas hanggang sa umunat na ng katawan itong si Rosh at tuluyang bumangon. Medyo inaantok pa noon si Rosh pero tumuloy na siya ng pagkain ng pancakes na inihanda ni Jas. Sabay na silang kumain.

"Wala ka bang pasok ngayon?" natanong agad ni Rosh kay Jas.

"Ah wala eh, hehe. Tambay nalang ako sa apartment mo linis nalang ako doon. Tapos dalin ko narin laptop ko. Laro tayo ah?" sagot niya. Napangiti nalang itong si Rosh at sumagot.

"Sige ba. Pero Jas, papaalala ko lang. Hindi na lagi mangyayari ito, lalo na yuon ha?" sambit ni Rosh.

"Ha? Bakit naman? Dahil may girlfriend kana ganun ba?!" sigaw niya. Nalungkot si Jas, tumungo nalang si Rosh bago uli magsalita.

"Oo naman. Magagawa pa naman ito eh, yun nga lang. Hindi na katulad ng dati na halos araw-araw na nating mgagawa. Magiging madalang na, parang ganun. Wag kana magtampo..." sabi niya pero nagtatampo na talaga itong si Jas. Alam niya na wala siya sa lugar pero ang bilis talaga ng mga nangyayari. Tumayo si Rosh at niyakap nalang mula sa likod ang nagtatampo niyang kaibigan.

"Alam mo Jas. Wag kana mag-selos ha? To naman, kakasabi ko lang kanina makakapag-sama pa naman tayo ng ganito yun nga lang,di na ganon kadalas. Tsaka gusto rin kita ipakilala sa kanya. Malay mo, magkasundo kayo. Ha? Wag na magselos please?" paglalambing ni Rosh bago siya bumitaw sa pagkakayakap at tinapos na niya ang pagkain niya.

"Sa girlfriend mo papakilala mo ako pero sa barkada mo ni ayaw mo kong makilala. Ayos ah..." sabi niya na medyo galit pa habang inagaw ang pagliligpit ng mga pinggan.

"To naman, ayan ka nanaman. Alam mo naman kung bakit diba? Tapos---"

"Oo na alam ko. Sige na umuwi kana. ako na bahala sa laptop mo at 10:30 na oh. Medyo malayo pa apartment mo..." ang pag-susungit na sagot ni Jas. Napakamot nalang ng ulo si Rosh habang nag-ayos. Bago ito umalis ay tumambay muna ito sa pinto at mistulang nag-pacute muna kay Jas para mag-bati na sila.

"Sige ganyan ka, matitiis mo na magka-away tayo?" nag pu-puppy dog eyes na siya. Napansin naman ito ni Jas pero pinilit di pansinin. Pero di rin tumagal itong si Jas at agad nag-hugas ng kamay at lumapit kay Rosh, nakasimangot parin siya pero nilapitan niya ito para yakapin.

Tuwang-tuwa naman itong si Rosh na yumakap at nag-paalam. Nainis nanaman ng kaunti itong si Jas sa sarili niya dahil kahit ano talagang gawin niya; mahina siya pagdating kay Rosh. Iba talaga nagagawa ng pagmamahal, hinding hindi mo talaga magagawang tiisin ang taong mahal mo. Naisip nalang ito ni Jas at sumigaw nalang siya sa loob ng apartment niya sa sobrang inis.

Kinahapunan noon ng pumasok na itong si Rosh sa klase, tumabi siya sa mga barkada niya na todo kulitan. Nakareceive nalang siya ng text galing kay Jas.

Mga 4:30 pupunta nako ng apartment mo ah, tuloy ayos narin ako dito at setup. Aral mabuti! Ingat! napangiti nalang itong si Rosh at bago pa man niya maitago ang phone niya sa bulsa niya ay agad naman nakareceive nanaman ng text itong si Rosh at ngayon naman ay galing sa girlfriend niya.

Baby! Baby! BABY! I mish you :3 Tulog ako diyan sa inyo bukas ng gabi ha? Wala din naman ako uli pasok eh ha? HA? HAAAAAAAAA?? Hehe excited nako xD! Miss you na, mwaaahhh!!! ang sabi ng text. Natawa nalang siya sa laman ng text at naisip nalang niya na mag-reply agad.

Hehe sige baby, busy din naman ako ngayong araw eh. Aral ka diyan ng mabuti ah, bawal mag-cutting! hehe mwaahhh.... at agad na niyang nilagay sa bulsa yung phone niya. Pagkatapos nito ay agad siyang kumuha ng papel at humingi agad siya ng papel sa barkada niya.

"Kim, penge nga ng papel. Pa-kopya narin ng assignment bilis!" pagmamadali niyang sinabi.

"Aba ayos ka ah! text ka kasi ng text kaya kinukulang ka sa oras! Oh ayan! Ay tsaka paalam ka muna kay Sheryl, kanya yan eh..." sabi ni Kimberly, habang inabot niya ang papel kay Rosh.

"Oi Sheryl, pakopya ako ah! Thank you talaga! As in super!" sinabi niya habang sinisimulan na niya ang pagkopya. Nagulat nalang itong kaibigan niya at napasigaw habang nakangiti.

"Hep-hep-hep! Ayos ka ah! Nag message nako sa inyo niyan kagabi di mo ba nakuha? Nadun ka nanaman sa babae mo no?" sabi niya habang nagsi-tilian ang iba sa mga kaibigan niyan.

"Ano pinagsasabi mo ha?" ang sagot lang niya habang todo kopya.

"Totoo kaya, minsan nakikita ka namin pag malayo ka, nakatalikod yung babae na lagi mong kasama! Pede naman ipakilala samin Rosh!" Sabat naman nitong si Daniel.

"Oo nga Rosh! Bat ba tinatago mo samin yang babaeng yan? Pagkami tinopak nina Jennifer ah! Hahanapin namin yang babaeng yan!" dagdag nitong si Catherine.

"Alam mo Rosh, kahit ano pang gawin mo. Hinding hindi mo ma-itatago samin yang babaeng yan! Haha!" dagdag nitong si Gaby.

"Hays, una wala akong girlfriend dito sa loob. Kaibigan oo. Tsaka pangalawa, tantanan niyo ako diyan sa girlfriend na yan dahil yung girlfriend ko hindi taga rito. Ok?" sagot ni Rosh.

"Eh teka teka, san ba siya napasok?" dagdag ni Janice. Bago sumagot itong si Rosh ay tumingin muna siya sa barkada niya na nakatingin lang sa kanya.

"Oh siya, siya. Ipapakilala ko siya sa inyo. Pero hintayin niyo muna kung kailan pede, ayos na? At basta hindi siya taga rito. Tapos---" at bago pa siya makatapos ay pumasok na ang professor nila. Nagmadaling i-abot ni Rosh kay Sheryl ang assignment niya at agad naman pinakolekta ng professor nila ang assignments nila.

Sa mga oras na yun ay nagiisip na ng magandang oras para ipakilala ang bago niyang girlfriend. Pero kinakabahan siya na baka mabanggit ng isa sa mga barkada niya na iba yung babae na kasma niya sa school. Dahil hindi pa niya nababanggit si Jasmine sa girlfriend niyang si Elise at kung gaano sila ka-close. Ngayon palang ay nag-iisip na siya kung pano maiwasan ang gulo na pwedeng mangyari dahil alam niya na iba mag-away ang mga babae; at lalong-lalo na't hindi pa niya alam kung pano mag react at mag-selos itong si Elise.

All that's leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon