Trespassing

38.8K 1.2K 108
                                    

Chapter One

"BILISAN mo, Miss Chantal. Maabutan na nila tayo!"

Habol ni Chantal ang paghinga habang hatak-hatak ng assistant niya sa isang kamay at pasikot-sikot sila sa kung saan-saang eskinita. Pakiramdam niya ay hindi na sumasayad ang mga paa niya sa lupa habang pinipilit na sumabay sa mabilis na pagtakbo ng kasama. Masakit na ang kanyang mga paa at may palagay siyang paltos-paltos na ang kanyang mga talampakan dahil ang suot niya ay ang latest design na five-inch heels ni Jimmy Choo. At may tatlong oras na silang lakad-takbo para matakasan ang mga humahabol sa kanila. 

Alanganing oras na iyon at wala ng katao-tao sa mga kalye. Tahol at ingay ng mga nabulabog na aso sa kanilang dinadaanan ang tanging maririnig sa paligid.

"Sino ba kasi ang mga taong 'yong? Ano ba ang kailangan nila sa atin?" Humihingal at may bahid-pangangatal na tanong ni Marcy o Marciana.

"I think, Ally sent them."

"'Yong step-sister mo?"

"Yes."

"Bakit naman niya gagawin 'yon?"

"She wants me dead."

"Ano?"

"Yeah, I know. Sweet and timid Ally, who can't even hurt a fly," sarcastic niyang tugon.

"Hindi naman sa nagdududa ako pe--"

"Dito!"

Literal na napairit sa gulat si Marcy at muling hinatak ang among designer papasok sa isang madilim na kalye nang marinig ang sigaw ng isa sa mga humahabol sa kanila. Nagkandatali-talisod sila ngunit hindi na muna nila ininda ang sakit ng katawan. Ang mahalaga'y makaligtas sila. Hindi na halos nila makita ang kanilang dinadaanan sa sobrang dilim. Pero mukhang may sa matang-pusa si Marcy. Dire-diretso lang ito ng lakad-takbo. At walang magawa si Chantal kundi ang sumunod dito dahil mahigpit nitong hawak ang kanyang kamay. Kung saan-saan sila sumuot at nagpaliko-liko ng daan. Daig pa nila ang nasa loob ng isang labyrinth.

Mabaho at halos pang-isahang tao lamang ang kasya sa dinadaanan nila. Ngunit nagawa nilang pagkasyahin ang kanilang mga sarili roon. Gustong bumaliktad ng sikmura niya sa amoy ng mabahong kanal at panghi ng lugar na kanilang nasuotan. At parang gustong gumapang ng kanyang balat sa mamasa-masang pakiramdam sa kanyang talampakan. Ayaw niyang isipin kung anong klase ng dumi at masangsang na likido ang kumapit sa balat niya. Sa sandaling makaligtas sila sa gusot na iyon ay maliligo siya ng isang boteng alcohol.

"Dito tayo," mahinang sabi ni Marcy.

Hindi niya alam kung anong lugar iyong napasukan nila. Pero tantiya niya ay nailigaw na nila ang mga taong humahabol sa kanila kaya makakapahinga na sila.

"Pahinga muna tayo rito. Mayamaya, kapag maliwanag na saka tayo pumunta ng presinto. Kailangan nating maipa-blotter ang mga goons na 'yon. Mahirap na. Baka hanggang airport sundan nila tayo, hindi na tayo makasakay ng eroplano."

"I don't wanna go home yet," aniya, pahingalay na isinandal ang sarili sa kinauupuan.

Nakaupo sila sa loob ng isang pampasadang jeep. Nang unti-unting masanay ang mga mata ni Chantal sa dilim ay naisip niyang nasa loob marahil sila ng isang junkyard. May ilang sasakyang nakaparada roon. At mayroong tila isang maliit na shack sa malapit.

"Ano? Aba'y bakit naman? Baka mapa-deport ka nang wala sa oras for overstaying? Ako ayos lang dahil Filipina ako. Pero ikaw, kahit may one-fourth blood kang Pinoy, American citizen ka pa rin."

"I'm sorry, Marcy. I didn't tell you this before, but I already avail the LSVVE."

"El-es-ano?"

"Long-stay visitor visa extension."

The Heiress and the HoodlumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon