Chapter XXXIV: Boundaries

10.4K 79 1
                                    

Tahimik lang noon ang tatlo nina Jas, Jennifer at Lance. Gustong mag-salita noon ni Jas pero pinili nalang niyang manahimik. Di niya kasi alam kung ano ang sasabihin eh. Kung bakit niya biglang binago ang trato niya. Di niya masabi kung bakit niya ginagawa yon; ang totoong dahilan kung bakit niya ginagawa yun. Mukhang nararamdaman din niya na parang alam rin nitong si Jennifer, pero ayaw niya malaman niya ito dahil baka maging masama agad ang tingin nito sa kuma-usap sa kanya na gawin nga ito.

Tahimik lang silang naglalakad noon sa españa at magkakasama parin sila. Nasa likod lang na tahimik itong si Lance habang si Jennifer, tinitingnan parin ang tila wala sa sariling si Jas.

"Alam mo Jas, nandito lang naman kami eh. Diba sabi namin na pag may problema ka pede mo naman kaming sabihan?" nabanggit bigla nitong si Jennifer.

"Para ka talagang si Rosh. Laging sinasarili ang lahat." biglang dagdag nitong si Lance sabay akbay nito kay Jennifer.

"Sabihin mo nalang kasi. Ano ba talaga ang problema?" dagdag nito. Kinurot ni Jennifer ang braso nitong si Lance habang inaalis ito.

"Alam mo. Masama yan. Problema din namin yan kay Rosh eh, pero ngayon medyo nagsasabi na siya." nasabi narin lang din ni Jennifer. "Tungkol ba kay Elise to?" dinagdag niya at tila medyo natigilan doon si Jas.

"Sabi ko na nga ba eh. Jasmine may sinabi ba sayo yung si Elise?" bigla niyang tanong, pero tahimik lang itong si Jas.

"Hay nako, kung may sinabi yun sayo sabihin mo samen! Ano inaway kaba?" 

Agad din naman nag-salita itong si Lance; "Nako, pag nalaman ito ni Rosh. Baka magalit yun. Bata ka pa naman nun." 

"Eh wag! Wala! Di niya ako kinausap! Wala siyang sinabi!" napasigaw nalang itong si Jas na medyo i-kinagulat naman nilang dalawa. Napa-upo nalang si Jas sa may bench duon at napaub-ob. 

"Eh kasi, ewan ko na. May Girlfriend na siya eh. So dapat hindi na ganun diba? Dapat hindi na niya ginagawa yung mga dati na ginagawa niya sakin?" nabanggit nalang nitong si Jas. Nagtinginan nalang muna itong si Jennifer at Lance bago tinabihan ni Jennifer si Jas.

"Ano kaba. May Girlfriend oh wala, ikaw parin bestfriend niya. Oo may mga bagay na kailangan na talaga na; ano ba yun? Na baguhin or bawasan, pero yung mawala naman or i-ignore ng ganun si Rosh, lalo na't mag bestfriend nga kayo. Eh mali naman." sabi ni Jennifer.

"Jas ganito kasi. Hindi porke't may Girlfriend na nga yang Bestfriend mo, eh iiwasan mo na. Hinde, katulad nga ng sinabi ni Jennifer, mababawasan lang yung mga dati niyong nakagawian. May mga bagay na magiging bihira niyo nalang gawin or; kelangan talagang mawala. Pero ang mawala sa kanya dahil nag-seselos lang ang Girlfriend niya? Iba naman yan Jas." dagdag nitong si Lance.

"Teka parang pinahaba mo lang sinabi ko eh." nabanggit ni Jennifer kay Lance.

"Ah? Ganun ba, sorry." tapos inirapan lang siya ni Jennifer bago bumaling kay Jas.

"Tama nga sinabi niya. Pero teka nga, ok naman kayo dati kahit nung nagka-girlfriend siya ah? Ano ba talaga nagbago?" dagdag nitong nagtataka niyang kaibigan. Tumahimik lang noon si Jas at talagang ayaw niyang sumagot.

Tinusok lang ng daliri ni Lance itong si Jas kasi natutulala nanaman. Ilang beses pa niyang ginawa ito bago siya sawayin nitong si Jennifer at hinihintay lang sumagot itong si Jas.

"Jas, wala kaba talagang balak sabihin sakin kung bakit?" dagdag ni Jennifer. Tumingin lang itong si Jas sa kanya at napayakap nalang. Nagulat rito si Jennifer pero ang ginawa nalang niya ay yakapin pabalik si Jas habang si Lance naman ay umupo sa kabilang tabi ni Jas.

May hinala itong si Jennifer, pero hindi siya sigurado kaya pinili nalang niya na wag ng kulitin pa itong si Jas. Dahil sa itsura palang niya; nakikita niyang hindi niya rin gusto ang ginawa niya kanina.

"Jas, tutuloy mo pa ba yang ginagawa mo?" biglang natanong ni Jennifer.

"Gusto mo ba yang ginagawa mo?" biglang pa-segunda nitong si Lance.

Bumitaw na sa pagkakayakap itong si Jas at tiningnan itong si Jennifer at Lance. Parang iiyak na nito si Jas, hinawakan nalang ni Jennifer ang kamay nitong si Jas habang si Lance naman ay tinapik-tapik ng magaan itong si Jas ng bigla rin itong tumingin kay Lance.

"Tingin niyo ba nagustuhan ko rin yung ginawa ko kanina?" tumulo na ang luha niya. Sobra talaga para sa kanya yun. Ngayon niya lang kasi trinato ng ganun itong si Rosh.

"Hays, sige na tahan na." sambit nitong si Jennifer at niyakap siya habang pinapatahan siya.

"Napaka-iyakin mo pala grabe." pagbibiro niya. Napatawa naman ng kaunti ang tatlo habang pinapatahan parin niya si Jas. Tumayo itong si Lance at humarap sa kanila.

"Sige na, tara na at i-hahatid ko na kayo." sabi niya at tumayo narin ang pareho. Napatahan na ni Jennifer ng kaunti itong si Jas at pagkatapos noon ay inihatid na ni Lance itong si Jas at ganun din naman itong si Jennifer.

-------------------------------------------------------------------------

Sa mga oras na yun ay magkasama na ang dalawa ni Rosh at Elise sa apartment nila. Nagchi-chill lang sila doon at nanunuod ng TV. Nakahiga si Elise sa bandang hita nitong si Rosh habang siya naman ay tila parang di parang wala parin sa sarili niya.

Hindi ito gaanong napapansin ni Elise dahil naka-focus lang siya sa may TV. Dahil narin siguro sa tila pagbabago ng trato ni Jas sa kanya. Malungkot siya at walang kaalam-alam sa dahilan nitong si Jas kung bakit ganto siya. Talagang ginugulo siya nito at nararamdaman niya na parang may kulang. 

Ito lang ang tumatakbo sa isip niya, isip siya ng isip ng mga pwedeng dahilan kung bakit siya nagkaka-ganun. Pero, isa lang ang pwedeng dahilan noon; at yun nga ay ang pagkakaroon niya ng Girlfriend. Marahil umiiwas na nga siya dahil nga hindi narin naman tama na ganun parin ang trato niya sa kanya. 

Sa tagal kasi ng pagiging mag-bestfriend nila ay naisip nga rin niya na halos wala silang boundary para sa isa't-isa. Anything Goes kumbaga. Pero dahil nga sa may Girlfriend na siya; mukhang kakailanganin na nga nila ng boundary.

Napahinga nalang si Rosh ng malalim dahil, hindi ito magiging madali; lalo na at si Jas nga ang matalik niyang kaibigan at mukhang magiging mahirap itong gawin.

All that's leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon