Chapter XXIX: Mayon's secret

10.8K 83 0
                                    

Pagkatapos ng pag-kukwentuhan nilang iyon ay agad silang kumain ng hapunan. Nagsalo-salo sila roon at duon narin nila tinuloy ang pag-uusap nila.

Lalopang inusisa ng mga magulang ni Rosh itong Girlfriend ng anak nila; na masaya naman sinagot ni Elise. Nasa abroad pareho ang mga magulang nito kaya hindi sila nakikita ni Rosh.

May kambal na nakakatandang kapatid itong si Elise; meaning bunso siya. Isang lalaki at isang babae. Parehas itong may trabaho kaya hindi rin niya ito nakikita. So mag-isa nga lang siya talaga minsan sa buong linggo.

Naisip tuloy ni Rosh na talagang di pa nila gano napapagusapan ang mg ganung bagay kasi nga; biglaan ang lahat. So nawala talaga sa isip niya yung mga importanteng detalye. Pasalamat pa tuloy siya sa parents niya. Hehe.

Tuloy-tuloy parin ang pagkukwentuhan nitong mag-anak at si Elise. Madami pa talagang hindi alam itong si Rosh tungkol sa kanya. Nalaman niya na may pagka-party animal itong Girlfriend niya. Pero ang pinaka-gusto niya talagang gawin sa buhay niya ay ang maging isang artista. Yun nga lang daw eh, hindi muna niya pinupursue dahil nga nag-aaral pa ito.

Lumipas pa ang gabi hanggang sa itutulog na ng lahat. Nasa kanya-kanyang kwarto na ang lahat pero itong si Rosh ay sinasamahan muna si Elise sa kwarto niya. Pinapatulog muna ni Rosh itong si Elise habang nakahiga at nakayakap ito sa kanya. Hinimas niya ang ulo nito na siya namang gusto ni Elise.

"Ang babait ng parents mo." Sambit ni Elise haang nakangiti.

Napatawa nalang ng konti itong si Rosh bago sumagot, "Naku, buti nga hindi pako pinapahiya nitong mga to eh." natawa nalang sila pareho duon at tumahimik muli sandali.

"Naku, uusisain ko nga yan haha." Ang nasabi nalang nitong si Elise.

"Sige subukan mo lang. Lagot ka sakin." pagbibirong pagbanta nitong si Rosh.

"At bakit? Anong gagawin mo saken aber?" sagot naman ni Elise na may ngiti sa mukha.

"Ah ganun? Ganito!" sagot niya at sinimulan niyang kilitiin ng sobra itong si Elise. Ang sarap ng tawa nitong si Elise habang todo sa pangingiliti itong si Rosh hanggang sa mahawakan na niya ang dalawang kamay nito at nasa may ulunan lang ni Elise.

Hingal na hingal sila dun hanggang sa maubos ang tawa nila pareho; "I love you." biglang nasambit ni Rosh.

"I love you too." sagot naman ni Elise na nakangiti. Hanggang sa nag-lean forward itong si Rosh at nag kiss sila. Napaka-tender at passionate ng kiss nilang iyon. Hawak parin ni Rosh ang mga kamay ni Elise noon at talaga nga naman na mukhang tumatagal ang pagkakadampi ng mga labi nila.

Maya-maya ay nakarinig sila ng tao na nag-ehem at nagulat sila ng makita nila ang mama ni Rosh. Agad namang umayos ng upo sa kama itong si Rosh na nakatungo, habang si Elise ay tinakpan ng kumot ang mg labi niya ng nakatingin sa nanay ni Rosh.

"Malamig ba?" tanong ng nanay ni Rosh. Pokerface lang ito at pinili nalang ni Rosh na manahimik. Habang si Elise ay tahimik lang na naka silip.

"Sige na Rosh, punta na sa kwarto." utos ng nanay niya. Agad naman tumayo itong si Rosh at lumabas ng kwarto habang nakatayo parin sa may pinto ang nanay nito.

"G-goodnight po Tita." Nanginginig na pagbati nitong si Elise. Tumungo nalang ang Nanay at agad nitong pinatay ang ilaw at sinara ang pinto.

Maya maya ay biglang bumukas ang pinto at tiningnan ni Elise kung sino yun, at nagulat nalang siya ng hinalikan siya nito sa labi.

"Goodnight Baby, I love you." Mahinang bulong nito bago agad na lumabas. Napangiti nalang itong si Elise dahil hindi talaga nakalimutan nitong si Rosh na bigyan siya ng goodnight's kiss. Pagkatapos nito ay pinikit na niya ang mga mata niya at sinimulan ng matulog at magpahinga; na may ngiti sa mga labi niya.

Kinabukasan ay ipinasyal na nina Rosh at Jas itong si Elise. Maaga silang lumabas noon para mas-mahaba ang oras nila sa pamamasyal.

Sinimulan nila sa bayan ang pag-gagala nila. Sa simbahan, na siya naman isa sa ipinagmamalaki ng syudad nila. Ganun din sa mga iba pang mga kainan na talaga naman na binabalikbalikan at inamin naman na hinahanap-hanap nila ni Jas. Pinatikim nila isa-isa dito si Elise at ng matikman niya ang mga pagkain, ay maging siya ay di nakatiis at nagutushan din niya ang mga pagkain.

Buong umaga silang nag-foodtrip at kahit na busog-busog na ang dalawa ni Rosh at Jas ay todo kain parin itong si Elise, at pilit parin niyang inaaya ang dalawa na kumain. Pagdating ng kinahapunan ay ginala na agad nitong dalawa si Elise sa Kalayaan Park. Medyo naboringan dito si Elise pero sinadya nila ito dahil sini-save nila ang pinakamaganda sa huli.

Pagkatapos rito ay agad silang dumeretyong sa may tabing dagat at dito ay nagalak at natuwa si Elise. Nag-tampisaw muna silang tatlo habang si Jas ang taga-kuha ng picture nila. Kitang-kita niya na ang saya-saya nitong dalawang mag-syota rito sa paglalaro nila. Napangiti siya dahil nakikita niyang masaya ang dalawa. Lalo na si Rosh. Kahit masakit ito para sa kanya, at least nakikita niyang masaya ang siya sa kanya. Ayos na yun. Pinipilit nalang niya sa sarili na; ayos na na ganito.

Nagtagal sila sandali duon hanggang sa dinala na nila si Elise sa pinaka-huling lugar na sinave nila, sa Ligñon Hill Nature Park. Pagkadating na pagkadating nila doon ay ay tuwang-tuwa si Elise. First time niya lang kasi makarating doon. Hindi siya ganun kalapit pero makikita mo ang hubog ng Mayon mula roon. Talaga nga naman napakaganda nito. 

Niyakap ni Elise itong si Rosh at nag-kiss sila at nagsabi ng I Love You sa isa't isa. Nadun sila at i-nenjoy ang view habang si Jas ay busy sa pagkuha ng picture nila at ng tanawin. Matagal narin silang hindi nakabalik dito at talaga nga naman napakaganda ng mayon. 

Hapon na noon at nadun lang sila sa park ng mag-offer itong si Rosh na bumili ng kanilang meryenda. Ang naiwan lang duon ay ang dalawa ni Elise at ni Jas na medyo nag bond naman. Nag-usap sila noon at nagkakasundo naman sila. Maya-maya ay may biglaang tinanong si Elise kay Jas.

"Kelan mo pa mahal si Rosh?" tanong nito. Nabigla duon si Jas at agad siyang hindi nakasagot at nakatingin lang siya kay Elise na talagang seryoso sa tanong niya at nakatingin lang sa kanya.

"Kanina ko pa napapansin ang mga tingin mo sa kanya. At noong simula pa ng nagkakilala tayo. Iba yung tingin mo sa kanya. May laman." dagdag niya. Maya-maya ay biglang bumaling ang tingin niya sa mayon.

"Jas. Hindi ko siya papakawalan, kaya kung pede, dumistansya ka muna sa kanya? Dahil sobrang close niyo at dahil doon. Naiirita ako." at tumingin muli kay Jas.

"Pede ba yon?" ang panapos niya. Hinding hindi niya alam kung ano gagawin at kung ano isa-sagot niya kay Elise; lalong lalo na't mahirap ang hinihingi nitong gawin niya.

All that's leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon