Chapter XI: The meet-up

16.8K 131 2
                                    

Pagkatapos ng gabing iyon ay mas lalo pang minahal ni Rosh itong si Elise. Lalo na sa tiwalang binigay nito sa kanya, alam niya sa sarili niya na ito na yung babae na magpapasaya at magiging huli niya. Dahil, aminin natin; diba dapat ganun naman talaga? Na pagpapasok ka sa isang relasyon kailangan na seryoso ka sa taong napili mo. Hindi yung laro-laro lang; hindi yung landian lang, yun talagang seryoso. Sa panahon ngayon na, maiisip nga naman ng mga taong sawi sa pagmamahal na; wala ng taong se-seryoso pa sa kanila kaya makikipagsabayan nalang sila at makikipaglaro narin. Oo, may mga taong ganun na lahat dinadaan sa laro at pag-naghiwalay ay parang wala lang. May ilan na sa sobrang sakit ng dinanas nila sa kamay ng mga naging nakaraan nila ay mas pinili nalang na huwag ng makipag-relasyon pang muli oh; paniniwalaan niya na lahat ng lalake oh babae ay pare-pareho ng ugali. At iilan nalang din yung mga tao na seryoso pag pinasok ang isang bagay katulad ng pakikipagrelasyon. 

At isa si Rosh sa mga iilang tao na yun. Oo masasabi natin na bata pa siya para mag-isip ng ganun kalayo sa hinaharap at para seryosohin ang mga bagay na tanging mararanasan nalang niya sa pagiging bata niya. Pero; sa kinalakihan niyang pamilya, nakita niya ang importansya ng pagiging seryoso sa minamahal mo. Sa tatay at nanay palang niya nakita na niya na hanggang ngayon ay mahal na mahal parin nila ang isa't-isa sa kabila ng mga pinagdaanan nila. 

Sa relasyon nila ni Elise hindi naman lagi silang nagkakasundo at ganoon ka sweet tuwing lalabas sila. May times na mag-aaway rin sila; pero ganun pa man ay alam nila na seryoso sila sa isa't isa. Dumaan ang mga araw at na nasundan pa ang ginawa nila nung gabing yun. Hindi laging ganun pero minsan; at may mga times rin na nakatambay lang sila sa apartment at nanonood ng movie, naglalaro ng computer, lumalabas at nanunuod ng sine or tatambay sa park. Sa sobrang sweet nga naman nila sa mga paglabas nilang yun ay pinagtitinginan na sila ng mga taong nakakakita sa kanila at sa pagmamahal nila.

------------------------------------------------------

Pumasok na ang semester break at lalo pa silang nagkalapit dahil araw-araw na silang magkasama. Dumaan ang first monthsary nila at talaga nga naman bigay todo itong si Rosh. Pagpunta nila ng megamall sa ortigas ay bit-bit pa ni Rosh ang barkada niya nung high-school at hinarana niya itong si Elise na halos maiyak sa tuwa; sa gitna ng maraming tao. Inabutan ng boquet habang kinakanta ang paborito nitong kanta. Nagsisigawan ang mga tao noon dahil tagumpay ang first month nila at tumunggo silang kumain kasama ang barkada bago nila iwan ang dalawa.

Sa mga nalalabing araw ng sembreak ay nagkita-kita na ang barkada nila at ito na yung araw na ipapakilala niya ang Girlfriend niya sa barkada. Kakatapos lang nilang mag enroll noon at magkakasama nanaman sila muli sa klase. Habang naghihintay si Rosh sa tapat ng FEU Gate 4 ay unti-unti ng nagsidatingan ang iba hanggang sa ma-kumpleto na sila. 

"Saan tayo? Kumpleto na tayo eh." tanong ni Jennifer.

"Lakad na tayo habang nagiisip may makikita naman tayo. Rosh asan yung girlfriend mo?" sambit ni Daniel habang tumuloy na sila maglakad. 

"Ah, susunod nalang daw. Oi kayo umayos kayo ah, kaka-1 month lang namin gusto ko pa humaba yon." sabi ni Rosh habang nakangiti.

"Bakit Rosh, dahil ba may iba kapang kalandian dito sa school? Hahahaha!" singit naman nitong si Ferdinand.

"Loko, bestfriend ko yun--"

"Aray Rosh ah!" sigaw agad ni Sheryl.

"Since elementary. Ayos na?" agad namang balik ni Rosh kay Sheryl sabay tawa ng ilan sa kanila.

"As I was saying---"

"Wag kang mag-english!" singit naman nitong si Janice.

"Leche basta magkaiba sila at papakilala ko rin yung kaibigan ko dito sa Girlfriend ko." 

All that's leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon