Chapter XII: Who's that Girl?

14.3K 127 7
                                    

Pagkadating ni Rosh ng bahay ay sandali siyang nagpahinga at ibinato ang sarili sa kama. Unang bumagsak ang mukha niya habang inire-relax ang sarili dahil sa sobrang pagod at saya. Natuwa siya dahil naipakilala na niya sa mga kaibigan niya ang girlfriend niya na si Elise na feeling naman niya ay nagustuhan ito ng barkada niya. Umikot siya sa pagkakahiga at agad niyang hinanap ang phone niya na binato niya kanina sa kama para i-check kung may text at bigla niya nalang naalala na dapat nga pala niyang itext ang girlfriend niya.

Magpahinga kana diyan Baby, kakadating ko lang ng bahay papahinga narin ako. sabay tapon niya uli ng phone niya sa my unan. Nakatingin lang siya sa siling at tila iniisip niya kung maglalaro muna oh aasikasuhin yung project niya. Maya-maya pa ay nakareceive agad siya ng text sa Girlfriend niya.

Pahinga kana diyan baby, naghahanda narin ako matulog. Tawag ka mamaya ah, mua :* napangiti nanaman siya habang binasa niya ang text at tila nagkaroon siya ng lakas para bumangon at siya'y maghanda narin. Naisip nalang niya na maglaro muna bago ituloy yung pet-project niya para makapgfocus siya duon pagkatapos.

Agad niyang binuksan ang computer niya at naisip niya na maglaro muna. Habang nag b-boot yung computer niya ay kumuha muna siya ng damit pantulog at agad na nag-toothbrush at dumertyo ng banyo para mag-shower. Pagkatapos niyang magshower ay tinuyo niya agad ang kanyang buhok at kumuha ng maiinom sa ref ng marinig niya ang ringtone ng Bestfriend niya. 

Agad siyang sumugod sa kwarto para hanapin ang phone niya at sa sobrang taranta niya ng makita niya ito ay nahulog pa siya sa kama niya ng masagot niya ito.

Oh ano yun kumalabog? tanong agad ni Jas sa kabilang linya.

"Ah wala wala nalaglag lang yung libro ko--" sabi niya habang tumayo at dumertiyo agad siya sa computer; -- "napatawag ka nga pala, kumain kana ba?" sabi niya pagtatanong kay Jas.

Ah ok. Ayun kakatapos ko lang. Panong di ako mapapatawag eh di kana nagtext simula kaninang tanghale! sambit nitong si Jas na may halo ng pagtatampo.

"To naman, sorry na. Pinakilala ko na yung Girlfriend ko sa barkada ko eh, churi na." paglalambing naman nitong si Rosh habang binubuksan at sinesetup rin niya ang laptop sa table.

Hmp nako ah. Sige na. So kumusta naman yung pagpapakilala ayos ba? agad na tanong ni Jas na may tono ng pagseselos pero hindi ito napansin ni Rosh.

"Hahaha oo ayos na ayos! Nagustuhan siya ng barkada ko, tuwang tuwa nga sila eh, hehehe!" pagmamalaki nitong si Rosh kay Jas habang tuloy ang pagsasa-ayos niya ng computer at laptop para handa na siya pagkatapos ng call na ito.

Medyo na irita pero hindi niya nalang pinahalata; sinakyan nalang ni Jas ang pagmamalaki ni Rosh; Sabi ko naman sayo eh! Woo hehehe. Kwento mo naman yung mga nangyari dali! sambit ni Jas na may halong pagsisisi. Bakit niya tinanong nainis siya pero syempre hindi niya ito pinahalata.

Pagkatapos noon ay tila nakalimutan na ni Rosh ang gagawin niya at agad siyang nagkwento. Ramdam ni Jas ang saya at tuwa nitong si Rosh sa pagku-kwento ng mga nangyari ng pagpapakilala niya sa girlfriend niya. Ang tangi nalang na nagawa nitong si Jas ay sabayan ang mga tawa at mga pagbanat nitong si Rosh sa mga kwento. Medyo nakakaramdam na siya ng selos ng mga oras na yun. Masakit nga naman sa loob niya yun lalo na't masaya itong si Rosh sa mga nangyayari sa relasyon nila.

Kahit 1 month palang sila ay ramdam niya na nahulog na nga itong si Rosh kay Elise. Sino ba naman ako mag-selos eh kaibigan lang naman tingin sa akin ni Rosh. Ito nalang ang pumasok sa isip nitong si Jas pero kahit pa na ganun nga; mas pinili nalang niya na maging masaya para sa kaibigan niya, dahil nga naman; masaya siya eh; at kung masaya siya, eh di; masaya narin si Jas. 

Yun nalang ang mga pumasok sa isip niya nung mga oras na yun habang nakikinig siya sa pagku-kwento nito at ng matapos na magkwento itong si Rosh ay sandali silang tumahimik bago nagsalita itong si Jas.

Oh sya at feeling ko may gagawin kapa, lalaro oh pet-project? tanong niya ng maiba na ang topic at ng hindi narin siya gano masaktan.

"Uhmmm oo nga pala. Lalaro na muna ako then yung pet-project ko na." sagot ni Rosh.

Mukhang di kapa sigurado ah, teka kumain kana ba? pagtatanong ni Jas.

"Uhmm...." 

Kaen.ka.muna. Then go play, got it? Sige na tulog narin ako. sinabi niya kay Rosh na parang tinuturuang bata. 

"Opo, sige na tulog kana." pagpayag ni Rosh habang tumayo na siya at kumuha nalang ng noodles sa cabinet.

K, love you friend

"Love you too buddy. Night night" sagot ni Rosh at binaba na niya ang phone. Habang nakahiga noon si Jas ay napahinga nalang siya ng malalim at itinulog nalang niya ang bigat na nararamdaman niya.

Balik muli kay Rosh at natapos na siya sa pagluluto ng noodles na may egg at kumain na siya. Habang kumakain siya ay talagang ninanam-nam niya ang sarap nito at kumuha nalang siya ng juice sa ref at uminom nito. Lumipas ang ilang minuto at natapos na siyang kumain at agad siyang nagligpit at pumwesto sa computer. Magsisimula palang siya sa paglalaro ng maalala uli nitong si Rosh na tatawagan nga pala niya itong girlfriend niya. Mga 10:30 na ng gabi noon pero nagbakasakali parin siya na baka gising pa itong Baby niya.

Agad niyang dinial ang number nito at hindi pa naka 2nd ring ay sumagot agad ito.

"Baby! Gising kapa? Baka inaantok kana patulog kana ba?" agad na salubong na tanong nitong si Rosh kay Elise.

Inaantay ko kasi tawag mo eh tsaka tinitingnan ko rin facebook mo. Sino tong babae na to? Lagi siyang nasa pictures mo eh... tanong na may pagtataka ni Elise sa boyfriend niya. Agad namang napaisip itong si Rosh at binuksan niya ang fb niya at tiningnan. Habang tinitingnan niya ang photos niya ay napansin na niya at nakilala agad kung sino ang babae sa picture na tinatanong ng Baby niya.

"Ah Baby si Jas yan. Bestfriend ko." sagot niya na may ngiti sa boses niya. Tahimik lang naman itong si Elise sa kabilang linya habang naghihintay ng sagot itong si Rosh.

Maganda siya. Ang close niyo sa isa't-isa ah sagot niya. Napansin na ni Rosh ang pagka-baba ng tono ng boses ni Elise pero hindi na niya nalang pinansin to.

"Ah kababata ko rin kasi Baby eh. Kaya masasabi mo na close talaga kame hehe"

Gaano kayo ka-close ng Jas na to? agad na tanong ni Elise na siya namang kinatigil nitong si Rosh. Agad siyang nagisip ng magandang halimbawa at agad naman siyang sumagot.

"As in close na close Baby. Lam mo yun? Parang ano nga ba? Hmmmm parang yung sa One Day na movie nina Anne Hathaway. Lam mo yun?" agad na sagot ni Rosh pero mukhang di alam ng Girlfriend niya kung anong movie ang tinutukoy niya.

"Ganito panoorin nalang natin next time yun ha?" 

Ayoko. sagot na mabilis ni Rosh na siya naman na ipinagtataka na niya, pero dahil nga medyo malalim na ang gabi, at medyo pagod rin nga siya ay hindi niya talga mabasa ang mood ni Elise.

"Hmmm ok Baby next time nalang siguro. Nga pala tutal napagusapan narin natin siya. Papakilala kita sa kanya. Isa pa yan sa importanteng tao sa buhay ko eh" sabi ni Rosh. Sa kabilang linya ay inis na inis na itong si Elise hindi lang dahil sa may pagka-manhid itong boyfriend niya dahil selos na selos na siya sa bestfriend nito kahit di pa niya nakikilala. Closeness palang sa picture nilang dalawa; nakaramdam agad itong si Elise.

K. Sige na tulog nako night. sabi niya at agad na natapos ang call. Nagulat nalang si Rosh sa ginawa niyang ito at sa pagkakataon na yoon. Pumasok na sa kanya; nagseselos ang girlfriend niya; SOBRA. 

"Shit, nalintikan na..." ang nasabi nalang ni Rosh dahil nakakarmdam siya na; may hindi magandang mangyayari pag pinakilala na niya si Jasmine kay Elise.

All that's leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon