Chapter XXXVI: Smile's Leaking

10.3K 88 3
                                    

Naguusap lang noon ang tatlo nina Jas, Jennifer at Lance habang medyo nagkakatuwaan din sila. Malalim na rin ang gabi noon at tamang-tama na wala silang pasok bukas. 11:30 na ng makarinig sila ng katok. Nag-excuse sandali itong si Jas para buksan ito.

Pagbukas niya ng pinto ay laking gulat niya at si Rosh pala yun. Natulala muna siya habang si Rosh naan ay nagtataka kung bakit gulat na gulat itong si Jas.

"T-teka pano ka nakapasok dito?" tanong agad ni Jas.

"Ah, ano kasi bukas yung gate kaya pumasok nalang ako at sinara yung gate." sagot ni Rosh.

"Shet nakalimutan ba namin isara yung gate na yun? Naku lagot ako nito kung ung may-ari nakapagbukas nun!" sabi nalang niya sa sarili niya sa pag-aalala. Pero buti na nga lang at si Rosh yung nakapagbukas. "Ahh ganun ba? Sige pasok kana Rosh." sambit niya.

Pumasok na itong si Rosh at laking gulat niya rin na ang sumalubong sa kanya ay itong dalawa ni Jennifer at si Lance.

"Hi Rosh." pag-bati ni Jennifer.

"Yow Rosh." pag-bati naman ni Lance.

"Ikaw, anong ginagawa mo dito?" prangkang tanong ni Jennifer, na siya namang kinatigilan nitong dalawa ni Rosh at Jas.

"Ah, eh, kasi" umubo muna ni Rosh "kasi hinatid ko si Elise sa bahay nila kanina. So na-isip ko na muna na dumaan muna ako dito kasi di pa kami gaano nakapag-bonding ngayong araw."

"Kasi kahit magkakasama tayo at kahit kasama mo na si Jas. Kung hindi mo siya katawagan; eh katext mo pa." prangkang sagot ni Jennifer.

Siniko ni Lance si Jennifer at nag-talo bigla habang si Jas naman ay natahimik lang at halatang nag-iisip ng pang-save kay Rosh.

"Ah, kasi miss lang nila siguro ang isa't-isa. Ito talagang si Jennifer oh. Hahaha!" pag-tangkang save ni Jas.

"Naku, yang dahilan na yan ang pinaka-masama Jas. Ikaw na nga tong bestfriend niya, di kapa niya makausap ng matino ng hindi lilingon sa cellphone niya eh." pasaring naman ni Jennifer. Duon ay natahimik na itong si Jas at napatungo nalang.

"Ano kaba Jennifer, nakakahiya na." bulong nitong si Lance.

"Tantanan mo nga ako. Totoo naman eh. Nakakatampo na. Nagka-girlfriend lang nagka-ganyan kana. Mas-malala pa nung nagkagusto ka kay--"

"Sorry na." biglang sagot ni Rosh. Napatingin lang itong si tatlo sa kanya.

"Di ko naman sinasadya eh. Ngayon lang naman kasi may nagpa-ramdam sakin ng ganito. Kahit sa una ko, di ko ganitong naramdaman na may nag-mahal sakin. " nasabi nalang ni Rosh. 

Natahimik nalang itong si Jennifer, halatang nainis sa sinabi ni Rosh. Habang si Lance naman nagpalinga-linga nalang. 

"Alam mo Rosh. Bulag karin. Nandito lang kami oh, 2 years mo na kaming kilala, sama mo pa tong mokong na to." sagot ni Jennifer habang si Lance napakamot nalang ng ulo, siya kasi yung sinabihan ng mokong.

"At yang Bestfriend mo, na ganyang-ganyan din ang ginagawa sayo." sambit niya bigla kay Rosh na kinagulat naman ni Jas. Natahimik lang noon si Rosh sa sinabi na yon ni Jennifer.

May punto siya, nadoon si Jas simula pagkabata niya. Kasama niya sa lahat, sa school, sa mga pagpasyal, sa mga paglalaro at sa mga kalokohan na pinag-gagawa niya. Nadoon siya, laging nakasuporta. Naroon din siya nung nagka-sakit siya, siya ang nag-alaga sa kanya. 

Oo, lagi niyang kasama si Jas sa halos lahat ng pinag-gagagawa niya. Talagang masasabi mo na Bestfriend niya talaga ito. Na realize narin niya, pinapahalagahan din siya nitong si Jas. Oras nga naman niya ginagamit niya tuwing sasama siya sa kanya.

Sa mga oras na yun tahimik parin itong si Rosh habang tumatakbo sa isip niya ang mga bagay na yun. Tahimik din lang itong dalawa ni Jennifer at Lance habang si Jas naman ay nakatungo parin. 

"Oh ano na Rosh? Tatahimik ka nalang ba diyan. Naisip mo na noh?" biglang tanong nitong si Jennifer. Pero di parin na-sagot itong si Rosh.

"Rosh naman kasi; ayos lang naman kung magka-girlfriend ka eh. Isa pa nga kami sa mga taong tuwang-tuwa na may lovelife kana. Pero Rosh, ang ginagawa mo, pinapa-ikot mo nanaman ang mundo mo sa kanya. Ganyang-ganyan yung iniiwasan mo diba?" dagdag niya.

"May mga kaibigan karin, at may Bestfriend ka. Wag mo naman kaming kalimutan dahil lang sa fact na yun. Di lang ako nagtatampo ng ganito Rosh, yung ilan samin nakakahalata na pero dahil nga kilala ka nila, eh tahimik nalang sila. Para sa kanila rin sinabi ko."

Di na talaga nakapag-salita pa itong si Rosh. Tumahimik narin lang itong tatlo ng biglang tumayo itong si Rosh; "Ah, ano-- una na ako. Sige na Jas bye." sambit niya at paalam niya kay Jas, at lumabas nalang siya ng pinto.

Tiningnan lang ni Lance itong dalawa niyang kasama ng sinundan niya itong si Rosh. Si Jennifer naman ay nakatungo lang noong lumabas si Rosh. tiningnan ni Jennifer si Jas at nakita niyang nakatungo rin lang ito. Nilapitan niya itong si Jas at tiningnan kung umiiyak. Niyakap nalang niya ito.

"Ayos narin siguro na malaman niya ng maaga na hindi maganda ang patutunguhan nito pag hindi siya umayos." biglang nasabi ni Jennifer habang si Jas napayakap narin lang ng mahigpit. 

Pinili nalang niyang huwag mag-salita. May punto lahat ng sinabi ni Jennifer. Nag-aalala na siya para kay Rosh, at lalong lalo na na-sumasama narin ang loob niya kay Rosh dahil nga sa mga nangyayari ngayon. Dahil nga sa bumabalik nanaman siya sa dati. May kasalanan din siya rito dahil siya rin nagtulak sa kanya na maging ganito. Hinayaan niyang mag-let go itong si Rosh at mag all-out na kay Elise. At nakikita na niya ngayon na may mali nga dito.

"Alam mo, mga minsan. Sa sobrang pagka-manhid niyang si Rosh sasabihin ko na na Mahal mo siya eh." 

"Eh wag! Jennifer naman eh!" biglang bitaw at sabi ni Jas kay Jennifer. Natawa nalang ito at niyakap nalang uli si Jas.

"To naman, joke lang." sabi nito.

-----------------------------------------------------------------------

Sa labas ng apartment, naabutan pa ni Lance itong si Rosh.

"Rosh, san ka pupunta?" tanong nito.

"Uuwi nako." sagot lang niya.

"Pasensya na kay Jennifer pre. Nadala lang yun. Lam mo naman mga babae diba?" sambit ni Lance. Sinusubukan niyang pagaanin ang loob nito dahil, kitang-kita kay Rosh na sumama ang loob nito at nalungkot.

"Ano kaba, ayos lang. Totoo naman eh. Pasensya narin kung ganun nanaman nangyayari. Sige na una nako. Hatid mo na si Jennifer. Gabing-gabi na oh. Bye." sagot nito. Di nalang nakapagsalita itong si Lance dahil nag-tataka siya kay Rosh. Nakangiti ito. 

Sa dami ng narinig niya; kaya pa niyang ngumiti. Medyo kilala na ni Lance itong si Rosh; at alam niya, na nasaktan ito, dahil sa ngiting yun.

All that's leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon